At ilang sandali pa ay lumabas na ang maraming tsismosa sa kanilang mga bahay, at napatingin sila sa amin, buti na lang ay nakaalis na si Uncle Jo. "Bakit? May problema ba?" seryoso kong tanong sa kanila. "Tsee! Nakahuli ka lang ng malaking isda, akala mo na kung sino ka!" sabi ng isang tsismosa. "Oo nga! Napakayabang na!" sabat naman ng isang tsismosa, at sumang-ayon sa katulad niya. "Sa simula pa lang, alam n'yo nang mayabang na talaga ako! At ano ngayon?" Malakas ang loob kong humarap sa kanila. Simula noon, lagi na silang nakikialam sa buhay namin, palagi na nilang ksinusulsulan ang aking tatay, kaya iniwan kami nang tuluyan. Lagi nilang sinasabi sa aking tatay na mayroong lalaki si nanay, kahit ang totoo ay wala naman. Kinagabihan, tumawag ulit ang aking manager. Tinanong

