Chapter 24

1065 Words

Wala kaming kibuan ni Jerson habang nagbabiyahe pauwi. Hindi niya ako sinagot sa tanong ko, bagkus tahimik na inakay lamang ako nitong umuwi. Labag man sa kalooban kong umalis sa lugar na iyon, sumunod na lamang ako para kay Jerson. Ayokong sumama ang loob niya ng dahil lamang sa pansarili kong kagustuhan, ngunit ‘di ko maiwasang isipin na sana’y magawa ko rin makapaghiganti. Pagdating ng bahay ay agad akong umakyat sa ikalawang palapag kung saan naroon ang silid na tinutulugan namin ni Jerson. Binuksan ko ang connecting door tungo sa loob ng silid kung saan naroon si Jela. Pinasadyang gawin iyon ni Jerson no’ng panahon na maysakit ako para mabilis niyang mapuntahan ang bata kung kinakailangan. Tinitigan ko ang maamong mukha nang natutulog kong anak at ‘di ko naiwasang mapaluha.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD