Chapter 16

1043 Words
Lumapit ako sa kinatatayuan ni Laura na abala sa pagtanaw sa malawak na karagatan. "Anong ginagawa mo rito?" malambing kong tanong sa kaniya. "Tinatanaw ko lang ang malawak na karagatan," sagot naman niya sa 'kin. "Masyadong malamig ang simoy ng hangin baka sipunin ka," nag-aalalang saad ko sa kaniya. "Yakapin mo na lang ako para 'di ako sipunin," malambing niyang sabi. Gaya nang sinabi niya, lumapit ako sa kaniya upang yumakap mula sa likurang bahagi ng katawan nito. Isang taon na mula nang lumipat kami rito sa Isla Dahu upang tuluyang pagalingin si Laura mula sa masalimuot nitong nakaraan. Suhestiyon ng doktor na alisin si Laura sa lugar kung saan nagmumula ang masakit na alaala nito. Sa tulong ng kaibigan kong si Seb, dito ko dinala si Laura sa isla upang mamuhay ng tahimik kasama ni Jela. Nakabili ako ng property rito na siyang pinatayuan ko ng aming matitirahan. Nakatulong ang isla sa pagbuti ng kalagayan ni Laura at hindi na siya kagaya ng dati na umiiyak sa tuwing sasapit ang oras ng pagtulog. Siya na rin ang mismong nag-aalaga kay Jela at hindi na siya pumayag na mahawakan pa ng yaya ang bata. Masasabi kong maalaga siyang ina kay Jela at punom-puno ng pagmamahal ang bawat arugang ipinagkakaloob niya rito. Mula nang malipat kami rito sa isla ay naging malambing din siya sa 'kin. Bagay na nagustuhan ko naman mula sa kaniya. "Jerson..." agaw pansin niya sa 'kin. "Hmm?" "Mahal mo ba ako?" tanong niya sa akin. "Mahal na mahal..." madamdaming wika ko. Humigpit ang yakap ko sa kaniyang katawan upang ipadama ang pagmamahal ko sa kaniya. Naramdaman ko ang pagyugyog ng kaniyang mga balikat tanda na umiiyak siya. "Hey!" Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa likurang bahagi ng kaniyang katawan at saka ipinaharap ko siya sa akin. "What's wrong?" tanong ko pa sa kaniya. Pinahid ko gamit ng mga daliri ko sa kamay ang mga luha niyang panay ang pag-agos mula sa kaniyang mga mata. "Dama kong mahal mo ako pero..." huminto siya sa pagsasalita at saka matamang tumitig sa aking mga mata ang kaniyang mga mata. "Pero?" kunot-noong tanong ko sa kaniya. "Pero..." Iniyuko ni Laura ang ulo niya at saka nilaro-laro ang kaniyang mga daliri sa kamay. "May problema ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya at saka kinabig ko siya palapit sa aking katawan. "Mahal mo ako pero bakit walang nangyayari sa atin?" Nalunok ko ang sariling laway nang marinig ang sinabi nito. Marahang itinulak niya ako palayo sa kaniyang katawan at saka sinalubong ng mga mata niya ang mga mata ko. "Asawa mo ako pero wala man lang intimacy sa pagitan nating dalawa," nakalabi niyang sabi. "Laura..." nahihirapang wika ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong niya dahil kahit ako ay gustong-gusto ko rin ang sinasabi niyang intimacy. Ngunit kahit gustong-gusto ko iyon ay 'di ko naman maaaring samantalahin ang kaniyang kahinaan para lamang sa pansarili kong kagustuhan. Isang taon na rin mula nang mapadpad kami rito sa Isla Dahu at sa loob ng panahon na 'yon ay iginalang ko ang pagiging babae ni Laura. Kahit pa nga kung minsan ay naa-attempt na akong sundin ang sariling kagustuhan ng init ng aking katawan. Nakuntento akong katabi at kayakap siya sa kama habang inaaninag ang maamo niyang mukha bago matulog at paggising ko sa umaga. Masayang-masaya na ako sa ganoong set up naming dalawa dahil ang mahalaga sa akin ay ang makasama ko sila ni Jela. Muli ko siyang kinabig palapit sa'king katawan at saka mahigpit ko siyang niyakap. "Hindi natin kailangang gawin iyon dahil hindi iyon ang basehan ng tunay na pagmamahal. Mahal kita at iyan ang lagi mong pakatandaan, Laura," madamdaming wika ko sa kaniya. Muling yumugyog ang mga balikat niya kasabay ng paunti-unting paglakas ng iyak nito. "Huwag ka ng malungkot, Mahal. Darating din tayo riyan sa tamang panahon. Sa ngayon ay palakihin na muna natin si Jela at hayaan mo na lang na yakapin kita parati nang mahigpit upang maramdaman mo kung ga'no kita kamahal," usal ko sa kaniya. "Thank you, Jerson!" madamdamin niyang turan. "Napakabuti mong tao." Naninibago ako sa mga kakaibang salita niya at tila hindi siya ang Laura na wala sa sariling katinuan. Napabuntonghininga ako sa kaniyang sinabi at saka dahan-dahan ko siyang ikinalas mula sa 'king katawan upang salubungin ang kaniyang mga titig. "Naaalala mo na ba kung sino ako?" may paniniyak kong tanong sa kaniya. "Hindi ka kailanman nawala sa puso ko," makahulugan nitong bigkas. "Hindi kita maunawaan." Masuyong pinisil ko ang ilalim ng kaniyang baba at saka ipinaharap ko ng husto ang kaniyang mukha sa aking mukha. "Mula nang makilala kita sa simbahan ay hindi ka na nawala pa sa isipan ko. Alam kong mali iyon dahil may asawa ako at buntis pa, ngunit hindi ko mapigilang isipin ka. Minsan ko pang hiniling na sana'y ako na lamang ang maswerteng babae na iyong ibigin..." Huminto siya sa pagsasalita at saka iniangat ang palad niya pasapo sa aking pisngi. "Hindi ko inakalang ikaw ang taong sasalba sa amin ng anak sa madilim na araw na 'yon ng buhay namin. Akala ko'y mananatili na lamang kaming dalawa sa tabi ng basurahan na iyon." "Laura..." tanging salitang namutawi mula sa aking bibig kasabay ng matagal na pagtitig ko sa kaniyang maamong mukha. "Hindi ko alam kung bakit ikaw ang laman ng isipan ko noong panahon na nawawalan na ako ng pag-asa para sa aming dalawa ng anak ko," patuloy sa pag-iyak nitong sabi. "Nang magising ako sa hospital, pinili kong takasan ang mga problema sa pamamagitan nang pagkalimot." "Nang masiguro kong ikaw ang taong nasilayan ko sa hospital at siyang kasama namin ng anak ko, kakaibang saya ang aking nadama! Ngunit kasabay ng sayang iyon ang tuluyang pagkalimot ko sa lahat ng mga pangit na pangyayari sa buhay ko." "Sshh... Kalimutan mo na ang iyong nakaraan. Magsimula tayong muli kasama ni Jela," ani ko sa kaniya. "Natatakot ako, Jerson..." Naramdaman ko ang panginginig ng kaniyang katawan. "Huwag kang matakot, Laura. Nandito ako!" Masuyong hinagod ko ang kaniyang likuran upang alisin ang takot na kaniyang nadarama. "Maraming salamat sa pagmamahal at pag-aaruga mo sa aming dalawa ni Jela," madamdaming wika nito. "Mahal ko kayong dalawa ni Jela kaya wala kang dapat na ipagpasalamat sa akin," tugon ko naman sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD