Chapter 13

1134 Words
Medyo nangangalay na ang balikat ni Celestine sa posisyon nila ni Andrew kaya maingat at dahan-dahan niyang inalis ang kamay nitong nakayapos sa kanya. Ngunit nagising ito ng tuluyan na niyang naalis ang kamay nito. Dahan-dahan na sana siyang babangon sa pagkakahiga ng ibinalik ni Andrew ang kamay nito payapos sa kanya. Damn. Bakit ang sarap sa pakiramdam ng may kayapos? No, hindi tamang makaramdam ako ng ganito. "Kailangan kong pumunta sa banyo." Sabi niya sabay alis ng kamay nito. Hindi naman ito nagsalita at pinabayaan nalang siyang tumayo at pumunta sa banyo. Alam niya sinusundan siya ng tingin nito. Pumasok siya sa banyo at nagshower. Kailangan niyang palamigin ang kanyang katawan dahil nag-iinit pa rin dala ng pagkakadikit ng katawan nila ng lalaki. Damn. Ganito pala ang epekto kapag nadevirginize? Mabilis niyang nilinis ang katawan. Kumpleto ang banyo ng mga gamit panligo. Mayroon na ring nakatuping tuwalya. Kinuha niya ang kulay asul na tuwalya at pinunasan ang katawan. Pagkatapos mapatuyo ay ibinalabal niya iyon sa katawan niya saka siya lumabas ng banyo. Nalabasan niya si Andrew na maayos ng nakahiga sa kama. Nakatakip ng kumot ang kalahating hubad nitong katawan. Hindi niya pinatagal ang pagtitig doon sa mamasel nitong katawan baka akalain nitong pinagpapantasyahan na naman niya ang katawan nito. Girl huwag masyadong obvious. Pinagbigyan ka lang niya kanina. Kinuha niya ang kanyang damit sa ibabaw ng upuan at pinulot ang panty at bra sa sahig. Habang isinuot niya iyon ay bumangon naman si Andrew at pumasok sa banyo. Narinig nalang niya ang lagaslas ng tubig sa loob. Awkward. Awkward. Awkward. Iyon ang naramdaman niya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin rito o paano niya ito haharapin. Pagkatapos magbihis ay lumapit siya sa salaming dingding at tinatanaw ang paligid sa labas. Hindi naman nagtagal ay lumabas na rin si Andrew mula sa banyo. Hindi niya ito nilingon. Nagkukunwari siyang busy at nag-eenjoy sa panunood ng tanawin sa labas. Napaigtad siya ng bigla niya itong nalingunan na tumabi sa kanya at tumingin rin sa paligid. "Hmm..well, that's a nice first experience. Siguro naman qualified na ako sa trabahong inalok mo?" Plastik na ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi. Hindi ito tumingin sa kanya. Parang wala itong narinig. Ouch, deadma ang beauty niya. Sakit beshhh "Wait here. May kukunin lang ako." Anito sabay talikod. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Double ouch besh. Nagpaikot-ikot siya sa loob ng condo. Hindi siya mapakali. Saan kaya pupunta ang lalaking iyon? Nang maramdaman ang pagpihit ng siradura ay dali-dali niyang kinuha ang magazine sa may shelf at nagkukunwaring binabasa iyon. Kunyari tinapunan niya ito ng sandaling tingin. "Here's your advance payment. Three million pesos in check." Abot nito sa kanya ng tseke. Triple ouch. Iwan pero iyon ang naramdaman niya ngayon. Iba pala ang pakiramdam ng bibigyan ka ng pera pagkatapos kang makasiping. Para naman siyang bayarang babae sa lagay na ito. Mas mainam pa siguro kung ibinigay muna nito ang pera bago sila nagtalik kaysa pagkatapos na. Ngunit sino ba naman siya para magdrama? Isa lang naman siyang dukha na nangangailangan ng pera. Pakapalan na ito ng mukha kaya tinanggap niya agad ang tseke. "Thank you. Now I'm a millionaire." Birong wika niya sabay tawa. Hindi pa rin siya makapaniwala na makahawak ng ganoon kalaking pera. Ano man ang tingin ng lalaki sa kanya ay wala na siyang pakialam. Trabaho lang ito sa kanya. Tahimik lang na nakatingin si Andrew sa kanya. "Well, congratulations. You are now a millionaire." Pilit na ngumiti ito sa kanya na hindi umabot sa mata . "So starting tomorrow kailangan mo nang lumipat dito." "Teka, bukas agad?" Tanong niya rito. Ang bilis naman kasi. "Yes." Maiksing sagot nito. "Hindi ba pwede sunod bukas nalang? Kailangan ko pang magpaalam kay mama. Kailangan ko pang mag-isip ng idadahilan sa pag-alis ko. Baka mashock iyon kung aalis agad ako bukas." Mahabang paliwanag niya rito. "Okay as you wish. Anyway, pwede ka nang magstay dito ngayon. Kung gusto mo ng umuwi, tawagan mo lang ako sa kabilang room." "Dalawa ang condo mo?" "Sinadya kong kunin ang dalawang magkatabing room para masubaybayan ko ang pagbunbuntis mo. Para kung kaiĺangan mo ng tulong ay andito lang ako sa kabila." Paliwanag nito. Ang sarap sana sa pandinig iyong linya na 'kung kailangan mo ng tulong ay andito lang ako' kaso trabaho pala ang pinag-uusapan nila at ang kalagayan ng bata sa loob ng tiyan niya kapag buntis na siya. Okay, no drama. Bakit ba lagi siyang nag-iisip ng kadramahan? Hay naku, iba pala ang epekto ng nadevirginize. "Thank you Mr. Villamor." Thankful naman talaga siya dahil dito magiging maganda na ang buhay ng pamilya niya. "Back to business now,huh. Welcome Miss Marquez. That was a wonderful application process." Nakangiting wika nito. Ngiting parang may ibang kahulugan na at alam niya kung ano iyon. Pilit na ngiti lang din ang sinukli niya rito. "Sa tingin ko kailangan ko ng umuwi para makapagpaalam na ako kay mama at maayos ko na dapat ang dapat kung ayusin. At itong tseke na ito kailangan ko pa itong papalitan sa bangko kaya medyo busy ako ngayon at bukas." Walang prenong saad niya. "We have doctors' appointment tomorrow. Where I can pick you up?" "Kita nalang tayo sa may plaza malapit sa amin. Mga 9 o'clock" "Okay. Great." "Let's go." Aya niya rito sabay kuha sa shoulder bag niya sa mesa. Tumango naman ito at sumunod sa kanya palabas. Wala na silang kibuan hanggang marating nila ang sasakyan ni Andrew sa car park. Diretso na niyang binuksan ang pintuan sa harapan at sumakay na. Pinaandar naman agad ni Andrew ang sasakyan at pinatakbo na ito. "Just pack a few things. Hindi mo na kailangan ng maraming damit dahil I'll buy a maternity dresses for you." Basag nito sa katahimikan. "You have everything you need." Pagpapatuloy nito. Tumango-tango lamang siya. Hayy..ang sarap siguro mabuntis kung ganito ka supportive at kayaman ang asawa niya. Wala na siyang poproblemahin pa. Kaso pang-Cinderella story lang iyon at sa pelikula lang iyon makikita. In reality, ang mayayaman ay naghahanap din ng mayaman na kapareha or iyong babaeng may achievement sa buhay at nakakaproud iharap sa madla at hindi siya iyon. Kung may achievement man siyang matatawag ay kung mapagtapos niya ng pag-aaral ang kapatid niyang si Xander, magkaroon ng sariling negosyo at syempre kapag nakuha na niya ang sampung milyon peso. By that time, siguro makahanap na siya ng milyonaryo ding lalaki o di kaya'y lalaking nakakaproud din ang achievement sa buhay kasi hindi na siya basta-basta, milyonarya na siya. Iyon ang lalaking hindi alam ang tunay na kwento ng buhay niya. Kwento kung paano siya nagsimula at ganoon nalang ang pagyaman niya. At syempre hindi niya sasabihin ang totoo. Ikikwento lang niya kung anong hirap ang pinagdaanan niya para makamit ang tagumpay. Napangiti siya sa naisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD