Kinabukasan, hirap akong bumangon dahil sa sakit ng katawan. Nilalamig ako na hindi ko maintindihan kaya naman dahan dahan akong bumangon at pinapay ang aircon sa loob ng aking kwarto. Mabigat rin ang aking ulo at pakiramdam ko rin ay umaalab ang buong katawan ko dahil sa taas ng lagnat. Isa pa, bahing ako ng bahing kaya naman nagkalat ang tissue napkin sa may ibaba ng kama ko. Jusko! Ano bang nangyayari sa akin? Isang makapal na, na jacket at pajama ang isinuot ko ngunit hindi parin ito umepekto, giniginaw parin ako ng sobra. Kanina ko pa rin hinihintay si Bianca dahil hindi pa ito dumadating. Tumawag kasi ako sa kanya at ipinag bigay alam rito na hindi maganda ang pakiramdam ko. Ang sabi niya pupuntahan niya ako ngunit mag aalas otso na ng umaga ay wala parin ito. Muli kong idinial ang

