SA AMING lima, ako lang ang may anak, at ako rin ang medyo mahina ang loob. Dahil na rin siguro sa mga pinagdaanan ko sa kamay ng mapang-abuso kong asawa. Bagkus ngayon ay sinubukan kong patatagin ang aking sarili, sapagkat alam ko na walang ibang makakatulong sa akin kundi ang aking sarili at maliban sa apat kong mga kaibigan ko. Sa aming lima, si Amalie ang hindi naghahangad ng kalayaan noon. Sapagkat naalala lang niya ang ginawa sa kanya ni Elaine, noong nasa labas pa siya. Gayunpaman, nagbago siya mula noong nagsimula ang aming relasyon. Pagkatapos ng aming pag-uusap ay nagpasya ns kaming matulog, ngunit noong gabing ‘yun ay magkatabi kaming natulog sa kama ni Lie. Sa kalagitnaan ng gabi, may mga pulis na pumasok sa aming selda, at ang apat kong kaibigan ay sapilitang kinuha at ako

