Chapter 17

1098 Words
Naaalala ko na ang lahat! Isang araw nang imulat ko ang mga mata ko mukha ni Jerson ang aking nasilayan. Mukha ng lalaking hindi nawala-wala sa aking isipan kailanman. Akala ko'y panaginip lang ang lahat tulad ng madalas na mangyari sa 'kin sa nakalipas na ilang buwan matapos akong ipagtabuyan paalis ni Zoren. Ang lalaking unang pinagkatiwalaan ko ng buong puso. "Hindi natin kailangang gawin iyan dahil hindi iyan ang basehan ng tunay na pagmamahal. Mahal kita at iyan ang lagi mong pakatatandaan, Laura." Hindi ko na napigilan pa ang sariling mapahagulgol ng iyak nang marinig ang sinagot sa 'kin ni Jerson. Walang araw na hindi ipinadama sa akin nito ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Sa ilang araw kong pagmamasid, wala akong maipipintas na kapangitang taglay ni Jerson. Punong-puno ng pagmamahal, paggalang at pag-iingat ang trato niya sa akin na animo'y isang mamahaling diamante. Sa iisang silid lamang kaming dalawa natutulog ngunit 'di siya gumagawa ng anumang pangit na hakbang. Hindi siya nag-take advantage sa katawan ko kahit pa nga maaari naman niya iyong gawin kung tutuusin. Hindi ako isang birhen upang pag-ingatan, ngunit parang gano'n ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Jerson sa loob ng iisang silid. Si Jerson ang lalaking lumapit sa 'kin noon sa basurahan kung saan kalong-kalong ko ang aking anak. "Jela..." Kaytamis pakinggan ng pangalang ipinagkaloob niya sa aking anak. Para iyong musika sa aking pandinig na tila pinagsama ang pangalan naming dalawa ni Jerson. Kahit wala ako sa tamang kaisipan, alam ng puso kong doon nagmula ang pangalan ng aking anak. Napaluha ako nang maisip na sana'y si Jerson na lamang ang tunay na ama ni Jela. "Huwag ka ng malungkot." Mahigpit na yumakap mula sa likod ng aking baywang ang mga braso niya. "Jerson..." gumagaralgal na usal ko sa kaniyang pangalan. "Kung hindi mo siguro kami natagpuan marahil ay tuluyan na akong nabaliw." Ang tahimik na pagluha ko ay tuluyang nauwi sa paghikbi. "Tuluyan na rin sigurong mag-iisa at maiiwan ang anak ko." "Hindi hahayaan ng Diyos na mangyari iyon sa 'yo dahil mabuti kang tao." Malungkot na ngumiti ako sa narinig na tinugon niya. "Hindi ko alam kung mahal nga ba talaga ako ng Diyos dahil hinayaan niya lang mangyari sa akin ang mga ganitong pasakit sa buhay ko." "May dahilan Siya para sa lahat, Laura," tugon niya sa 'kin. "Mula pagkabata puro pasakit na lamang ang dinanas ko sa buhay. Ang kinalakhan kong pamilya ay isang huwad at mapanakit sa akin. Nauwi ako sa kanlungan ni Zoren na akala ko'y siyang kaligtasan ko," humahagulgol kong sambit. "Sshh..." Pag-aalo niya sa 'kin at saka ipinaharap ako sa kaniya. "Bumuo tayo ng bagong alaala mo. Ako, ikaw, tayong tatlo ni Jela," pahayag niya sa akin. "Jerson..." "Huwag na nating balikan ang pangit mong nakaraan. Magpatuloy tayong dalawa sa hinaharap na magkasama." Pinahid niya gamit ang kaniyang daliri sa kamay ang mga luhang patuloy na umaagos sa aking pisngi. "Alam kong mahirap gawin pero handa akong samahan ka sa bawat sandali, Laura." Isinandig ko ang ulo ko sa kaniyang dibdib at saka ipinikit ang mga mata ko habang patuloy lamang sa pagluha. "Napakabuti mong tao, Jerson." "Mahal kita, Laura..." Inangat ng daliri niya sa kamay ang mukha ko paharap sa kaniyang mukha at saka taimtim na tinitigan ako. "Minahal na kita unang araw pa lang na nasilayan kita sa simabahan." "Jerson..." Hindi ko na napigilan pa ang sariling yumakap sa kaniya. Dinampian niya ng halik ang noo ko habang ang mga luha ko naman ay patuloy na umagos mula sa mga mata ko at tila ayaw magpapigil niyon sa pagpatak. "Hinding-hindi ko malilimutan ang araw na nakilala kita dahil ikaw lang din ang laging laman ng aking isipan. Ayokong magkasala bilang asawa ni Zoren kaya pilit kong pinatay ang kaunting damdamin na nadarama ko, ngunit hindi ko magawa!" Idiniin ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib at doo'y patuloy akong lumuha habang naglalahad ng aking saloobin. "Hanggang sa huling sandali ng aking katinuan, pangalan mo ang tinatawag ko. Umaasam na sana'y muli tayong magtagpo at hindi ako nabigo ng mga sandaling iyon dahil dumating ka upang iligtas kami ng anak ko." "Laura..." Naramdaman ko ang paghagod ng isa niyang kamay sa aking likuran na marahil ay gusto lamang akong aluin mula sa aking kalungkutan. "Mabuti na lang at dumating ka." Patuloy akong humagulgol ng iyak sa kaniyang dibdib. "Tahan na, Laura!" Pagpapatahan nito sa 'kin. "Aayusin natin ang lahat ng mula sa nakaraan mo. Pangako!" Paulit-ulit niya akong dinampian ng halik sa aking noo at hinayaan akong umiyak nang umiyak sa kaniyang dibdib hanggang sa tuluyan akong nakalma. Malakas na umiyak si Jela dahilan para kumalas ako mula sa pagkakayakap sa akin ni Jerson. "Ang anak ko..." gumagaralgal kong wika. "Tara, puntahan natin si Jela," nakangiting aya sa akin ni Jerson saka masuyong hinaplos pa nito ang aking pisngi. Tumango-tango ako bilang tugon sa kaniya at saka nagpaubaya sa marahang paghila niya sa akin patungo sa loob ng silid. Hilam ng luha ang mga mata ko habang pinagmamasdan si Jerson sa pagbuhat sa aking anak mula sa loob ng crib nito. Sila ang perpektong larawan ng tunay na mag-ama at tunay ngang naaantig ang puso ko sa tanawing iyon. Lumapit ako sa kanilang dalawa at 'di ko napigilan ang sarili kong yakapin sila kasabay nang pagpikit ng aking mga mata. Ninanamnam ko ang sandaling yakap-yakap ko sina Jerson at Jela. Ito ang buhay na ninais ko! Larawan ng perpektong pamilya na binuo ko sa aking isipan. Ito ang pinangarap kong mangyari sa buhay ko noon na sinira lamang nang mapanlinlang na mga nilalang. "Hey!" maagap akong nahapit ni Jerson sa aking baywang. Naramdaman ko ang panginginig ng mga tuhod ko nang lumitaw sa aking isipan ang malademonyong mukha ni Zoren. "Masama ba'ng pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Jerson. "N-natatakot ako..." Mahigpit na kumapit ako sa kaniyang braso upang doon kumuha ng katatagan. "Bakit?" "S-si Zoren..." nanginig ang boses ko. "Wala siya rito, Laura," tugon naman nito. "G-gusto niyang kuhanin sa atin si Jela," takot na takot kong sambit. "Hindi niya kayo makukuha sa akin. Dadaan muna siya sa ibabaw ng aking bangkay bago niya iyon magawa," mariin nitong pahayag. "Jerson..." "Huwag ka nang mag-alala pa, Laura. Mananatili tayo rito sa Isla Dahu upang makasigurong malalayo kayo ni Jela sa kaniya." Masuyong humaplos ang isang palad niya sa aking pisngi. "At kahit lumuwas tayo, hinding-hindi ko hahayaang makalapit siya sa inyo." Nakadama ako ng kapayapaan sa narinig na sinambit nito. Mahigpit na kumapit ang kamay niya sa aking baywang at para lamang kaming isang masayang pamilyang magkayakap kung pagmamasdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD