Umiiyak ako sa sulok at nanginginig ang buong katawan sa dami ng palo at bugbog na natanggap ko mula sa kamay ng tatlong pulis. Bigla kong naalala ang mga kapatid ko. Alam kong hindi nila alam kung paano haharapin ang sitwasyon nila ngayon, lalo na sa bangkay ng nanay namin. Lalo na ngayon na nahihirapan akong makalabas ng kulungan. Nagluksa akong mag-isa habang iniisip ang kalagayan ng aking mga kapatid. "Sigurado akong puno ako ngayon ng tukso sa aming lugar, higit sa lahat ang aking mga kapatid. Sana kayanin ko ang pagsubok na dumating sa pamilya namin," paanas kong wika sa aking sarili. Walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha. Dahil wala silang pera, inilibing nila ang aming ina sa parehong araw. Tinulungan sila ng chairman ng aming barangay. Kahit papaano nabigyan nang maayos

