Hindi ko namalayan na napa idlip na pala ako habang nasa biyahe kami. Nagising na lamang ako dahil sa sunod sunod na pagtapik ni Breeze sa balikat ko. "Hey lovely girl, wake up. Nandito na tayo." Sabi nito habang ginigising ako. Napamulat ako at kinusot ng ilang beses ang aking mga mata bago iginala ang paningin sa buong palagid sa labas ng bintana ng sasakyan. Nandito na pala kami, hindi ko man lamang namalayam. Madilim na rin ang paligid at tiyak ko na nasa alas syete na ng gabi ngayon. Napadako ang tingin ko sa mukha ni Breeze na parang bata na excited sa mga mangyayari. "Breeze.. Tama ba tayo ng lugar na napuntahan?" Agad na tanong ko rito dahil pansin kong nasa gitna kami ng gubat. Bahagya na natawa lamang ito sa tanong ko at agad na napatango. "Yup!" Nakangiting sagot nito. "Com

