Alas kwatro y medya na ng hapon ay hindi pa rin matapos-tapos ni Andrew ang pagpirma ng sandamakmak na mga papeles sa ibabaw ng kanyang mesa na kalalagay lamang ng kanyang sekretarya kanina.
"Miss Jelai, bring me a cup of coffee,please." Utos niya sa sekretarya na nasa labas lamang ng kanyang opisina gamit ang intercom.
Dalawang taon na itong nagtatrabaho sa kanya. Ito lang ang sekretaryang nagtagal sa kanyang ugali. Twenty four na ito noong nag-apply ng trabaho. Una tatanga-tanga ito at umiiyak kapag napagsabihan niya na akala niya ay hindi magtatagal sa kanya at aalis din tulad ng iba ngunit nagkamali siya dahil tumagal ito ng dalawang taon. Gumagaling na rin ito sa trabaho na ikinatuwa naman niya dahil nakakapagod rin minsan ang papalit-palit ng sekretarya.
Habang hinihintay ang hininging kape ay nagpatuloy si Andrew sa pagbabasa at pagpirma ng mga papeles ng biglang tumunog ang kanyang cellphone.
It's his mother calling.
Parang nahulaan na naman niya ang dahilan kung bakit ito napatawag.
"Yes mom." Parang opening spill niya lagi sa tuwing tumatawag ito.
"Hijo, nasaan ka na? Anong oras ka ba uuwi sa bahay?" Sunod-sunod na tanong ng mommy niya.
Hindi pa man siya nakasagot ay pumasok na si Jelai na may dalang kape.
"Thank Miss Jelai." Pasalamat niya na nasa tasa ng kape nakatingin.
"Ano ba 'yan Andrew, it's December 31st, ay nasa opisina ka pa rin? Give yourself a break. Give our employees a break. Pauwiin mo na ang dapat umuwi. Ikaw umuwi ka na rin. Bagong taon na bagong taon nagtatrabaho ka pa rin." Mahabang litanya ng mommy niya. Nagsisi tuloy siyang nagpasalamat pa siya kay Jelai. Nakakarindi kasi ang boses ng mommy niya kapag nagagalit.
At alam niyang hindi ito titigil sa kasasalita hanggang hindi niya sasabihing papunta na siya. Hindi naman siya takot sa mommy niya kaya lang minsan ang bunganga nito ay parang bombang sasabog lagi kapag galit kaya pinagbibigyan nalang niya.
Ang ama naman niya ay masakitin na rin kaya minabuti nitong magpahinga nalang at siya na ang mamahala ng kanilang kompanya. Gusto daw nitong i-spend ang natitira nitong buhay sa mundo kasama ang ina niya. Enjoying life together. Siya nalang daw muna ang bahala sa kompanya.
Kaya wala na siyang nagawa kundi tuluyang pamahalaan ang Steel Manufacturing business ng pamilya. Sila ang nagmamanufacture at nagsusupply ng bakal sa halos buong bansa. Steel is on high demand in furniture manufacturing business lately due to its durability and strength. With innovation and competition, they made sure that they produced a high quality materials. Kaya naman maraming mga client ang nagtitiwala sa kanila.
That's why he's the youngest CEO in the Philippines. Making billion at the age of 27. Well, minana na niya ang kayaman niya sa mga magulang niya pero aminin niya na mas napalago pa niya ito. With his hardwork & optismism, he reaped what he sowed.
Ngayon naman na nakikita ng mga magulang niya na sobrang lublob siya sa trabaho ay parang kinakabahan ito na hindi na siya mag-aasawa o wala na siyang time na maghanap ng mapapangasawa. Kaya lagi siyang pini-pressure ng mga ito na mag-asawa ng maaga para kahit paano daw ay makakalaro pa daw niya ang kanyang mga anak dahil pareho pa silang bata. Hindi tulad ng mga magulang niya na late 30s na ng nagpakasal kaya nagsisi ang mga ito ngunit nagpasalamat pa rin dahil nabiyayaan sila ng isang anak at siya iyon. Kung sana daw ay maaga silang nagpakasal at nag-anak ay siguro marami daw siyang katulong ngayon sa pagpapatakbo ng negosyo nila.
Kaya ayon sa tuwing nagkikita sila ay walang bukambibig ang mga ito kundi nasaan na ang mapapangasawa mo. Eh, wala pa talaga siyang balak mag-asawa o magpamilya, not in the near future. Bata pa siya at magpakasasa na muna siya sa pagiging binata niya. Isa pa wala pa siyang nakitang gusto niyang maging asawa. Lahat nalang ng nakilala niyang babae ay kung hindi ang kagwapohan niya ang gusto ay ang bulsa naman niya.
"Oh ano na? Natahimik ka diyan? Umalis ka na diyan at hinihintay kana namin dito,hijo." Boses ng mommy niya na pumutol sa inisip niya.
Napabuntong hininga nalang siya ng malalim saka sumagot, "I'm coming, ma. I'll be there at 7."
"Alright, kung kaya mo namang agahan e agahan mo na. Namimiss ka na namin ng Daddy mo." Medyo lumumanay ang boses ng mommy niya. Sweet naman talaga ito minsan nga lang mabunganga.
"I'll be there mom. See you. Bye na." Pagtaboy niya. Alam niya mag-umpisa na namang magdrama ang mommy niya kesyo wala na siyang time na dalawin ang mga ito. Kesyo hindi niya ito nami-miss.
"Okay. See you." Paalam din nito at pinatay na ang tawag.
Humigop agad siya ng kape pagkalapag ng cellphone sa mesa. Maya-maya ay pinindot niya ang intercom.
"Miss Jelai, you can go home now."
Hindi na sumagot ang sekretarya pero alam niyang nagmamadali na iyong umalis.
Hindi rin nagtagal ay sumunod na rin siyang umalis ng opisina. May iba pang nagtatrabaho, mga empleyadong gustong mag-overtime work kahit na bagong taon. Well, hanggang 8 in the evening lang naman sila but paid double after five in the afternoon.
Dumeretso siya sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Didiretso na siya sa bahay ng mga magulang bago pa ito magtampo. Simula kasi noong grumadweyt siya sa kolehiyo at nag-umpisa ng magtrabaho ay bumukod na siya sa kanyang mga magulang. Noong una ayaw pumayag ng mga ito dahil nag-iisa na nga lang daw siyang anak e iiwan pa niya ang mga ito ngunit wala rin silang nagawa kalaunan dahil desidido talaga siyang bumukod.
Binabagtas ni Andrew ang daan palapit na sa may traffic light ng mapansin ang motor na nasa unahan. Familiar sa kanya ang likod at pigura ng drayber. Napansin niyang naghand signal ito na hihinto. Buti nalang siya ang nakasunod at pinabagalan niya ang takbo. Nakita niyang bumaba ito sa motor at itinutulak nito ang motor sa tabi ng daan. Namatayan na naman siguro ng makita. Sobrang luma na kasi ng motor nito.
Itinabi na rin ni Andrew ang sasakyan. Hindi siya bumaba at tiningnan lang si Celestine mula sa kanyang rearview mirror.
Ayon na naman, galit na sinipa na naman nito ang gulong ng kawawang motor. Parang gusto niyang tumawa sa nakikitang galit sa mukha ng dalaga. Nakatsinilas lamang ito. Nakasuot ng puting t-shirt at jogging pants. Nakapambahay lang pero maganda pa rin tingnan. At lalong naging cute kapag hahaba na ang nguso nito sa galit.
Wait a minute, ano bang nasa isip niya? Ano bang ginagawa niya rito at pinapanood ang babaeng iyon?
Aalis na sana siya ngunit nalingunan na naman niyang sinubukan nitong paandarin uli ang motor ngunit ayaw pa rin umandar.
Hindi naman siguro masamang tumulong uli.
Kaya bumaba siya sa kanyang sasakyan at nilapitan ito na nagulat ng makita siya.
"Stalker ba kita? Bakit lagi kang sumusulpot kung saan?" Hindi niya napigilang mapangiti at mapailing sa tanong nito. Iba rin ang isang ito. Imbes na sagutin ang sinabi nito ay pinaalis niya ito sa ibabaw ng motor at siya ang sumakay. Nakalimang subok siyang paandarin ito saka pa umandar.
Pagkatapos mapaandar ay bumaba na siya. "Siguro bayad na ako sa sinasabi mong utang ko." Sabi ni Andrew saka tinalikuran na ang dalaga na parang nabilaukan yata at hindi na nakapagsalita. Pumasok na siya sa loob at nanatili doon hanggang sa makaalis na si Celestine.
Sinundan na lamang niya ito ng tanaw.
Babaeng pasaway. Hindi man lang nagsuot ng helmet.
Napailing na lamang siya saka pinaandar ang sasakyan at umalis na.