Nang araw rin na nagka encounter kaming tatlo nina Bianca at Breeze sa aking apartment ay ipinagtapat ko na rin sa aking kaibigan ang totoo. Itatago ko pa ba sa ang tungkol kay Breeze kung nakita na nito mismo ng kanyang mga mata? Mabuti na lamang din ay binigyan kami ni Breeze ng panahon para makapag usap. Nang oras rin na nakita kami ni Bianca ay kaagad na nagpaalam na ito sa akin at sinabing ipaliwanag ko lahat kay Bianca upang maintindihan nito ang lahat. Noong una ay hirap ito na paniwalaan ang kanyang nakita. Lalo na noong ipinagtapat ko sa kanya ang lahat. Simula noong araw na nakita ko si Breeze sa Cafe Shop, iyong araw na bigla akong naglaho habang magkakasama kami sa labas ng building ng opisina at iyong dahilan kung bakit ganun ko nalang nilagok ang iniinom nila nina Ate Erica

