Chapter 9

1300 Words
Ten Million, ten million, ten million. Anong gagawin ko sa sampung milyong peso? Omg! Hindi parin makapaniwala si Celestine na mapapayag niya si Mr. Villamor na bayaran siya ng ganoon kalaking halaga. Imagine ten million? Oh my, magbubuntis lang siya tapos magiging milyonarya na siya. Parang excited na yata siyang mabuntis agad para mapasakamay na niya ang sampung milyong pera. Parang ang gaan bigla ng kanyang pakiramdam. Kabaliktaran ng nararamdaman niya kanina papunta pa lang sa opisina ni Mr. Villamor. Parang biglang nawala ang mga bigat na dala-dala niya sa dibdib. Bigat ng mga problema kung paano niya susolusyonan. Ngayon it's all gone. She'll become a millionaire. Pero paano kaya niya makukuha ang pera? Through cash, check or bank transfer kaya? Well, kahit alin sa tatlo basta magkapera na siya. Omg, excited na talaga siya. Uunahin talaga niyang bumili ng bagong motor tapos kukuha na siya ng lisensya. Ipagamot niya ang kanyang ina tapos ang matitira ay ipupuhunan niya sa negosyo. Teka, magbubuntis nga pala siya. Halos isang taon din iyon. Hindi siya makapagsimula dahil kailangan niyang magfocus sa pagbubuntis. Hmm... pagkatapos nalang kaya. Yeah tama, pagkatapos nalang. "Ate, pahingi naman ng two hundred." Sabi ng istorbong kapatid niya na si Xander sa pagdaydreaming niya. Nakahiga siya sa isang mahabang upuan sa kanilang maliit na sala. Pagkauwi galing sa opisina ni Andrew ay hindi pa siya nakarating sa kwarto niya dahil dumeretso siyang humiga sa upuan at ipinagpatuloy ang pagdaydreaming. Well, it's not dreaming anymore kapag natanggap na niya ang pera. Mukhang pera na kung mukhang pera pero kahit sino naman siguro ang makatanggap ng ganoon kalaking pera ay magdaydreaming din. Imagine mula sa isang hamak na online seller magiging milyonarya? At kapag napalago niya ang negosyo niya at mapi-feature sa mga newspaper or magazine ay siguradong ang headline ay "From rugs to riches" oh diba bongga. "Ate, ate" tawag ni Xander sa kanya ng hindi siya sumagot. Nababaliw na yata siya eh. "Ano ba? Bakit mo naman kailangan ng two hundred? Ang laki niyan ah." Tanong niya sa kapatid. Hindi naman siya naiinis dahil pakiramdam niya ay barya lang ang hiningi nito. Wow! Iba pala kapag maraming pera ganoon na ang tingin sa two hundred. Nagkamot naman ito ng batok saka sinuklay ang buhok. "Ah te may bibilhin kasi ako eh. Pautang muna, sige na. Gusto ko lang bumili ng bulaklak at chocolate para kay Winona. Iyong kaklase kung nililigawan ko." Parang nahihiya pang sabi ni Xander sa kanya. Grade 12 na ito kaya hindi nakapagtatakang magkakaroon na ito ng girlfriend. Sa panahon ngayon hindi na talaga katakataka. "Sus huwag ka nang mahiya. Ito two hundred. Huwag mo ng bayaran. Ayusin mo nalang iyong pag-aaral mo kahit may girlfriend ka na ha kundi sisingilin ko lahat ng ginastos ko sa'yo kapag bumagsak ka at hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Tandaan mo iyan." Paalala at pananakot niya sa kapatid. "Ate naman eh, kailan ba ako hindi nag-aral ng mabuti? Always 'yan may girlfriend man o wala. Ako pa?" Pagmamayabang nito na muntik ng makatikim ng batok niya kung hindi nakailag. Tumawa lang ito at tumawa na rin siya. "Oh ano na naman iyan?" Tanong ng ina niya na kalalabas lang mula sa kusina. "Ma, ang anak ninyo may girlfriend na." Sumbong niya sa ina nila. "Aba't may ipapakain ka na ba sa babaeng iyon? Ang bata-bata n'yo pa. Paano kung mabuntis mo? Anong ipapakain mo?." "Ma, nililigawan pa lang ho, hindi pa girlfriend at ano bang pinagsasabi mo? Nangliligaw pa lang iyong tao, buntis agad? Dapat sagutin na muna niya ako bago mabuntis" Depensa nito na hindi tumatawa pero nagbibiro lang. Nanlaki tuloy ang mga mata niya at ng ina nila. Muntik na siyang masapak ng mama nila kung hindi ito nakailag. Buti nalang lagi siyang nanonood ng Jackie Chan kaya magaling itong umilag. Natatawa lang ito at nagpaalam na umalis na. Naiwan naman sila na napapailing nalang. "Oh saan ka ba galing? Para kang nanalo ng lotto ah. Kanina pag-alis mo mukha kang babaeng pasan ang problema sa buong daigdig tapos ngayon pag-uwi mo parang nanalo ka nang lotto. Hmm..nakipagkita ka ba sa nobyo? May nobyo ka na ano?" Tanong ng mama niya sabay tukso sa kanya. "Ma wala ho akong nobyo. Magmamadre po ako." Iyon ang lagi niyang biro sa ina o sa kahit kaninong tao sa tuwing magtatanong ang mga ito kung nasaan ang nobyo niya, may nobyo na ba siya, kailan ba siya mag-aasawa o magpapamilya? Nakakairita. "Kuu ayaw pang umamin. Nakikita ko sa mga mata mo oh. Nakangiti. Halatang masaya." Tukso parin nito. "Wala nga ma." Tanggi pa rin niya. Wala naman talaga. "Naku ma kung may nobyo ako ngayon, siguradong nagpapaganda na ako ngayon dahil may date ako mamaya. You know valentine's date. Kaso wala eh. Walang nadapa ma kaya magmamadre nalang ako." Paliwanag niya sa ina na pinalamlam pa ang mga mata. "Hay naku, Celestine, iwan ko ba sa'yo eh ang ganda mo naman, bakit wala kang nobyo? Twenty three ka na dapat may boyfriend ka na at ng makapag-asawa ka na." Di makapaniwalang saad ng ina niya na lumakad na papunta sa kusina at iniwan siya. Hindi naman siya nakapagsalita sa sinabi nito. Tama ang ina niya, maganda naman siya pero bakit wala siyang nobyo? Siguro dahil wala siyang panahon para mag-entertain ng mga manliligaw. Busy kasi siya sa paghahanap buhay. Wala naman siyang balak tumandang dalaga. Hindi pa lang talaga panahon para isipin niya ang mga bagay na ganoon. Kung talagang may taong nakalaan para sa kanya ay darating at darating iyon sa buhay niya kahit hindi niya hahanapin. Kaya magpaka'busy muna siya para umasenso para pagmagkita na sila ng soulmate niya eh successful business woman na siya. Oh 'di ba magiging proud na ito to have her. Sino kaya ang maswerting lalaking makabihag sa puso niya? Yes, maswerte talaga ito dahil milyonarya na siya ng panahon na iyon. At dahil milyonarya na siya siguro mga gwapo at milyonaryo na rin ang aaligid sa kanyang manliligaw. Oh my gosh, nakakakilig naman kung mangyayari iyon. Parang nananaginip na naman sa isip si Celestine. Nakapikit pa ang mga mata habang iniisip ang mga iyon ng biglang tumunog ang cellphone niya. Unknown number Sino kaya ito? Hindi naman siya nagdalawang isip na sagutin iyon dahil baka costumer niya iyon. "Hello, sino ito?" Bungad bati niya sa kabilang linya. "I will pick you up tomorrow morning at 9 'oclock." Boses ng lalaking pamilyar sa kanya. Andrew? "Andrew? I mean Mr. Villamor?" Paniguradong tanong niya. "Yes." Maiksing sagot nito. "Ahh bakit po? I mean, about ba ito sa work ko? Mag-umpisa na ba agad ako bukas?" Parang nauutal na sabi niya. Iwan ba niya pero bigla siyang kinabahan. "Ano pa nga ba? Sigurado ka bang handa ka na sa gagawin mo? Mukhang kinakabahan ka." Simpleng tanong nito na nagtanggal sa kaba niya at napalitan ng pagkapahiya. Gosh, ganoon na ba kahalata ang boses niyang kinakabahan? "Hindi sir ah. " tanggi niya. "Okay, see you tomorrow..." "Wait sir, sandali.." "Ano?" "Ahmm..sir pwede huwag mo na akong sunduin? Nakakahiya eh. Ako nalang ang pupunta sa iyo." Suhestiyon niya kay Andrew na pumayag naman agad. Ayaw niyang makita si Andrew sa lugar nila baka matsismis na naman siya. Isa pa ayaw niyang tatanungin siya lalo ng nanay niya. Ayaw niyang malaman nito ang ginagawa niya. Saka na siya gagawa ng storya para rito kung bakit mawawala siya ng ilang buwan. "Alright. See you in my office before nine." "Okay sir." Maikling sagot niya. Bago pa siya naggoodbye ay pinatay na nito ang tawag. Aba't..walang modo ang amo mo Celestine. Ang sarap sapakin. Sa isip-isip niya. Nanggigil siya sa pagpatay agad ng tawag dito. Kalma Celestine. Kailangan mong habaan ang iyong pasensiya para sa lalaking ang taas ng tingin sa sarili. Isipin mo nalang ang sampung milyon. Paalala niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD