Chapter I

1582 Words
Kasalukuyan... Huminga muna si Celestine ng malalim habang nakatingala sa mataas na gusali sa kanyang harapan. Nang pakiramdam ay handa na siya ay saka siya tumuloy sa pagpasok sa gusali at dumiritso sa reception area. Isang nakangiting receptionist ang kanyang tinanong kung nasaan ang opisina ni Mr. Andrew Villamor. Itinuro naman nito sa kanya agad kung ito naroon. Hmm..not bad. Hindi masyadong strikto sa lugar na ito. Sa isip-isip niya ngunit nagkamali siya ng isang sekretarya ang humarang sa kanya sa kanyang akmang pagkatok sa pintuan ng opisina ni Mr. Villamor. Well not, literary hinarangan, iyon bang diri-diritso lang si Celestine patungo sa pintuan ng opisina ng biglang parang may natarantang boses ang nagpahinto sa kanya. " Excuse me, excuse me..." Pigil-tawag ng boses ng sekretarya nito sa kanya ng lampasan niya ito. Hindi niya naisipang magtanong sa babae na nasa mesa sa labas ng opisina ni Mr. Villamor dahil busy ito sa pagta-type sa kanyang laptop. "Anong kailangan mo?" Tanong nito sa kanya at nilapitan siya na para bang sinisiguro nito na hindi siya dapat basta-basta papasok sa loob ng opisinang iyon at handa itong iharang ang maliit nitong katawan huwag lang siyang tumuloy sa pagpasok. "Gusto kong kausapin si Mr. Villamor. " Diritsong sagot niya. "Wait may appointment ka ba sa kanya? Ano ngang pangalan mo ma'am?" Tanong nito sa kanya at lumakad papalit sa mesa nito at kinuha amg notebook. "Celestine Marquez po." Tiningnan nito ang notebook na hawak at hinanap ang pangalan niya. "I'm sorry ma'am, kailangan ninyo munang magpa-appointment bago mo makausap si Sir. Busy kasi siya at fullybook siya ngayong araw. You can come back some other time." Paumanhin nito sa kanya pero parang hindi naman sincere. Iyon bang for the sake of her job that she needs to be kind or polite. "Miss, sinabi niya sa akin na pwede ko siyang puntahan dito anytime. Kaya hindi ko alam na kailangan pa pala ng appointment. I'm sorry kailangan ko talaga siyang makausap." Paliwanag niya at akmang tutuloy sa harap ng pintuan. "Wait. Umupo ka muna dyan, titingnan ko muna kung pwedeng makausap si Sir Drew ngayon." Pigil nito sa kanya at lumapit sa pintuan. Kumatok muna ito at dahan-dahang binuksan ang pintuan. "Sir,.." umpisa nito at isinara ang pinto kaya wala na siyang ibang narinig. Hindi nagtagal ay lumabas na ang sekretarya at pinapapasok siya sa loob. Kumatok muna siya saka dahan-dahang pinihit ang siradura. Iwan pero biglang siyang kinakabahan. Biglang nanlamig ang kanyang kamay na parang bang nagyeyelo ang siradurang kanyang hawak. Napasukan niya si Mr. Villamor na may binabasang papel habang hawak ng kanang kamay nito ang ballpen. "Have a seat." Hindi ito tumingin sa kanya at itinuloy nito ang pagpirma sa papel na nasa harapan. Nang matapos iyon ay saka ito tumingin sa kanya. Inilapag nito ang hawak na ballpen sa mesa at pinagsalikop ang dalawang kamay. He looks so dignified. Boss na boss ang dating. Well, boss naman talaga siya basi na rin sa binigay nitong calling card sa kanya. CEO ang titulong nakalagay doon under his name. Kaya pakiramdam niya ngayon ay para siyang isang empleyadong nagkasala at pinatawag ng boss o di kaya'y empleyadong gustong humingi ng pabor sa kanyang boss like a long vacation leave or something na parang pagpapawisan ka talaga ng malamig kapag kaharap ito. Well..exaggerated pero hindi pa naman siya pinagpapawisan pero aaminin niya na nanlamig ang kanyang mga palad. Nakakaintimidate kasi ang kagwapohan nito. Kahit hindi ngumingiti ang lalaking ito ay sobrang gwapo pa rin. Marami siyang nakasalamuhang gwapo sa daan,sa mall pero hindi kasing gwapo ng lalaking ito. "So what took you so long to come over?" Seryosong mukha at ang mga mata ay titig na titig sa kanya. "Ahmm.." parang bigla siyang nawalan ng sasabihin o may gusto naman talaga siyang sabihin ngunit parang hindi niya alam kung paano sisimulan. Isang buwan na ang nakalipas ng huli silang magkitang dalawa. Binigyan lang siya nito ng calling card at umalis na. Hindi siya tumawag o magtext man lang tungkol sa trabahong inaalok nito. "I'll take it." Pa-english niyang sabi. Ganyan si Celestine kapag kinabahan, nagagalit, naiinis, masaya o di kaya'y lasing, biglang lumalabas ang pagka-englisera niya. "What do you mean?" Panigurong tanong nito sa kanya habang hindi siya hiniwalayan ng titig nito. "I mean, tatanggapin ko na ang alok mong maging surrogate mother sa isang kondisyon..." matamang nakinig lang si Andrew sa kanya. "...make it 10 million." Seryosong sabi niya at pilit tinatago ang kaba na baka hindi pumayag si Andrew sa hiling niya. Baka mapurnada oa ang plano niyang pagpapatayo ng maliit na negosyo pagkatapos ng kasunduan nila. Sino ba naman siya para magdemand pero bahala na take it or leave it. Wala namang mawawala sa kanya kundi ang opurtunidad na umasenso sa buhay kapalit ng pagbigay ng anak sa lalaking ito. Mahirap din kaya iyon kaya dapat lang na singilin niya ito ng malaki total mayaman din naman ito. "How are you going to spend that large some of money?" He asks out of curiosity "Well, I'm going buy everything I want. Go everywhere I want and live like a millionaire. Sounds cool and fun." Nakangising sagot niya sa tanong ni Andrew. Isang biro lamang iyon para kanya pero hindi niya alam that he took it seriously. Well, bahala siya sa buhay niya. Bakit ba kasi nagtatanong pa siya kung aanhin ko ang pera. Wala naman siguro siyang pakialam kung paano ko gagastusin ang pera ko alangan naman itago ko lang sa bangko. "Cool." Iyon lang ang reaksyon nito saka tumayo at may binuksan na drawer at kinuha ang puting folder. Bumalik ito sa upuan niya at binuklat iyon. "Here you nees to sign our contract of agreement." Kumuha ito ng ballpen at ibinigay sa kanya. Aba at talagang pinaghandaan ng lalaking ito ang mga ganitong usapin dahil may nakahanda na itong kontrata. Iniexpect na kaya nito na papayag siya? O baka marami itong inalokan at maswerte lang na siya ang naunang pumunta? Kinuha niya ang ballpen at nilagdaan ang papel ni hindi man lang niya pinagkaabalahang basahin ang nakasulat. Pagkatapos mapirmahan ay inilapag niya ang ballpen. "Since hindi mo na binasa ang ating kasunduan, let me read it for you para mas klaro ang lahat and that we don't have misunderstanding in the future." Walang paligoy-ligoy na sabi nito. Bigla naman siyang kinabahan. Ano nga pala ang kanilang kasunduan? "Number 1: You agreed to be a surrogate mother of my child. Number 2: You are paid to do that. You'll get 10 million pesos. Three million pesos advance payment. And you'll get the rest once your job is done. Number 3: You are provided accomodation, food, needs and medical assistance while pregnant. Number 4: You need to take care of yourself while carrying my baby inside you. Number 5: After giving birth, leave the baby and never show up. Be a professional worker. Keep the secret. No one should know. And lastly, number 6: Don't fall in love with me. " Seryosong saad ni Andrew habang nakatingin sa kanya. "Excuse me?.." Pagak na tumawa si celestine. Aba'y gwapo nga ito pero hindi niya type ang mga mayayabang, mayaman at hindi ngumingiti na lalaki. Pakiramdam naman niya ay nalunod siya sa sobrang dami ng mga kondisyones nito. "...iyon lang ba? Not to fall in love with you?" Tumawa pa siya mg pagak. "Don't worry Mr. Villamor, it's not my intention to offend you, you have the looks that every girl swoon over your feet and every guy envies to have...." seryosong sabi at halos pabulong na sabi niya para may impact."... hindi ko type ang mga gwapong katulad mo dahil siguradong sakit sa puso lang ang dadanasin ko. Ayoko sa gwapo, mayaman at hindi marunong ngumiting lalaki." Pagpapatuloy niya at nginitian pa ito na ikinapang-abot naman ng kilay ni Andrew. "So tell me your type." Walang ngiting utos nito sa kanya. Nadaganan siguro ang ego ng p*********i nito dahil imagine hindi lahat ng babae mmtyoe ito. Hindi naman maitago ni Celestine ang ngiti sa nakitang reaksyon mula sa lalaki. Parang pakiramdam niya, nakasugat siya ng damdamin ng isang gwapo at mayamang lalaki pero di niya type. "Well, ang type kong lalaki ay siguro kabaliktan mo. No offense meant ha,gusto ko simply lang siya tapos sobrang bait. Iyong wala na siyang pakialam kahit hindi na virgin ang magiging asawa niya dahil sobrang bait niya at mahal na mahal niya ako." Nakangiti at parang nangangarap na saad niya rito. Mukhang bigla namang nagdilim ang mukha ng binata ngunit binawi nito agad at ngumiti sa kanya. " That's good. Then we're done and agreed. The doctor will contact you any moment and we need to do what needs to be done. Just keep in touch. You'll get the advance payment today. Any question?" Back to business like approach si Andrew at parang biglang naudlot ang pang-iinis ni Celestine rito. "None, Andrew. I guess I need to go." Paalam niya. "Better call me Mr. Villamor. Let's stay professional." Wika nitong ikihinto niya sa paghakbang. Binalingan niya ito at nginitian, " no problem Mr. Villamor. It's nice working with you." Tumuloy na siya sa pintuan pero bago tuluyang buksan ito lumingon muna siya "Ay may isa pa pala akong type sa lalaki. Iyong hindi mayabang." Sabi niya at dali-daling binuksan ang pintuan at mabilis na umalis. Hindi na niya nakita ang nag-abot na kilay ni Andrew. ©️janesummers
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD