Chapter 18

1082 Words
Nakangiting pinagmasdan namin ni Jerson ang mala-anghel na mukha ng aking anak habang natutulog ito sa loob ng kaniyang crib. "Ang ganda niya!" Gumaralgal na naman ang tinig ko nang sabihin iyon dahil tila gusto ko na namang mapaluha. "Nagmana sa ina..." ani naman ni Jerson. Nahihiyang iniyuko ko ang ulo ko upang itago ang pamumula ng aking mga pisngi. Kinabig niya ako payakap sa kaniyang katawan. "Magpahinga na tayo," aya niya sa'kin. Kakaibang saya ang nadama ko ng muli kong maramdaman ang init ng kaniyang katawan. Kapayapaan ang pumapaloob sa puso ko sa tuwing madidikit ako sa kaniya. Naramdaman ko ang masuyong pagpisil niya sa aking palad habang inaalalayan akong makaupo sa kama. "Salamat..." madamdaming wika ko. "Isa mo pang pasalamat hahalikan na talaga kita," pabiro niyang sambit. Pagak na tumawa ako at saka taimtim na tinitigan siya sa kaniyang mukha. "Pwede ba kitang halikan?" tanong ko sa kaniya. "Ha?" gulat na gulat niyang sagot. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at saka tumingala sa kaniyang mukha kung kaya gahibla na lamang ang pagitan naming dalawa. Idinantay ko ang dalawang daliri ko sa kaniyang labi at saka masuyong humaplos doon. "Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan sa lahat ng mga nagawa mo sa 'kin," ani ko sa kaniya. "Sinabi ko naman sa iyo na hindi mo ako kailangang pasalamatan," tugon naman niya sa akin. Ilang sandaling nag-usap ang aming mga mata at walang kaabog-abog na kinabig ko ang ulo niya palapit sa aking mukha upang dampian ng halik ang kaniyang labi. Hindi ako nagkamali ng hinala dahil kay lambot at tamis ng kaniyang labi tulad ng sa isang cotton candy. Sa umpisa'y hindi niya ako tinugon sa aking ginagawang paghalik ngunit nagpatuloy lamang ako sa pagsipsip sa kaniyang labi. Naramdaman ko ang paghihirap ng kaniyang kalooban habang nakatitig ang mga mata niya sa aking mga mata. Tuluyan nang bumigay ang kaniyang pagtitimpi at ginantihan din nito ang ginawa kong paghalik sa kaniya. Kapwa kami hinihingal dahil sa paghahabol ng hininga nang bitiwan namin ang labi ng isa't isa. "Laura..." nahihirapang saad nito. "Hangga't kaya kong pigilan ang sarili ko pipigilan ko, just please stop me," Isinapo ko ang dalawang palad ko sa magkabilang pisngi niya at saka masuyong hinaplos ko siya roon. "Kung may isang taong nararapat sa katawan ko... Ikaw iyon Jerson!" Bukal sa 'king kalooban ang salitang binitiwan ko. "Laura!" gulat niyang bulalas. "Minsan na akong nagkamali sa pag-alay ng sarili ko noon kay Zoren." Tuluyang pumatak ang mga luhang pinipigilan ko mula sa aking mga mata ng muling magbalik ang mapait na alaala. Naramdaman ko ang dahan-dahang pagbitiw niya mula sa pagkakayakap sa akin. "Alam kong hindi ako magkakamali pang muli sa 'yo, Jerson," Gumagaralgal ang tinig ko habang sinasabi ang mga katagang iyon. "Mahal kita, Laura..." Taimtim na pinagmasdan niya ako sa aking mga mata. "Kaakibat ng pagmamahal na 'yon ay ang paggalang ko sa 'yo." "Jerson..." "Ang pagmamahal ay iniingatan kaya kinakailangan kong ingatan ang babaeng pinakamamahal ko." "G-gusto kong gantihan ka sa lahat ng kabutihan mo," humihikbi kong saad. "Hindi mo ako kailangang gantihan sa lahat ng aking ginawa. Laura, mahal kita, iyan lang ang lagi mong pakatandaan sana." Itiningala niya ang mukha ko kung kaya nagsalubong ang aming mga mata. "Hindi pakikipagtalik ang basehan ng pagmamahal ko sa 'yo dahil ikaw mismo ang minahal ko." Napahagulgol ako ng iyak nang marinig ko ang sinabi ni Jerson. "Sshh..." Ipinatong niya ang kaniyang daliri sa ibabaw ng aking labi at saka idinampi ang kaniyang labi sa aking mukha upang tuyuin ang mga luhang patuloy na naglalandas doon. "Sapat na sa akin ang makasama, mayakap at mahalik--" Hindi na niya natapos pa ang kaniyang sasabihin dahil kinabig ko na siya sa kaniyang batok upang maglapat ang aming mga labi. Siniil ko siya ng halik na 'di kalauna'y ginantihan din naman niya hanggang sa tuluyang lumalim nang lumalim. Kinuha ko ang isang palad niya saka ipinatong ko iyon sa ibabaw ng aking dibdib. "L-Laura..." nahihirapang bulalas ni Jerson. "Hindi sapat sa 'kin ang halik dahil gusto kong ganap na maramdaman ang pagmamahal mo." Masuyong humaplos ang palad ko sa kaniyang pisngi kasabay ng muling pagdampi ko ng halik sa kaniyang labi. Naramdaman ko ang mahigpit na pagkapit ng kaniyang mga palad sa aking baywang. "Ipinangako mo sa 'kin ang panibagong buhay kasama ka, kaya kaakibat niyon ang pag-angkin mo sa katawan ko na hindi ko ipagkakait sa 'yo. Bagkus ay kusang loob kong ipauubaya sa 'yo ang sarili ko," litanya ko nang kumalas ang labi ko sa kaniyang labi. Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkunyapit sa kaniyang batok at saka hinubad ko ang suot na bestida. Tanging pang-ibabang underwear na lamang ang itinira kong saplot sa aking katawan. "Laura!" nanggigilalas na bulalas ni Jerson. "Mula sa araw na 'to, ikaw lang ang may karapatan sa katawang ito," madamdamin kong pahayag sabay hakbang palapit sa kaniya. Mabilis niya akong sinalubong ng yakap at saka sinibasib ng halik ang aking labi. Punom-puno ng pagmamahal ang halik na ipinadarama niya sa akin. "L-Laura..." nahihirapan nitong wika. Hindi ko siya pinakinggan bagkus ay kinabig ko siyang muli sa ulo upang patuloy kami sa paghahalikan. Kinuha ko pa ang palad niya at saka inilapat iyon sa isa kong dibdib upang malayang ipahimas ang kaniyang palad doon. Hinayaan ko siyang maglaro gamit ng kaniyang daliri sa kamay. Animo ay nagmamasa lang siya ng tinapay sa kaniyang ginagawa. "Jerson…" usal ko nang gumapang pababa ang halik niya patungo sa aking panga. Ang palad naman niya ay kung saan-saan na naglalakbay sa aking katawan, kung kaya kakaibang init din ang lumukob sa buo kong pagkatao. Napapikit ako at gustong-gusto ko ang kaniyang ginagawang pagdama sa katawan ko. Mahigpit na napakapit ako sa kaniyang batok habang sinisipsip na niya ang aking leeg. Napaliyad ako nang maglakbay ang kaniyang halik sa ilalim ng aking tainga at saka paulit-ulit niyang kinagat-kagat iyon na nagdulot ng kakaibang kiliti sa akin. "Jerson..." humahalinghing kong ungol habang nagpapaubaya sa kaniyang ginagawa. Ang kiliting hindi ko maipaliwanag ay para bang ilang milyong bultahe ng kuryente na naglakbay sa buo kong pagkatao. "I can't believe that you are mine now," malambing niyang sabi at tila maiiyak pa siya sa labis na kagalakan. "Jerson..." Masuyong humaplos ang palad ko sa kaniyang pisngi. "You're mine now, Laura! And I promise to love you forever!" Kaysarap pakinggan ng kaniyang winika at nakababaliw ang mga salitang alam kong sinserong nagmumula sa kaibuturan ng kaniyang puso. "Mahal din kita, Jerson!" madamdaming tugon ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD