Chapter 10

1370 Words
Alas siete y medya pa lang ay handang-handa na si Celestine na pumunta sa napag-usapang tagpuan nila ni Mr. Villamor kahapon. Pagkatapos makapagpaalam sa nanay niya ay umalis na siya sakay ng jeep papunta sa opisina ng lalaki. Hindi pa niya nakuha ang motor sa police station. Saka na siguro kung may panahon siya. Total hindi pa naman niya iyon kailangan o hindi na talaga niya iyon kailangan dahil bibili na siya ng bagong motor. Hindi pa pala niya natanggap ang paunang bayad sa trabaho niya kahapon. Sabik pa naman siyang makatanggap ng malaking pera pero baka mapasakamay na niya iyon mamaya. Itatanong niya iyon mamaya kay Mr. Villamor. Nakarating naman siya agad sa gusali ng lalaki ng mabilis at maayos. Himala walang trapik e maaga pa naman. Dalawampung minuto lang ang layo ng tirahan nila sa sentro ng syudad ng Naga kaya hindi siya nahihirapang puntahan ang opisina nito. Sampung minuto bago mag-alas nuebe. Tamang-tama at hindi pa siya late. Dumeretso na siya sa opisina nito. Naabutan niya ang sekretarya nito na nag-ayos ng gamit sa ibabaw ng mesa nito. "Good morning, nandiyan na ba si Mr. Villamor?" Tanong agad niya sa sekretarya na itinigil ang ginagawa at hinarap siya. "May appointment ka ba kay Mr. Villamor, ma'am?" Tanong nito sabay kuha sa notebook niya na nasa ibabaw ng mesa. "Yes. Pwede pakisabi nandito na ako. Sabihin mo si Celestine." Hindi na ito nagsalita at inangat ang awditibo ng telepono at kinonekta sa opisina ng amo. "Sir, andito po si Miss Celestine sa labas. Okay, sir." Pagkatapos makausap ang amo ay ibinaba na nito ang telepono. Tumayo ito at pinasunod siya. Kumatok muna ito saka dahan-dahang binuksan ang pintuan at pinapasok siya. Nang makapasok na siya ay isinara na nito ang pintuan at bumalik sa pwesto nito. Pagkapasok niya ay naabutan niyang may kausap ang lalaki sa cellphone nito. Nakatalikod ito sa kanya habang nakaharap sa labas ng salaming bintana na halos kita ang buong syudad. Nilingon lang siya saglit nito at ipinagpatuloy ang pakikipag-usap nito sa kung sino sa cellphone. Nagkaroon naman siya ng pagkakataong pag-aralan ang kabuoan nito. Hindi maitatangging isa itong adonis na pinapantasya ng mga kababaihan. Nasa anim na talampakan o mas mataas pa ang tangkad nito. Ang katawan na may suot na abohing longsleeves na tamang-tama lang ang pagkadikit nito sa katawan ay hindi maitago ang mamasel nitong braso at tiyan. Halatang alaga ang katawan nito sa gym. Hindi siya makapaniwala na makakilala siya ng lalaking ganito ka gwapo. Kadalasan kasi sa mga mayayaman ay hindi nakipaghalubilo sa mga mahihirap. There lives are just moving around within their elite circle of friends or makikita n'yo lang sila sa mga pangmayaman ding lugar. Imagine magkakaroon siya ng anak na ang ama ay isang napakayaman at napakagwapong lalaki. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyayari sa buhay niya. Curious parin siya kung bakit siya ang napili nito. Hindi siya makapaniwala sa rason nito. Dahil wala daw siyang gusto rito? Eh paano naman kaya nasiguro ng lalaking ito na wala siyang gusto rito? Sa gwapo ba naman nito, sino naman kaya ang hindi magkakagusto rito? Well, he's handsome and all. Inaamin niya iyon pero hindi naman niya masasabing crush niya ito. O baka ayaw lang niyang aminin na attracted din siya sa lalaking ito? Siguro dahil takot talaga siyang matulad sa ibang babaeng luha lang ang nakuha sa pagbibigay ng puso sa lalaking tulad nito. Gwapo. Alam din niya sa sarili na imposibleng magustuhan siya ng tulad nito kaya siya na mismo ang kusang lalayo sa mga lalaking mayaman at gwapo. Alam kasi niya na wala siyang pag-asa. Siguradong magsasayang lang siya ng luha. "Done?" Boses ni Andrew ang pumutol sa iniisip niya. "Done?" Naguguluhang tanong niya rito. "Done checking my body?" Hindi nakangiting sabi nito habang lumapit sa mesa nito at umupo. Nag-abot naman ang kilay niya sa narinig. Kunyari hindi niya nakuha ang sinabi rito. Hindi naman ito nagsalita pa. Maya-maya ay tumayo ito at kinuha ang cellphone sa mesa. "Ready? Let's go." Aya nito at nagpatiunang naglakad sa may pintuan. Tumango lang siya at sumunod na rito. Saan nga ba sila pupunta? Nakalimutan yata niya. Hindi na muna siya nagtanong pa. Mamaya nalang pagnasa sasakyan na sila. Sumunod lang siya rito hanggang sa sasakyan nito. Himala dahil pinagbuksan siya ng pintuan nito. Well, haba ng hair niya. Naku, kung may nakakita sa kanila ng mga kakilala niyang babae siguradong mag-iiyak sila sa inggit. Napangiti siya at medyo kinilig na rin. Medyo lang kasi nagpakagentleman lang naman ang lalaking ito. Walang malisya. Sumakay na rin agad siya. Nasa harapang upuan siya pinaupo nito. "Saan nga ba tayo pupunta? Nakalimutan ko ang sinabi mo kahapon." Tanong at paumanhin niya. Medyo nahihiya pa siya dahil sigurado siyang sinabi nito kahapon kung saan sila pupunta ngayon. "We'll meet our doctor and then I'll show you your place." Sagot nito sa tanong niya habang ang mga mata ay nasa daan. Hindi man lang siya nilingon. Hmmm...medyo masungit ang isang ito. "My place?" Naguguluhang tanong niya. "Yes, your place. A place where you can stay habang ginagawa ang trabaho mo. Ayaw mo naman sigurong sa bahay ninyo ka parin titira. Ano nalang sasabihin ng nanay mo?" "Ay hindi ah, ayoko. Hanapan mo ako ng matitirhan." Pakiusap niya rito. "Iyon nga ang sinabi ko. You already have a place to stay kaya wala ka ng ibang alalahanin." Paliwanag pa nito. "Good." Iyon lang ang nasabi niya. May pagkatanga ba o bingi lang talaga siya? Hahay.. Simpleng salita ay hindi niya magets. Tumahimik na lang siya habang binabaybay nila ang daan papunta sa hospital na pinagtatrabahoan ng doctor nito. Hindi naman nagtagal at narating na nila ang sadya. Mabilis siyang umibis sa sasakyan at hindi na niya hinintay na pagbuksan siya nito. Sabay silang pumasok sa loob at dumeretso sa clinic ng doktor. Pumasok sila sa isang clinic. Naabutan nila ang doktor na siyang tutulong sa kanila para mabuntis siya. "Good morning,doc." Halos magkasabay na bati ni Celestine at Andrew sa doktor. "Good morning,too. Please sit down. How are you, Mr. Villamor?" Tanong nito kay Andrew. Magkakilala kasi talaga ang dalawa. Doctor Suset Sandoval is famous doctor in the Philippines. She's 40 year old pero mukhang nasa thirties pa ang mukha nito. "I'm good. Anyway, this is Celestine. Siya iyong sinabi ko sa'yo." "How are you Celestine?" Nakangiting tanong naman ng doktor sa kanya. "Ok lang ako dok." Sagot naman iya na nakangiti. "Great. So umpisahan na natin. Alam naman siguro ninyo kung ano ang surrogacy right?" Tumango lang sila pareho. "Okay there are two types of surrogacy. We have traditional surrogate and gestational surrogate. Traditional surrogate is a woman who gets artificially inseminated with the father's sperm. The traditional surrogate is the baby's biological mother because it is your egg that will be fertilized by the father's sperm. Whille the Gestational surrogate is a technique called "In Vitro Fertilization "or (IVF) now makes it possible to gather eggs from the mother, fertilize them with sperm from the father, and place the embryo into the uterus of a gestational surrogate. The surrogate then carries the baby until birth. They don't have any genetic ties to the child because it wasn't their egg that was used." Mahabang paliwanag ng doktora. "So what type of surrogate are we using dok?" Curious na tanong ni Andrew. "In your case, since Mr. Villamor is single, we use the traditional surrogate." "Okay dok." sagot niya. "But before tayo pupunta doon sa part na iyon. You both need to undergo medical examination to see if you both healthy. Celestine, you need to take several exams to see if you are healthy mentally & physically." Umpisa nitong paliwanag. Tumango-tango lamang sila. May ganoon pa pala. Paano kung hindi siya makapasa sa exam? "Paano kung hindi ako makapasa sa exam,doc?" Kinakabahang tanong niya. "Well, nasa desisyon pa rin iyan ni Andrew kung isusugal niya ang resulta nito sa magiging anak niya o hindi but I will strongly suggest na maghanap nalang siya ng fit for that job." Prangkang wika nito. Hindi naman siya nakapgsalita. Ibig sabihin pala na may chance pang hindi matutuloy ang trabaho niya. Hayy..pera na may chance na maging bato pa. Sa isip-isip niya. Medyo kinabahan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD