TUMIGIL ako sa pag-iyak, at agad akong niyakap ni Uncle Jo. Iniisip ko ‘yung alok niya at higit pa sa lahat, naisip ko na mas maayos ito kaysa sa pagtatrabaho ko sa isang bar gabi-gabi at pakikipag-usap sa iba't ibang mga lalaki. "Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata, dahil mahal ko ang aking pamilya, kaya kakapit na lamang ako sa patalim," sabi ko sa akingsarili. "Zeth, galit ka ba sa akin?" malumanay na tanong ni Uncle Jo, at kinuha niya ang palad ko. "Kahit magalit pa ako sa'yo, walang kwenta pa rin, hindi na maibabalik ang aking dangal na matagal kong iningatan," seryoso kong saad sa kanya. Hindi ko naman masisisi si Uncle Jo, dahil hindi niya ako pinilit, kusa akong sumama sa kanya. Tanghali na nang sinabi ko sa kanya na uuwi na ako. "Ihahatid na kita," alok niya sa akin. "

