“Grabe! Maging ang ina mo ay nauuto rin pala ng Liset na ‘yon, sigurado ‘kong may sinabi siya sa mama mo kaya gano’n na lang ang galit no’n sa ‘kin.” Nasa parking lot na kami ni Dreyk, ngunit hindi muna ako pumasok upang lumanghap ng sariwang hanging. Bigla na lang nag-init ang ulo ko sa hindi magagandang salita na ‘yon ni Mrs. Sebastian, hindi niya ‘ko lubusang kilala para basta na lang pag-isipan ng gano’n. Dapat ay nasa stage kami nang pagkikilanlan sa isa’t-isa, eh. “I’m sorry for my mother’s behavior. Nabigla lang ‘yon sa mga nangyari, don’t worry I promise to talk to her as soon sa possible, okay?” Hinawi Dreyk ang ilang hibla ng buhok na nalaglag sa may mukha ko, inipit iyon sa may tainga. Worried ang inilalabas na ekspresyon ng kaniyang mata, kaya para maibsan ‘yon ay nanahimik a

