“Grabe! Ang yaman pala talaga ni Dreyk, ano? Tiba-tiba ka na sa kaniya bruha. Uy, ‘wag mo nang pakawalan ang isang ‘yon. Hmm… sige ka baka mapunta pa siya sa akin.” Hindi na naman matabas ang kadaldalan ni Zusie, kakatapos lang naming mamili ng mga bagong damit, sapatos at ilang pampaganda gamit ang card na ibinigay ni Dreyk kagabi. First time kong makagamit ng gano’n, tapos ang pinamili pa ay mga sarili kong gamit kaya lalong mas bongga. Ilang sikat na stores ang pinuntahan namin, as in sobrang dami na ng bitbit naming paperbags. Ayon lang dahil hindi ako nakapahrequest kay Dreyk nang magiging tagabuhat sana ng mga ito. “Hindi ka naman papatulan no’n, bruha ka.” Tinawanan ko si Zusie dahilan upang pabiro niya ako ng tampalin sa may braso ko. “Hmp! Okay lang, for sure makakahanap di

