Chapter 6

1074 Words
Hindi maalis ang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang mga prutas na pinamili ni Jerson. "Wala pa akong asawa!" paulit-ulit na umukilkil sa isipan ko ang salitang sinabi nito. Napakaswerte talaga ng magiging asawa niya. Bukod sa mayaman na siya ay napakabuting tao pa niya. Sana'y hindi lamang iyon pakitang tao tulad nang ginawa sa akin ni Zoren noon. Bigla akong nalungkot nang maisip ang bagay na iyon. Pagdaan ko ng iskinita bago makarating sa mismong bahay namin ni Zoren, napansin ko ang pagbubulungan ng mga chismosa naming kapitbahay. Kunwari ay 'di ko sila napansin kung kaya dumiretso lang ako ng lakad pauwi sa bahay. Pagpihit ko pabukas ng pinto, nanlaki ang mga mata ko sa nakitang eksena. Nakahiga si Zoren sa sofa habang umiindayog na nakapaibabaw sa katawan niya ang hubo't hubad na babae. Dala nang pagkabigla, nabitiwan ko ang mga supot na dala-dala ko at lumikha iyon ng ingay dahilan para matigil silang dalawa sa kanilang ginagawa. "Mga h*yop!" Tumakbo ako upang sugurin silang dalawa. Hinablot ko ang buhok ng babae at kinaladkad ko siya sa may sahig. "Aray!" nasasaktang daing ng babae. "Laura! Bitiwan mo si Mae!" bulyaw sa akin ni Zoren. Matalim na tingin ang itinapon ko kay Zoren habang patuloy lang ako sa pagsabunot sa buhok ng babae. Doon ko ibinuhos ang lahat ng galit ko sa kaniyang buhok. "Zoren, tulungan mo ako!" nagmamakaawang daing ng babae sa aking asawa. "Ang kapal ng mukha mong pumatol sa asawa ko," nanggigigil kong usal sa babae. "A-asawa? Zoren, ilayo mo nga sa akin ang baliw na babaeng 'to!" utos pa ng babae kay Zoren. Hinigpitan ko lalo ang pagkapit sa buhok ng babae dahilan para lalo siyang mapangiwi sa sakit. "Ano ba, Zoren? Akala ko ba binata ka? Ba't hindi mo magawang alisin ang baliw na babaeng 'to?" pagalit na hiyaw ng babae kay Zoren. "Ikaw ang baliw! Hindi mo alam ang mga pinagsasabi mo," bulyaw ko sa babae saka patuloy kong hinigpitan ang pagsabunot sa kaniyang buhok. Malakas na pwersa ni Zoren ang nagpabitaw sa kamay ko mula sa pagkakasabunot sa buhok ng babae. "Bitiwan mo sabi si Mae!" Lumagapak ang palad ni Zoren sa aking pisngi. Tila nabingi ako sa lakas nang pagkakasampal sa akin ni Zoren. Pakiwari ko'y nayanig ang buong pagkatao ko. "Zoren..." naluluhang usal ko saka isinapo ang isa kong palad sa aking pisngi. "Mula nang iuwi kita rito ay puro kamalasan na lang ang nangyari sa buhay ko." Hinaklit ni Zoren ang braso ko saka pakaladkad niya akong hinila palabas ng bahay. "Lumayas ka na rito, Laura!" bulyaw niya sa akin. "A-asawa mo ako, Zoren!" utal kong wika kasabay nang pagbagsak ng mga luha sa aking pisngi. "Simula ngayon ay wala na akong asawa, kaya umalis ka na rito!" sigaw pa sa akin nito. "Zoren!" humahagulgol na lumuhod ako sa kaniyang harapan at nagmamakaawang nakiusap. "Buntis ako, Zoren! Kailangan ka namin ng anak mo." "Ipalaglag mo iyan!" Malakas niyang itinulak ako dahilan para masubsob ako sa lupa. "Bumalik ka sa pamilya mo kaysa ako ang patuloy mong minamalas. Wala akong pakialam na sa iyo o kahit diyan sa dinadala mo!" bulyaw pa sa akin ni Zoren. "Asawa mo ako, Zoren! Nagpakasal tayo dahil mahal natin ang isa't isa," humihikbing sambit ko. "Napakaboba mo talaga, Laura. Sa palagay mo ba talaga ay pinakasalan kita?" sarkastikong wika ni Zoren. "A-anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. "Walang kasalang naganap sa pagitan nating dalawa. Lahat ng iyon ay pawang pagkukunwari lamang." Yumukod si Zoren upang pagpantayin ang aming mga mukha. "Naawa lang ako sa iyo noon Laura dahil sa boba ka." Parang sinaksak nang paulit-ulit ang puso ko sa narinig na sinabi nito. Tila gumuho ang aking mundo dala ng sobrang sakit na nadarama ko. "Hindi ka naman pala asawa pero kung makaangkin ka, akala mo talaga tunay!" nakataas kilay na saad ng babae. Nagitla ako nang lumagapak ang palad niya sa aking pisngi. "Para sa pananambunot mo sa akin," nakangising sambit nito. Sinikap kong makatayo upang makaganti, ngunit pinigilan ako ni Zoren sa aking balikat. Isa pang sampal ang ipinadapo sa kabila kong pisngi ng babae at muli pa akong nakatikim ng panibagong sampal na nagmula naman kay Zoren. Tuluyan na akong nalugmok sa lupa ng muling ulitin ni Zoren ang pananampal sa akin. "Zoren..." naiiyak kong sambit. Nakangising tumunghay sila sa akin at tila mga demonyo sila na labis-labis ang kagalakan sa nakikita nilang paghihirap ko. "Para magising ka na sa katangahan mo!" Sabay na humalakhak si Zoren at ang kaniyang babae. Tinalikuran na nila ako at iniwan upang pumasok sila sa loob ng bahay. Para akong basurang ikinalat lamang nila sa kalsada ng mga sandaling iyon. Ang sakit-sakit ng nararamdaman ko at 'di ko alam kung pa'no bumangon ng mga oras na iyon. Biglang nanginig ang mga kalamnan ko at may kung anong kirot akong nadama paikot sa aking balakang. "Diyos ko! Tulungan Mo po kami ng anak ko!" piping dalangin ko. Walang lumalapit sa akin na kahit na sino upang tulungan akong makatayo. Sinikap kong makabangon ngunit pinanghihinaan ako. Gusto nang bumigay ng aking ulirat ngunit pinananaig ko ang kagustuhan na makabangon at mailigtas ang sarili pati na rin ang aking anak. Sa nanlalabo kong paningin ay nakita ko ang maamong mukha ni Jerson. Nakalahad ang palad nito na tila tinutulungan niya akong makatayo mula sa pagkakalugmok sa lupa. "Laura..." Sinikap kong imulat ang mga mata ko upang matitigan ang mukha ng taong tumawag sa akin. "Rachel..." sambit ko sa ngalan ng aking kaibigan. "Diyos ko, anong nangyari sa 'yo? Ba’t ka narito sa labas?" magkasunod na tanong niya sa akin. "Tulungan mo ako," nagsusumamong pakiusap ko sa kaniya. Tinulungan akong makatayo ni Rachel mula sa pagkakalugmok sa lupa at saka pinunasan pa niya ang nagkalat na putik sa aking katawan. "Si Zoren ba ang may gawa sa iyo nito?" pagalit niyang tanong. Tumango lamang ako bilang tugon sa kaibigan. "P*tang-ina talaga iyang asawa mo!" galit nitong sabi. Akmang kakatukin na sana nito ang pinto nang pigilin ko siya. "Tulungan mo akong pumunta ng ospital," pakiusap ko kay Rachel. Nanginginig ang mga kamay ko pati na rin ang boses ko at giniginaw na rin ang aking pakiramdam. Pinagpapawisan ang mukha ko kasabay nang panginginig ng mga kalamnan ko. Mahigpit na napakapit ako sa balikat ni Rachel. "Diyos ko, Laura! Ano bang nangyayari sa 'yo?" tarantang sabi ni Rachel. Humingi siya ng tulong sa iba naming kapitbahay na agad din namang tumulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD