Chapter 17

1398 Words
Katatapos lang ng appointment nina Celestine at Andrew sa doktor. May dalawang hinog na itlog si Celestine kaya perpek para gawin ang pagsanib ng itlog niya at sperm ni Andrew. Nakuhanan na ng sperm si Andrew noong nakaraang linggo at nasa preservation area na ito. Hinihintay na lamang nila na mahinog ang itlog ni Celestine. Tamang-tama naman na nangitlog ito ng dalawa. Malaki daw ang posibilidad na mabuntis siya sa unang subok. "Oh bakit ganyan ka makatingin sa akin?" Tanong ni Celestine kay Andrew. Nasa isang restaurant na naman sila para kumain. Medyo late na ang lunch nila at gutom na sila pareho. Natagalan kasi sila sa hospital. Naiilang kasi siya sa titig ni Andrew na kaharap niya sa mesa. "Wala lang, naisip ko lang na next month e magiging ama na ako. Hindi ko inaasahan na makaramdam ng ganito pero bigla akong nasasabik maging ama. Ano kaya ang magiging anak ko babae o lalaki kaya?" Nakangiting wika nito. Batid sa boses at kislap ng mata ang excitement nito. "Aba malay ko. Bakit ano bang gusto mong maging anak? Babae o lalaki?" Tanong niya. "Gusto ko lalaki pero kung babae ang ibigay mamahalin ko pa rin siya at excited pa rin akong maging daddy niya." Hindi mapigilang mangiti ito sa sinabi. Ramdam naman niya ang saya nito ngunit iwan pero pakiramdam niya hindi siya kasali sa saya nito kahit siya pa ang ina. Of course, ano naman ang ini-expect mo girl na isali ka niya? Hello? Gising nga. Binabayaran ka lang niya para ibuntis ang anak niya. Huwag kang assuming at huwag OA ha. Paalala niya sa sarili. "Mabuti naman kung ganoon." Iyon lang ang nahagilap niyang sabihin at pilit na ngumiti. Excited rin naman siya na mabuntis hindi dahil gusto niya ng anak kundi dahil gusto niyang maging matagumpay ang trabaho niya at makuha na niya ang kabuoang bayad sa kanya. Tahimik uli silang pinagpatuloy ang pagkain. Panay nakaw ng tingin naman ang ginawa niya. Nami-miss niya ang lalaki at masaya siyang nakasalo ito sa pagkain ngayon. Maswerte pa ring matatawag dahil ang lalaking hinahangaan ng maraming kababaehan ay kasama niya ngayon at magkakaanak pa sila. Iyon nga lang walang sila at never maging sila. "Well, after this sasamahan kitang maggrocery kasi wala naman akong masyadong gagawin sa opisina ngayon." Maya-maya ay basag nito sa katahimikan. "Hindi naman ako maggogrocery sir. May pagkain pa naman doon sa condo." "Anong pagkain mo doon? Noodles? Canned goods? " Hindi siya sumagot dahil tama ito. Iyon lang talaga ang binili niya kasi madaling lutuin at kainin. Isa pa hindi naman siya mahilig magluto. "See? We need to buy foods. Itapon mo na iyang mga unhealthy foods. Kailangan mong kumain ng mga masustansyang pagkain." Pangaral nito. Hindi nalang siya kumibo at sumang-ayon nalang. Boss niya ito eh. Pagkatapos kumain ay dumiretso na sila sa mall. Pagpasok nila sa grocery store ay kumuha agad ito ng cart at dumiritso sa vegetables section. Napangiwi siya kasi hindi siya mahilig kumain ng gulay. "Ahmm sir. Huwag na po iyan." Nag-aalinlangang sabi niya. "Bakit?" Takang tanong nito. "Hindi ako kumakain ng leafy vegetables e except malunggay." Aniyang nakangiti ng peke. "Celestine Marquez, kailangan mong kumain ng gulay para healthy si baby at pati ikaw. Hindi mo ako madadala sa ngiti mo. Kunin mo iyong petchay." Utos pa nito sa kanya kaya napilitan siyang abutin ang petchay at ilagay sa cart na nakanguso ang labi. Tumuloy na rin sila sa meat section at may ilang karne din itong kinuha. "Teka sir, karneng baka ba 'yan?" "Oh bakit? Huwag mong sabihing hindi ka naman kakain ng baka?" Anito. Napangiwing napatango siya. Napapailing nalang itong ibinalik ang karneng baka. Kumuha din ito ng nakaslice ng manok at sa karneng baboy. "Ang dami naman niyan sir" "Syempre para hindi mo na kailangang maggrocery araw-araw." Anito sabay kuha ng karne. Kung anu-ano ang nilagay nito sa cart. Namumroblema tuloy siya kung paano niya lulutuin ang mga iyon. Promise hindi talaga siya marunong magluto. Ang alam lang niya ay magluto ng itlog at tuyo. Sa dami ng ingredients na inilagay nito sa cart, ano naman kayang putahi ang iniisip nitong lulutuin ko? Jusmio marimar. Paksiw lang alam kong lutuin minsan palpak pa. Sa loob-loob niya. Mahilig magluto ang ina niya ngunit hindi niya namana ang galing nito dahil kahit anong praktis niya ay palpak talaga ang luto niya. Kaya sa bahay nila ay ang ina niya ang laging nagluluto. "Go get whatever you want." Utos nito sa kanya. "Ha?" Medyo 'di niya nagets. "Kunin mo ang lahat ng gusto mong bilhin. Lahat ng kailangan mo" "Mukhang nabili mo na lahat eh." Sabi niya na may halong biro. "Sigurado ka? Baka gusto mong palitan iyong shampoo mo o toothpaste o kahit ano." Hindi parin ito tumigil. "Okay na lahat sir. Wala na akong kailangan pa." "Okay." Iyon lang at itinulak na nito ang cart papunta sa cashier. Napangiti siya ng pagmasdan si Andrew na tulak-tulak ang punong cart. Naka blue jeans at puting polo shirt lang ito. Simple pero halatang may kaya parin sa buhay. Ngayon ay hindi mo aakalaing isa itong napakayamang tao dahil nag-abala pa itong maggrocery at pumipila sa cashier. Hmmm...ano naman kayang nakain nito at gusto siyang ipaggrocery? Pwede naman kasing siya nalang ang maggrocery. Well, siguro gusto lang nitong masiguro na mga masustansiya lahat ng kakainin niya. Pagkatapos magbayad ay ihinatid na ng bagger ang pinamili nila sa sasakyan ni Andrew. Pagkatapos maayos iyon sa likuran ng sasakyan ay umalis na sila. Tulak-tulak ni Andrew ang cart paakyat sa condo nila. Nagpresenta naman siya na siya ang magtulak ng cart kasi mukhang bagay naman sa kanya maging tsimay nito ngunit hindi ito pumayag. Buti nalang may available na cart sa gusaling iyon para lagyan ng mga gamit paakyat dahil kung wala ay magsisi talaga ang Andrewng ito kung bakit bumili ito ng marami. Pagkapasok nila sa condo ay agad na umupo si Andrew sa upuan at binuksan ang TV. Aba feeling at home ah. Tiningnan niya ang pinamili at si Andrew. Isa lang ang ibig sabihin niyon siya lang mag-isa ang mag-arrange ng mga pinamili nito sa lagayan. Kaya sinimulan na niyang ilagay sa cabinet ang dapat ilagay at sa ref ang dapat ay sa ref. Hindi pa naman siya tapos mag-arrange ng biglang tumunog ang cellphone ni Andrew. "Hey sweety." Sabi nito pagkasagot sa tawag. Bigla namang nagpanting ang tainga ni Celestine sa narinig. Sweety? Biglang naging parang pinakamalaking tainga ang tainga ni Celestine sa pakikinig sa usapan ng dalawa kahit hindi naman niya naririnig ang tinig ng kausap ni Andrew. Sabi ko na nga ba may syota ito e. Si Vanessa kaya iyon o ibang syota? Tanong sa isip niya. Tumatawa pa ito habang kausap ang kung sino mang poncho pilato ang kausap nito. "Nasa condo lang ako. Okay. Hihintayin kita. See you. Bye." Paalam nito saka pinatay ang tawag. Nahuli naman siyang nakatingin rito na halatang nakikinig. Medyo napahiya siya pero bigla siyang kumambyo para pagtakpan ang pagkapahiya. "Sus, ano ba yan ka boring naman ng boyfriend nito wala man lang I love you bago patayin ang tawag. Hindi pwede sa akin iyan kung ako ang girlfriend." Sabi niya kunwari sa sarili pero nilakasan para marinig ni Andrew na matamang tinitingnan siya na patuloy sa paglalagay ng binili nila. "Kaya ba iniwan mo ang nobyo mo dahil hindi siya lagi nag-a-I love you sayo kapag nag-uusap kayo?" Curious na tanong nito sa kanya. Napatingin siya rito. Aba seryoso ang kumag sa tanong. "Yes." Maikling sagot niya kahit hindi naman totoo. "I see. Well, ako ang lalaking hindi marunong mag- I love you. Kaya siguradong hindi maging tayo." Anito na pilit binabasa ang reaksiyon niya sa sinabi nito. Ouch! Sakit noon ah. Kailangan ba talagang ipamukha sa akin? Sa loob-loob niya. "Yeah, imposibleng mangyari iyon." Pagsang-ayon niya na hindi tumingin rito at pinagpatuloy ang ginagawa. Tumayo naman si Andrew at bahagyang lumapit sa kanya. Tumayo lang ito habang pinapanood siya sa ginagawa. Naiilang tuloy siya. "Baka gusto mong tumulong, huwag ka ng mahiya sir." Sabi niya para patayin ang pagkailang. "Kaya mo na iyan. Babalik na muna ako sa condo ko may bisita akong darating." Sagot nito at tumalikod na. Nasundan nalang niya ito ng tingin hanggang sa makalabas. Sino kaya ang bisita nito? Parang hindi siya mapakali sa naisip na babae ang bisita nito at siguradong magchokchakan lang ang dalawa. Kakabwesett...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD