"Celestine, ano itong mga pinadeliver mo na TV at refregerator sa bahay? Sa iyo ba talaga ito galing?" Tanong ng ina ni Celestine pagkasagot niya sa tawag.
Nasurprisa ito dahil sa hindi inaasahang delivery mula daw sa anak.
"Opo ma, sa akin po galing iyan. Para po may libangan na kayo sa bahay at ng hindi n'yo na kailangan mangapitbahay para manood ang paborito ninyong TV show." Nakangiting sagot niya. Siguradong masaya ang ina niya sa pinadala niya.
"Aba Celestine, saan ka naman kumuha ng pambili nito? Ang mamahal nito. Kakaumpisa mo lang sa trabaho. Imposibleng magkapera ka kaagad. Magsabi ka nga ng totoo." Naghihinalang saad nito.
"Ma naman. Ano namang ibig sabihin ng pinagsasabi ninyo. Nagtatrabaho ho ako ng maayos dito. Inutang ko po iyan. 1 year to pay. Kaya kung bayaran yan dahil malaki ang pasahod ng boss ko plus malaki din ang overtime pay ko." Pagsisinungaling niya.
Alam niyang hindi basta-basta naniniwala ang ina niya pero sana mapaniwala niya ito.
"Sigurado ka ha, baka kung ano ng kalokohang ginagawa mo dyan." Wika nito na medyo mababa na ang boses.
"Trust me mother. Ako pa ba?" May pagyayabang ang boses niya.
"Oh sya sya. Salamat sa padala mo. Sa wakas mapapalitan na rin ang refregerator natin. Gagawa ako ng ice buko para atleast may kita ako dito kahit maliit lang pantulong pambayad sa kuryente." Bakas sa boses nito ang masayang pasasalamat.
"Ikaw bahala ma pero pwede naman na hindi na ninyo gagawin iyon. Pero para may pagkakaabalahan kayo go na go na." Sang-ayon niya sa plano ng ina.
"Oh sige ma, tatawag nalang ako uli. Baka makauwi ako next weekend diyan." Paalam niya sa ina pagkatapos ay pinatay na ang tawag.
Hinihintay niya mag-alas dyes ang relo dahil iyon ang oras ng appointment nila kay doktora Sandoval. Alas nuebe pa lang.
Nakabihis na siya at hinihintay nalang si Andrew dahil sabay silang pupunta doon.
Tumawag ito kahapon para ipaalala sa kanya ang lakad nila ngayon. Simula ng huli silang pumunta sa hospital ay hindi na sila nagkita at nagkausap limang araw na ang nakaraan.
Weird pero aaminin niya na simula ng may nangyari sa kanila ay naalala niya ito lagi to the point na gusto niya itong makita o makausap man lang. Gusto niyang marinig mula rito kung ano ang nararamdaman nito na ito ang nakakuha ng virginity niya.
Ngunit alam niyang umaasa lang siya sa isang himala.
Si Andrew ay sanay na sanay na iyon makipagsiping sa kahit kanino birhen man o hindi kaya baliwala para rito ang nangyari sa kanila.
Kaya magpapabuntis rin lang siya dapat lawakan na niya ang kanyang pag-iisip at panatilihin ang professionalism sa trabaho.
Trabaho lang ito at walang personalan.
No feeling should be involved.
Binuksan niya ang kanyang cellphone at binuksan ang i********:. Mang-istalk na naman siya sa yummy body picture nito.
May bagong post pala ito two days ago.
Larawan ng beach na makikita ang papalubog na araw na may caption na "Wish you were here. Missing you."
Biglang tumibok ng malakas ang kanyang puso. Iyong pakiramdam ng nakabasa ka ng post ng isang lalaki at feeling mo ikaw ang tinutukoy niya.
Parang mahuhulog yata ang puso niya.
Pero alam niya hindi naman talaga siya ang tinutukoy ng post na iyon. Imposible.
Binasa niya ang mga comments sa ibaba. May mga malalandi pa ring nagko-comment. May iba namang kinikilig at hinuhulaan kung sino ang tinutukoy ng lalaki.
Hmm..sino kayang malas na babaeng iyon?
Imagine ang damuhong nobyo nito ay nakipagchokchakan sa iba. Ang malas talaga ng girlfriend nito.
Naalala niya si Vanessa kaya inistalk na naman niya ito.
Nagpost ito ng larawan sa sarili na may caption na "miss to be with you."
Parang biglang sinalakay ng panibugho si Celestine. Sigurado na siya na si Vanessa ang tinutukoy ng post ni Andrew.
Puso naman eh. Hindi ka dapat makaramdam ng ganyan. Aanakan ka lang niya pero hindi ka niya jojowain. Paalala niya sa sarili.
Pakiramdam niya nawawala ang gana niyang lumabas. Nakakatamlay bigla.
Hihiga na sana siya sa kama ng biglang nakarinig siya ng katok sa pintuan.
Gusto niyang takbuhin ang pintuan dahil alam niyang si Andrew iyon hindi para yakapin kundi pars sipain ang balls nito. Wala lang parang gusto lang niyang gawin pero syempre hindi niya gagawin iyon.
Hindi nga siya nagkamali ng mapagbuksan si Andrew na nakatayo sa labas ng pintuan. Medyo namumula ang mukha nito na pahiwatig na galing nga ito nagbeach.
"Hi" iyon lang ang lumabas sa bibig niya habang binuksan ng maluwang ang pintuan para patuluyin ito.
Hindi ito nagsalita bagkos tumitig lang sa kanya na ikinaasiwa niya. Maya-maya humakbang ito papasok.
"How's your stay here?" Tanong nito.
"Ahmm okay lang. Medyo namamahay pero nakakapag-adjust na rin." Mabilis na sagot niya habang sinara ang pintuan.
It's nice to see you again. Bulong ng isip niya.
"That's good. So are you ready?" Tanong nito na ang tinutukoy ay kung handa na siyang umalis.
Tumango naman siya at kinuha ang shoulder bag at nagpatiuna ng lumabas. Sumunod naman si Andrew sa kanya.
Weird pero wala ni isang nagsalita sa kanila. Parang pareho lang silang nagpapakiramdaman o baka wala lang talaga silang pwedeng i-topic.
Ano naman ang itatanong niya rito?
Bumukas ang elevator at pumasok sila. Pinindot nito ang button paground floor.
Kunwari nag-eenjoy siya sa kakatingin sa pababang numero ng elevator kahit ang totoo ay ayaw niyang sulyapan ang katabi.
Tumigil ang elevator sa ikalimang palapag at pumasok ang limang lalaki pagkabukas. Maliksi naman ang naging kilos ni Andrew at mas tumabi pa sa kanya na medyo ihinarang ang katawan nito sa harapan niya para hindi siya maipit o madikit sa mga lalaki.
Pakiramdam tuloy niya ay pinoprotektahan siya nito.
Imbes na kiligin ay mas lalong nakaramdam ng pagkailang si Celestine dahil sa sobrang magkalapit na katawan nila. Oo nga't medyo nakatalikod ito sa kanya ngunit halos madikit na ang mukha niya sa braso nito at pumapasok sa ilong niya ang pabango nito na kaysarap langhapin.
Ang bango nitong hinahanap niya lagi pagkatapos niya itong nakaniig.
Hindi nakapagtatakang maraming mga babae ang nahihipnostismo nito dahil hindi lang sa yaman at gwapo nito kundi sobrang bango pa nito.
Mukhang isa na siya doon.
Diyos na mahabagin huwag naman sana. Huwag n'yo pong pahintulutang tuluyang mahulog ang puso ko sa lalaking hindi para sa akin. Tahimik na dalangin niya.
Dahil hindi talaga pwede. Period.
Ngayon niya gustong magsisi kung bakit ito ang pinagbigyan niya sa p********e niya. Ayan tuloy mukhang nahulog ang puso niya sa p*********i nito este sa lalaking ito pala.
Diyos ko simula ng nadevirginize na ako, ang hahalay na ng utak ko. Ganito ba talaga ang epekto o ganito lang talaga kapag di na berhin?
Parang nakahinga naman si Celestine ng maluwag ng tumigil na ang elevator at iniluwa ang lahat ng sakay nito.
Dumiretso na sila sa sasakyan ni Andrew.
So si Andrew ay may sarili ring condo katabi ng tinitirhan niya ngunit 'di man lang siya binisita nito ng ilang araw.
Ano bang klaseng kapitbahay ito? Hmm...not friendly.