Chapter 18

1447 Words
Parang nahihilo na si Celestine sa kakaikot sa loob ng kanyang condo unit. Hindi siya mapakali. Ang utak niya ay laging iniisip ang hinayupak na lalaki sa kabilang unit na nakipagchokchakan sa ibang babae. Please brain huwag mo silang isipin. Wala kang pakialam kung ano man ang ginagawa nila. Pakiusap at paalala niya sa sarili. Ngunit ang tigas ng utak niya e ayaw sumunod. Kainisss. Kinuha niya ang remote ng telebisyon at nagscan ng chanel. Naghahanap siya ng horror or suspense movie baka sakaling madivert niya ang iniisip ng utak niya. Hanggang sa makita niya ang palabas na hinahanap. The wrong turn movie. Oh my gosh, nakakatakot. Oh my.. goshh... sigaw niya para kumbisihin at aliwin ang sarili na talagang nakakatakot ang pelikula habang hinahabol ng lalaking pangit ang mukha ang isang babae. Well, napanood na niya ang naturang palabas at totoong natakot siya ng una niya itong napanood ngunit ngayon ay iwan. Wala itong epekto sa kanya. Kahit gaano pa kaOA ng utak niya ay ang totoo hindi siya nakaramdam ng takot dahil laging may sumisingit pa ring imahe ng dalawang tao na nagchokchakan sa kabilang unit. Ano ba brain, tigilan muna ang kaiisip ng ganyan. Baka nag-uusap lang naman ang dalawa o baka lalaki ang bisita nito. Ngunit sweety, diba?  Traydor talaga itong utak niya. Gusto talagang mag-isip siya ng hindi maganda. Tumayo siya at pumunta sa may pintuan. Masilip nga baka matyempuhan niyang papalabas ng kwarto. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at pasimpleng sumilip sa labas ngunit wala ni isang tao siyang nakita. Hmm... what if kakatukin niya at magkukunwari siyang may itatanong o di kaya'y may ihahatid siya? Hindi kaya halata ang gagawin niya? Kainis. Nababaliw na yata siya. Bumalik siya sa loob at humiga sa kama. Kinuha niya ang kumot at ibinalot sa buong katawan at mukha. Maya-maya ay bumalikwas siya ng tayo. Hindi pa rin siya mapakali. Bweset kasing lalaking iyon. Bakit ba ito pumatol sa kalokohan niya na ito ang magdevirginize sa kanya? Ayan tuloy para siyang nakulam. Aalis nalang siya at pupunta sa swimming pool sa baba. Who knows baka nandoon lang ang dalawa at naliligo. Pasimple siyang lumabas sa unit at pasimple ding tiningnan ang unit ni Andrew. Teka, saan nga ba ang unit nito? Sa kanyang kaliwa ba, kanan o harap kaya? Hindi pala niya natanong. Pero may kutob siyang sa kaliwang unit niya. Wala siyang nakita o napansing may papalabas na tao kaya dumiretso na siya sa may elevator papunta sa swimming pool area sa ikalawang palapag ng gusali. May ilang naliligo siyang naabutan doon ngunit hindi niya naispatan si Andrew. Damn, siguradong nasa loob lang ito ng unit nito ngayon. Nakabukas ang telebisyon habang ang dalawang nilalang ay may kababalaghang ginagawa imbes na manood ng TV. Kainis. Ang sarap manapak ng tao ng mga oras na ito. Pagwawala niya sa isip. Tumambay muna siya sa swimming pool para aliwin ang sarili. Nanonood lang siya sa mga taong naliligo. Makalipas ang tatlong minuto ay napagdesisyonan na niyang bumalik na sa unit. Magkukulong nalang siya doon at papakin ang mga pagkain niya. Pagkabukas ng elevator sa palapag ng kanyang unit ay lumabas agad siya at naglakad sa aisle. Nang malapit na siya sa kanyang unit ay sakto namang bumukas ang unit na katapat ng unit niya at iniluwa ang isang matangkad, may balingkinitang katawan, nakasuot ng seksing damit na hapit sa katawan at may napakagandang mukha na babae. Sana hindi iyon unit ni Andrew. Tahimik niyang dalangin. Ngunit halos maningkit ang kanyang mga mata ng makitang sunod na iniluwa ng pintuan ay si Andrew. Parang hiniwa ang puso niya besh. Tinapunan niya uli ng tingin ang babae. Ang ganda pa rin nito. Wala talaga siyang binatbat. Walang-wala ang beauty niya sa kalingkingan nito. Shakett besh. Makasalubong niya ang dalawa. Hindi niya maiwasang mapadako ang tingin sa kamay ni Andrew na iniakbay sa balikat ng babae habang nag-uusap ang dalawa. Wala siyang maintindihan sa usapan nito dahil nakafocus ang mata niya sa kamay nitong nakaakbay. Nagkasalubong ang mga mata nila ng lalaki ngunit hindi man lang siya binati nito. Wala lang. Denedma lang siya as if hindi siya kilala nito. Siya naman ay diritsong binuksan ang pintuan ng kanyang unit at hindi na nilingon ang mga ito. Nagdurugo ang puso niya kahit hindi naman dapat. Gusto niyang magsisigaw at umiyak. Lord naloloka na yata siya. Binuksan niya ang TV at naghahanap na naman ng horror na palabas ngunit wala siyang makita. May nakita siyang Jackie Chan movie. The drunken master. Iyon nalang ang panonourin niya. Mas nilakasan pa niya ang volume at pagkatapos ay ipinatong ang remote sa ibabaw ng mesa. Tumayo naman siya at nag-init ng tubig pagkatapos ay ibinuhos sa malaking cup noodles. Hindi niya sinunod ang utos ni Andrew na itapon iyon. Aba sayang kaya. Nang pwede na kainin ay kinain na niya ang noodles habang nanood ng Jackie Chan movie. Ginanahan siyang higupin ang mainit at maanghang na sabaw ng noodles dahil tila gamot ito sa dumudugong puso niya. Titig na titig siya kay Jackie Chan habang nakipagkaratehan sa mga kalaban. Iniisip niya siya si Jackie Chan tapos si Andrew iyong isang lalaking bibugbog ng sipa ni Jackie. Napatayo tuloy siya at inundayan ng sipa ang hangin habang hawak ang cup noodles sa isang kamay at ang isang kamay ay hawak ang tinidor na nakasubo ng noodles sa bibig. Caught in the act. Iyon ang naisip niya ng biglang bumukas ang pintuan ng unit niya at pumasok si Andrew na nangunot ang noo sa nasaksihan. "Aba hindi porke't ikaw ang may-ari ng bahay na ito e basta-basta ka nalang pumasok Mr. Villamor. Hindi ka ba marunong kumatok?" Hindi niya maitago ang inis na naramdaman sa lalaki. Inis dahil una may bisita itong babae na siguradong nagchokchakan ang dalawa dahil ano namang gagawin ng dalawang iyon sa kwarto nito? Magbible sharing? Ikalawa ay basta-basta nalang pumasok ng kwarto ng may kwarto. Nawawalan siya ng privacy at ang ikatlo ay nahuli siyang parang loka-loka ang hitsura. Nakakahiya kaya. "Miss Marquez, kanina pa ako katok ng katok e walang nagbukas... kaya pala..." sagot nito ng pabitin na salita na parang gustong matawa ngunit pilit itinago. "Anong kaya pala? Palusot ka pa. Ano bang kailangan mo?" Angil na tanong niya rito. "Magtatanong lang sana ako kung bakit mo parin kinakain ang noodles na iyan? Di ba napag-usapan na natin ito?" Balik tanong nito sa seryosong anyo. " Wala akong pakialam at wala kang pakialam." Pabalang na sagot niya at binilisang kainin ang noodles hanggang sa maubos. Hindi naman siya pinigilan ni Andrew at pinanood lang siya sa kanyang ginagawa. "Done?" Tanong nito ng maubos niya ang noodles. Medyo napahiya naman siya sa ginagawa. Bakit ba naging immature ang mga kilos niya? Hindi naman siya dating ganito. Bakit ngayon para siyang bata. Nakakahiya. Ganito ba talaga ang epekto kapag nabroken hearted? Napayuko nalang siya at tinungo ang basurahan at itinapon ang cup ng noodles. "Well, I'm sorry kanina hindi kita pinansin. Alam mo naman na we should keep our business private. You know what I mean." Paumanhin nito. Medyo na touch naman siya dahil nag-effort itong nagpaliwanag at nagsorry sa kanya. Ngunit may bahagi ng puso niya ang nasasaktan. Ganito pala ang pakiramdam ng itinatago. Hello sa mga kabit diyan. I feel you now. "Okay lang iyon Mr. Villamor. I understand. Wala kang problema sa akin." Sabi niya na pilit ngumiti at ipinakita rito na wala iyon para sa kanya. "Great." Maiksing saad nito. "Ganda ng girlfriend mo ha." Pasimpleng tanong niya. Ang totoo gusto lang talaga niyang malaman kung aamin ba ito na girlfriend nito iyon. Tinitigan muna siya nito bago sumagot. "Are you trying to fish some information?" "Aba hindi ah. Napansin ko lang na ang ganda ng girlfriend mo. Ito naman kung anu-anong iniisip. Hindi nalang magsabi ng thank you." Mabilis na tanggi niya sa akusasyon nito. "Well, I agree with you she's very beautiful." Anitong titig na titig sa kanya. Pilit binabasa ang reaksiyon niya. Ouch! Confirmed. Girlfriend nga nito iyon. Hindi siya sumagot. "Wala kasing pangit sa lahi namin." Dagdag pa nito na ikinatingin niya rito na may nagtataka. "Pinsan ko iyon." Pagkumpirma nito habang mataman siyang tinitigan. Parang gusto niyang tumalon pero syempre hindi niya gagawin iyon. "Ah okay. Wala ka na bang gagawin dito? Pwede ka ng bumalik sa unit mo." Pagtataboy niya. "Wala naman akong gagawin doon. Dito na muna ako manood ng TV. Paborito ko kaya iyan si Jackie Chan." Sagot nito at umupo na sa living room. "Bahala ka." Sabi nalang niya at pumasok na sa banyo. Binuksan ang gripo habang tinakpan ang bibig niya ng kamay niya. At doon siya tahimik na nagtitili sa saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD