Alas otso na ng gabi ng magsidatingan ang mga bisita sa bahay ng mga Villamor. Para itong reunion ng Sevilla-Villamor's Clan. Actually reunion talaga ito dahil taon-taon nilang ginagawa ang pagtitipon every new year's eve. Ang mga invited ay ang mga kapatid ng mga magulang ni Andrew at mga anak nito. Minsan naman nagdadala rin ang mga ito ng malalapit din na kamag-anak at minsan ay kaibigan.
Tulad ngayon ang pinsan niyang si Kelsey ay may kasamang kaibigan.
"Hey dear cousin, how are you?" Bati nito sa kanya at binigyan siya ng yakap at halik sa pisngi.
"I'm good. How about you my beautiful cousin?" Pangumusta niya rito na sinagot naman ng 'good' ng pinsan.
"By the way, this Selena, my model friend from France." Pagpapakilala ni Kelsey sa kaibigan. Si Selena ay isang half Filipina at half French ngunit nasa Pilipinas naninirahan ang mga magulang nito ayon kay Kelsey.
"Hey Selena nice to meet you. Call me Drew." Nakangiting wika ni Andrew habang inilahad ang kanang kamay.
"Nice meeting you too." Tinanggap naman agad ni Selena ang nakalahad niyang kamay na may malapad na ngiti.
"Well glad you came. Hope you enjoy celebrating new year with our family." Pasimpleng wika ni Andrew sa bisita at imiwestra ang kamay na maglakad sila papunta sa may mesa na may wine na nakalagay. Busy pa rin ang mga katulong nila sa pag-aayos ng mesa. Ang dami kasing pinalutong pagkain ang mommy niya. Ayaw sigurong papatalo nito sa mga kapatid niya kasi last year ang venue ay doon sa isang kapatid niyang is Tessie na sobrang dami din ng handang pagkain kaya ang mommy niya ngayon ay todo handa rin.
Ang iba nilang kamag-anak ay busy rin sa pagkukumustahan. Ang ibang pinsan niya ay nagkukumpulan rin at ang mga bata ay naglalaro. Ang mga lalaki ay pasimpleng nakaupo sa isang mesa habang umiinom ng alak at nagkukwentuhan. Kasali siya doon kanina bago niya naisipang pumunta ng banyo at makita ang kararating lang na pinsang si Kelsey.
"Cheers" Saad niya sabay taas ng wine glass. Itinaas din ni Selena ang baso niya.
Wala pang alas dose ng hating-gabi pero nakahanda na ang mesa at handa na rin ang lahat na lantakan ang masasarap na pagkain na nakahain sa mesa.
"Let's eat everybody." Tawag ng mommy niya sa lahat. Nagsitayuan naman ang lahat at lumapit na sa mesa at umupo. Malaki ang mesa nila kahit kadalasan ay tatlo lang silang magsabay-sabay kumain kapag ordinaryong araw. Naglagay din sila ng extension na mesa para lahat ay komportableng umupo at makakain. May mga bakante ring mesa sa gilid ng swimming pool sa labas na pwedeng upuan ng mga bisita. Ngunit mukhang walang gustong magswimming ng mga oras na iyon siguro dahil hatinggabi na at mas gusto ng mga ito ang manood ng fire works.
"How's your study Kelsey?" Tanong ni Tiya Sylvia,bunsong kapatid ng daddy ni Andrew.
"Doing great ante." Sagot naman ng pamangkin ni Sylvia. Si Kelsey ay kasalukuyang nag-aaral ng fashion design sa France at doon niya nakilala ang kaibigang modelo na si Selena. Ipinakilala na rin ni Keĺsey si Selena sa lahat.
"Jasmin has some goodnews for you guys." Umpisa ni Harvey. Si Harvey ay anak ni Teodore, kapatid ng mommy ni Andrew.
Everyone's looking at them waiting to hear the good news.
"We're expecting." Basag ni Jasmin sa balita.
Halos lahat sila ay napatili sa saya.
"Wow congratulations." Halos hindi matapos-tapos ang pagcongratulate ng lahat sa mag-asawa. Kakakasal lang ng dalawa five months ago and now buntis na si Jasmin kaya ang saya ng lahat para sa dalawa.
Napatigil naman si Andrew sa pagsubo ng bumaling ang mommy niya sa kanya. Parang nahuhulaan na niya ang salitang lalabas sa bibig nito kapag ibinuka nito iyon.
"Kami Andrew kailan mo kaya bibigyan ng apo?" Seryosong tanong ng mommy niya.
Natahimik naman ang lahat na para bang hinihintay ang kanyang sagot sa tanong na iyon.
Para naman siyang nabilaukan at hindi siya makasagot. Kailan nga ba? Napailing nalang siya. Wala pa talaga siyang balak lumagay sa tahimik.
"Oo nga naman,pinsan."
"Oo nga naman,hijo."
" Hoy mag-asawa ka na para magkaapo na kami."
" Pinsan ikaw lang ang pag-asa para may maingay sa bahay na ito."
Sunod-sunod na sabi ng mga taong nakapalibot sa kanya. Parang sasabog na yata ang eardrum niya. Halos taon-taon pinagtutulungan siya ng mga ito. Pini-pressure siya lalo nang mga magulang niya kapag ganitong may okasyon.
"Guys, kalma. Naghahanap pa ako. Wala pa akong nakitang papayag na maging asawa ko. Halos sila ayaw pumayag eh." Pabirong sagot niya at kunwari ay napakamot sa ulo. Nagtawanan naman ang mga pinsan niya habang ang mga magulang niya ay hindi man lang natawa sa biro niya. Aba'y sersoyo talaga ang mga ito.
Sa totoo lang ay napi-pressure na siya talaga ayaw lang niyang ipahalata. Kung may makita nga lang siya ng mga oras na iyon baka pakakasalan na niya para matapos na itong pamimilit ng mga tao sa paligid niya.
"Pinsan, marami d'yan na papayag. Hindi mo lang siguro nakikita kahit nasa harapan mo na." Pasimpleng panunukso ng pinsan niyang si Jared sa kanya at halatang tumingin at ngumiti pa kay Selena.
Napadako naman ang tingin niya rito. Sobrang lapad ng ngiti nito na parang agree ito sa sinabi ng pinsan.
Well, she looks sophisticated. Maputi, maganda, wears designer clothes, designer bag & shoes. In short, a high maintenance woman.
Wala naman siyang pakialam kung high maintainance ang mapapangasawa niya basta ba totoong iniibig siya nito at iniibig din niya ito.
In this case, she's attractive but not wife material enough or maybe hindi lang talaga niya nakita rito dahil hindi siya attracted dito?
Whatever, she's not the woman for him.
Ngiti lang din ang isinukli niya saka inabot ang baso at uminom ng juice.
"Oo nga naman,Drew. Bigyan mo na ang dalawang iyan para tumahimik na. Hindi ka talaga titigilan niyan hanggat hindi mo sila bibigyan ng apo." Pandagdag pressure na naman sa kanya ng tita Sylvia niya.
"Tutulungan ka naming maghanap ng mapangasawa mo para makahanap ka kaagad." Masiglang suhestiyon ng mommy niya.
"I have someone in mind." Segunda naman ng daddy niya.
"Talaga bang ipagtatabuyan n'yo ako at gusto n'yo ng makapag-asawa ako?" May himig pagtatampo kunyari niyang sabi.
"Hijo, you know exactly the reason why we want you to have a family this soon." Paalala naman ng mommy niya.
Napabuntong-hininga nalang siya.
"Alright. I promise that next new year's eve maý apo na kayo." Pagsuko niya para tumigil na ang mga ito. Bahala na.
"That's a promise. Make it fast. Excited na kaming lahat." Masiglang pahayag naman ng daddy niya.
Nagkatawanan naman ang lahat.
Habang nagkakasayahan ang lahat siya naman ay tahimik lang na umiinom ng alak habang pinapanood ang mga ito na nagkakantahan pagkatapos nagpaputok ng fireworks ng matapos kumain.
Napaisip tuloy siya kung paano ba matutupad ang ipinangako niya sa mga ito.
Isipin pa lang na magpapatali na siya ay parang tumatayo ang balahibo niya.
Pero pwede naman siguro magkaanak kahit hindi kasal.
Saan naman kaya siya maghahanap ng babae? Sa bar? From one of his flings?
Hindi naman kaya ay mapikot lang siya at mapilitang pakalasan ang babae?
Pero sino naman kaya ang babaeng papayag magpaanak na hindi maghahabol ng kasal?
Meron naman kaya? Lalo't halos ng babaeng nakasalamuha niya ay gusto siyang maangkin. Gusto siyang pakasalan dahil maliban sa may pera siya ay gwapo naman talaga siya.
Now he's thinking.
Mukhang pinalala niya ang problema niya.
Inilabas niya ang phone at nagtype sa google. "Baby problem?' Hindi niya alam kung ano ang ise-search.
Pagkatapos maclick ang search button ay lumabas ang isang website about surrogacy.
Interesting...
Binasa niya ang artikulo.
Hmm...that's interesting.
One problem solved.
Another problem, sino naman kaya ang papayag sa ganoong set-up dito sa Pilipinas? Baka ang ending hahabulin pa siya nito at pipiliting pakasalan siya.
Siguro sa ibang bansa nalang siya magha-hire ng magiging ina ng anak niya.
Problem number two solved.
Then a sudden flashed of an image of a woman pushing her motorbike with her pants and slippers make him smile.
Hindi niya alam kung bakit bigla nalang niyang naalala ang babaeng iyon.
The only woman who never threw him a second glance.
The only woman that never showed interest on him.
Now, that's interesting.
She might be qualified for the job.
Inilabas niya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan.
"Hello, Erik. Happy New Year. Yeah. Im at home. Great. Anyway, I have a job for you. I'll send you the details. Bye." Pinatay na niya ang tawag at muling uminom ng alak sa baso.