Habang nakayuko ang aking kalaban, lumapit ako sa kanya at sinipa ko ang mukha niya gamit ang aking tuhod. Napansin ko ang pag-agos ng dugo sa aking pisngi, ngunit hindi ko ito binigyan ng importansya. Sapagkat gusto ko nang matapos ang aming laban. Inatake ko siya ulit at hinawakan ang buhok niya upang suntukin ang mukha niya. Hindi ako naging maingat, hindi ko napansin ang paghugot niya ng kutsilyo mula sa tagiliran niya. Huli ko na itong napansin at nasaksak na niya ako. Napaungol ako nang bumaon ang talim sa aking hita. Hindi lang iyon, napaluhod ako sa sobrang sakit. “—Cod015!” sigaw ng mga kasamahan ko. "Bumangon ka, Cod015! Bumangon ka!" sigaw ni Lie. Kahit masakit, pilit akong tumayo. “Hindi pa ako pwedeng mamatay!” sabi ko sa aking sarili. Dahan-dahan akong tumayo, pero big

