Chapter 14

1082 Words
Sa may plaza sa lugar nila si Celestine nagpababa kay Andrew. Sasakay nalang siya ng trisikad papunta sa bahay nila. "Salamat" maiksing wika niya at bumaba na ng sasakyan. Hindi na nagsalita pa si Andrew at umalis na rin ng makalabas siya sa sasakyan nito. Weird talaga ang lalaking iyon. Siguro nangangamoy na iyong bibig noon dahil hindi nagamit ang laway. Well, infairness ang bango ng bibig niya kanina. Parang ang sarap halikan lagi. Siguro dahil mayaman ito at alaga sa dentist ang mga ngipin nito. Sa akin kaya? Baka ang baho ng bunganga ko. Naisip niya sabay buga ng hininga sa kamay niya. Well, not bad. Kahit hindi siya nagpapadentist eh alagang-alaga naman niya ang mga ngipin niya. Aside sa lagi siyang nagsisipilyp ay gumagamit rin siya ng asin at saka maliit na sanga ng bayabas pang-linis ng ngipin niya. Narinig kasi niya noong bata pa siya mula sa nag-uusap na mga matanda na noong unang panahon daw ay wala pang colgate at toothbrush kaya asin at sanga ng bayabas ang gamit ng mga ito at naging malakas at mapuputi ang mga ngipin ng mga ito. Kaya simula ng marinig niya iyon ay ginawa na rin niya bago magsipilyo gamit ang toothbrush at colgate. Effective siguro dahil sa edad niyang ito ay wala siyang sirang ngipin at mapuputi pa ang mga ngipin niya. Sinong tartar ba naman ang hindi matatanggal kung sanga ng bayabas ang panglinis niya ng ngipin. Napangiti siya sa iniisip. Sa panahon ngayon, siya nalang yata ang gumagawa niyon. "Oh anak, kumustang lakad mo? Nakahanap ka na ba ng pera pangtubos ng motor mo?" Salubong ng ina niya pagkarating niya sa bahay. Iyon kasi ang sinabi niyang rason ng pag-alis kanina. "Wala pa ma eh pero may good news naman ako." Nakahanap agad si Celestine ng pagkakataon para masabi sa ina ang planong pag-alis niya. "Ano naman iyon?" Excited na tanong nito. "May nag-offer sa akin ng trabaho. Sa opisina daw ma at malaki ang sahod ko ." Umpisa niya. Medyo kinabahan siya. Ang hirap kayang magsinungaling. "Talaga? Saang opisina naman iyon? Anong kompanya? Buti tinanggap ka kahit hindi ka tapos sa pag-aaral." Hindi napigilang sunod-sunod na tanong nito. Excited pa yata ito sa kanya. Medyo naguilty tuloy siya. "Sa syudad ho ma. Sa Naga. Sekretarya ho ang maging trabaho ko." Nakangiting wika niya. "Abay ang layo naman. Pero okay na rin iyon kaysa araw-araw kang nagdedeliver ng mga paninda mo. Atleast may permanente ka ng trabaho." Masayang sabi nito. "Oo nga ma masaya akong sa wakas may permanenteng trabaho na ako." Sang-ayon niya rito. Geez ang galing pala niyang gumawa ng kwento at umakting. "So kailangan mo na ang motor mo. Teka tutulungan kitang makahanap ng pera pantubos ng motor mo upang may magamit ka papunta sa trabaho. Manghihiram ako ng pera kay kumareng Belen mamaya baka may maipahiram siya." Saad nito. "Ay ma huwag na po. Huwag na ninyo iyong poproblemahin dahil may matutuluyan na po ako doon. Iyong tumulong sa aking kaibigan na makapagtrabaho doon ay may boarding house siya kaya doon na din ako titira. Medyo mura lang naman ang renta doon." Tanggi niya sa sinabi ng ina. "Aba't bakit ka pa magboboard? Hindi naman masyadong malayo ang syudad ah. Tatlo na nga lang tayo dito eh aalis ka pa." May pagdaramdam na sabi ng ina niya. Kinakain na tuloy siya ng konsensya sa pagsisinungaling niya. "Ma delikado ho ang laging nagbabyahe lalo na't gabi. Sekretarya ho ako kaya hindi nakapagtataka kung kasama ako ng boss ko kahit gabi sa mga meetings niya sa gabi kaya kung uuwi pa ako, dilikado ho. Lalo't babae pa naman ako. Alam mo naman na maraming mga masasamang loob ng pakalat-kalat ngayon." Pangumbinsi niya sa ina niya na nakita naman niyang epektibo ang paliwanag niya dahil sumang-ayon ito sa sinabi niya. "Sabagay. Siya..siya..okay na. Kailangan ka ba magsisimula sa trabaho?" Tanong nito. "Sa lunes na ho ma. Kaya kailangan kung lumipat na sa boarding house ngayong darating na sabado para pagkasunday may time pa akong maghanda para sa umpisa ng trabaho ko sa lunes." Paliwanag niya. Tumango-tango naman ang ina niya. "Oh siya, basta dapat uuwi ka dito every weekend ha." Sabi pa nito. Patay. Sa isip niya. Bahala na. Hindi pa naman mahalata ang tiyan niya siguro kapag mga two months pa. Kapag medyo malaki na maghahanap nalang siya ng rason kung bakit hindi siya makauwi. Or sabihin niyang nireassign siya ng boss niya sa ibang lugar bigla. Ayun, pwede niyang irason iyon. Ang galing talaga. Of course para sa sampung milyon kaya kailangan talaga niyang galingan. "Oh halika may niluto akong saging na maruya. Mainit-init pa. Kainin na natin.  Tirahan lang natin ng dalawa si Xander." Aya nito sa kanya pagkatapos kinuha ang niluto sa kusina at dinala sa mesa. Hmmm..sarap niyan ma. Saan ka nakabili ng saging?" Tanong niya rito sabay tusok ng tinidor sa saging at dinala sa bibig. "Ay iyong si Sendang dumaan dito. Naglalako ng saging na hinog. Tag biente singko ang kilo kaya bumili na ako ng dalawang kilo. Nakakamiss kasing kumain nito. Sina Badeth diyan sa labasan ay huminto na sa pagbabarbeque ng saging. Tinatamad na siguro." Mahabang paliwanag na nanay niya sabay tuhog ng saging sa tinidor at dinala sa bibig. "Ay may ice tea pala akong tinimpla kanina. Malamig na siguro iyon." Wika nito at nilagay ang tinidor sa plato at tumayo. Kinuha ang pitsel sa loob ng refregerator nila na halos limang taon ng tanda. Kinakalawang na labas nito ngunit umaandar pa naman kaya ginagamit pa nila. Sayang naman kung itatapon nila e wala pa naman silang pampalit na bago. Pero syempre ngayong may pera na siya ay bibilhan niya ang nanay niya ng bagong mga gamit. Pero saka na kapag kunyari ay nag-uumpisa na siyang magtrabaho para hindi ito magtaka. Naalala niya na kailangan pa pala niyang pumunta sa bangko. Tiningnan niya ang orasan sa cellphone. Alas dos y media na. Pwede pa siguro siyang humabol. "Ma aalis na muna ako. May kukunin lang akong parcel sa LBC tapos idiretso ko ng ihatid sa nag-order niyon." Paalam niya sa ina at dali-daling inubos ang dalawang saging saka uminom ng ice tea. Dali-dali siyang umalis para mahabol ang oras at baka maabutan siya ng cut-off sa bangko. Mabilis siyang naglakad papunta sa may labasan na kung saan dumadaan ang mga jeepney. Pumara agad siya ng makita ang signage niyon padaan sa bangkong pupuntahan niya. "Para manong." Sabi niya sa drayber ng makita ang bangko. Bumaba agad siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD