Dumaan ako ng mall upang mamili ng mga gamit na kakailanganin ko sa pagtuturo. Hindi ako legit na guro ngunit kahit pa'no ay tinuruan naman ako ng mag-asawang Seb at Nena ng mga dapat kong gawin bilang isang guro. Sila kasing mag-asawa ang matagal naming nakasama sa Isla Dahu kaya mas kampante akong magpaturo sa kanila kaysa kay CJ. Mabait din naman si CJ iyon nga lang ay hindi na namin siya maaaring abalahin pa ng husto dahil loaded na rin siya sa dalawa niyang trabaho. Kaya nga hinahayaan na lang namin kung kailan siya makakapagturo sa foundation. Nang mapagod ako sa pamimili ng mga kakailanganin, naisipan kong magmerienda muna sa fast food na nasa loob na rin ng mall na ‘yon. Iniwan ko muna pansamantala ang mga pinamili ko sa baggage counter saka naglakad patungo sa fast food na ma

