Nakaraan...
Doble ingat sa pagmamaneho si Celestine sa kanyang lumang XRM na motor. Nasira na ang signal light nito at kailangan pa niyang maghand signal kapag liliko o hihinto.
Balak niyang umutang ng bagong motor dahil ang motor na lagi niyang ginagamit ay malaki ang maintenance. Lagi kasing may problema at kailangan ipaayos agad dahil kailangan niya ng magagamit na sasakyan para sa pagdedeliver ng mga paninda niya. Online seller kasi siya at kung ano-ano nalang ang benibenta niya online. Tulad ngayon na papalapit na ang bagong taon, nagreseller siya ng mga kakanin at cakes, prutas at kung ano pang pwede niyang mabenta.
Kailangan niyang kumita dahil may pinapaaral siyang isang kapatid. Senior high school pa lang naman pero magkokolehiyo na iyon sa susunod na pasukan. Wala na siyang mga magulang na maaasahan. Ang ama niya ay namatay na dahil sa isang aksidente at ang ina naman niya ay nagkakasakit. Nasa bahay na muna ito at nakatambay.
Hanggang third year college lang si Celestine sa kursong business administration. Hindi niya natapos ito dahil na rin sa nangyari sa ama niya at sa depression ng ina niya. Kaya wala siyang nagawa kundi huminto muna at maghanap buhay. Kung anu-anong pwedeng pagkakakitaan ang pinatos niya. Dahil mabeauty and brain siya kahit ayaw niya ay pinatulan niya ang mga imbetasyon ng mga beauty pageants sa kanilang lugar at karatig probinsya. Kapag wala siyang contest, online seller naman ang pinagkakaabalahan niya. Hanggang sa tinatamad na siyang bumalik sa pag-aaral. Naniniwala siyang kapag masipag ang isang tao at may pangarap kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay magiging successful pa rin siya. Gusto niyang magnegosyo. At naniniwala siyang balang araw ay makakamit niya iyon. She'll become a real business woman.
Well, business woman na siya ngayon. Iyon ang tawag sa kanya ng mga friends niyang mahilig mangbully sa kanya. Dahil nagbebenta siya ng mga kakanin ay business woman na siya. Oo nga naman pero alam naman nila kung magkano lang ang kita ng mga online seller. Maliit lang ang patong niya sa mga inaangkat niyang paninda plus delivery pa. Kaya minsan gusto na niyang sumuko sa mga pangarap niya. Ilang taon na ba siya? 25 and still single at walang narating sa buhay.
Oo, para sa kanyang ambisyosa,wala pa talagang narating sa buhay ang tingin niya sa sarili niya ngayon dahil gusto niyang magkaroon ng sariling negosyo. Iyon ang pinaka-main goal niya. Paano? Hindi niya alam pero gagawin niya ang lahat umasenso lang siya dahil sawa na siya sa buhay mahirap.
Oo maganda siya at iyon daw ang gagamitin niya para umasenso sabi ng mga walang hiya niyang mga kaklase noon. Dahil sa angkin ganda niya kaya lagi siyang nananalo sa mga beauty contest. Marami din siyang mga mayayaman na manliligaw na mag-aahon sa kanya sa kahirapan ngunit wala siyang swerte eh. Gusto lang ng mga iyon na tikman ang katawan niya. Kaya siya na mismo ang umiiwas sa mga ito dahil alam niyang hindi siya si Cinderella.
"Peppp--" malakas na tunog ng busina ang pumukaw sa nagliliwaliw na isip ni Celestine.
Paliko siya sa isang maliit na iskinita. 2 lane road iyon ngunit maliit lang na lane at dahil malayo ang narating ng utak niya ay nakanakaw siya ng lane ng lumiko siya at hindi niya napansin agad ang itim na sasakyan.
At dahil sa gulat niya ay nataranta siya at nailiko agad ang motor sa gilid ng daan na may sementadong bakod ng isang bahay. Sa pagkatarantang mabangga ay na front break niya bigla na siyang naging dahilan ng pagkatumba niya.
Hindi naman malakas ang pagkatumba niya dahil naitukod niya ang paa ngunit na out of balance siya.
"Oh nohhh.." tanging nasambit niya ng maalala ang dalang paninda. Dali-dali siyang tumatayo at pinatayo ang motorbike.
Parang gusto niyang maiyak sa nangyari dahil siguradong sira na ang cake sa loob ng box. Paano pa niya ito idedeliver.
Walang hiya kasing driver na iyon. Kung hindi ito nagbusina ng sobrang tagal ay hindi sana siya mataranta at mabigla. Hindi sana masisira ang mga paninda niya.
Binalingan niya ang sasakyang nakahinto ngunit hindi nagbukas ng bintana.
Aba at walang hiya rin itong poncho pilatong driver na to ah. Hindi man lang nagsorry.
Nagngitngit sa inis si Celestine. Iniwan niya ang sasakyan at kinatok ang bintana nito. Hindi maipinta ang mukha niya sa galit kaya napalakas niya ang pagkatok ng bintana ng sasakyan nito saka pa ito nagbukas ng bintana.
Pagkabukas na pagkabukas nito ay agad na tinalakan ni Celestine ang drayber.
Well, wait a minute, the driver is super gorgeous. Parang gusto nalang niyang magpakahinahon at ngitian ang estrangherong nasa loob ng sasakyan na hindi man lang ngumiti at seryosong tumingin lang sa kanya. Naalala tuloy niya ang kanyang mga paninda. Damn.
"Hoy, first time mo bang magmaneho ng sasakyan at pinagpapraktisan mo pa ang pagbubusina ng ganon ha?" Nanggalaiting tanong niya sa lalaking nag-abot ang dalawang kilay sa narinig. Ngunit wala siyang pakialam kung magalit man ito.
Lumabas ang lalaki sa kanyang sasakyan at lumapit sa kanya. Medyo nakatawag na sila ng pansin sa eksenang nangyari.
"Where's your driver's license?" Tanong nito sa kanya habang ang isang kamay ay nakalahad sa kanya. Hinihintay ang hinihingi nito.
Napakunot noo naman siya sa narinig. Teka pulis ba ito? Sobrang gwapong pulis naman kung ganoon. Medyo kinabahan siya.
"At bakit? Sino ka ba para hanapan ako ng driver's license?" Tapang-tapangan niyang wika at pilit tinatago ang kaba.
"Well, titingnan ko lang naman kung bakit pinayagang magmaneho ng motor ang isang taong hindi pa marunong magmaneho?" Nang-iinsultong sabi nito. Oo naiinsulto talaga siya. Siya na nga itong muntik ng mabangga ay siya pa ang hindi marunong magmaneho.
"Aba't ako pa ngayon ang hindi marunong magmaneho ha. Ako na nga itong muntik ng mabangga at matumba dahil sa kagagawan mo." Singhal niya rito. Hindi na niya napigilan ang emosyon. Sa pananalita nito siguradong siya pa ang sinisisi at sigurado ay hindi nito mabayaran ang nasirang paninda niya.
"Miss, maliit man o malakai ang daan hindi ka dapat magnakaw ng daanan. Nang dahil sa ginawa mo ay muntik na akong makasagasa ng tao. Give me your driver's license." Balik sisi nito sa kanya at iniumang ang palad para kunin ang driver's license niya.
"Wala kang karapatang kunin ang lisensya ko." Singhal niya rito. Hindi naman ito nagpatinag at kinuha ang cellphone sa bulsa nito at may tinawagan. Ni-loud speaker pa nito ang tawag.
"Hello Jason, saan ka ba nakaronda ngayon? Come over at Rizal St. may muntik ng bumangga sa sasakyan ko, maybe an unlicensed driver." Diritsong saad niya pagkasagot ng sinasabing Jason sa kabilang linya.
" Nasa malapit lang ako, on the way sir." Sagot naman ng nasa kabilang linya saka pinatay ang tawag.
Kinakabahan naman siya sa narinig. Malaki-laki ang multa sa mahuling walang driver's license. May driver's license naman siya ngunit na-expire diha six months ago at hindi niya narenew dahil ang mahal magparenew at wala pa siyang budget. Tutal lagi naman siyang nakakalusot kapag may mga LTO. Alam niya ang mga pasikot sikot na daan para hindi makasagupa ang taga LTOng nagroronda.
"Ah sir, may lisensya naman ako kaya lang naexpire na. Kaya huwag mo nang pag.intresan iyon. Patatawarin nalang kita at hindi na kita pababayarin sa nasirang paninda ko. Hayaan mo nalang akong umalis." Sabi niya sabay talikod papunta sa motor niya dahil aalis na siya ngunit nahawakan siya nito sa kamay na ikinahinto niya. Parang nabigla naman ito sa ginawa at binitiwan ang kamay niya ngunit ihinarang naman nito ang katawan sa kanyang daanan.
Letseng lalaking ito ayaw talaga siyang tigilan. Malayo pa lang ay parang may narinig na siyang siren ng pulis na nagroronda. Letse talaga.
"Ano ba?" Singhal niya. Gusto na niyang lumayo. Malaki-laki rin ang mababayaran niya kung mahuli siya ng pulis dahil ang rehistro ng motor niya ay expired na rin.
"Give me your ID and you can leave as fast as you can. We can settle this issue somewhere." Utos nito and he didn't give her a choice but to follow right away. Dali-dali niyang kinuha ang wallet sa loob ng kanyang itim na sling bag at hinugot mula doon ang kanyang ID. Ang voter's ID pa talaga ang nahugot niya. Papalitan sana niya ng Philhealth ID ngunit kinuha na nito sa kanyang kamay ang ID.
" Great. You can leave now bago ka pa nila abutan." Babala nito sa kanya sa seryosong anyo. Dali-dali naman siyang sumakay sa kanyang motor at pinaharutot ng mabilis ang sasakyang motor.
Nasundan na lamang siya ng tingin ni Andrew.
"Magandang umaga sir. Nasaan na iyong sinabi mo sir?" Tanong agad ni Jason pagkahinto nito sa patrol car.
"She just left." Maiksing sagot niya at pinaandar na ang sasakyan pero bago pa siya umalis...
"Bisitahin mo si Aling Lourdes sa mansyon minsan. Namiss ka na noon." Wika niya at umalis na.
Si Aling Lourdes ay ang katiwala nila sa masyon. Nag-iisang anak nito si Jason. Nagkatampuhan daw ang dalawa kaya umalis si Jason sa kanila at umupa nalang ng apartment. Bago pa lang ito sa serbisyo kaya hindi pa nakaipon para makabili ng sariling lupa at bahay.
Wala namang problema sa kanila kahit doon na sila tumira habang buhay dahil pamilya na rin naman ang turing ng pamilya niya sa mga ito.