PROLOGUE
Nagpalinga-linga ako hanggang sa may nahagilap ang mata ko. "JEMA!!" Lumingon ito.
"Deanna, anong ginagawa mo dito?" Hindi ko siya sinagot bagkus ay hinila ko siya at pinapasok sa sasakyan. "Deanna, what's your problem?"
"IKAW!" Nagulat ito kaya huminga ako nang malalim bago nagsalita. "Bakit hindi mo sakin sinabi na may problema ka?"
"Anong problema?"
"Jema alam kong alam mo kung anong ibig kong sabihin." Napahigpit ang kapit ko sa manibela.
"Deanna, sino nagsabi niyan sayo?"
"Ang mama mo, tumawag siya sakin kanina."
"Mabuti pa ihatid mo na ako."
Naiiyak akong tumingin sa kanya. "Jema . . . Bakit ka ba ganyan? Girlfriend mo ba talaga ako? Mahal mo ba talaga ako?"
"Deanna alam mong mahal na mahal kita."
"Then Why?! Bakit ayaw mo magsabi sakin? Bakit ayaw mo humingi sakin ng tulong?"
"Deanna hindi mo naiintindihan." She held my hand kaya medyo kumalma ang pintig ng puso ko.
"Hindi ko naiintindihan kasi ayaw mo ipaintindi!"
Naiiyak na rin ito. "Alam mo kung bakit Deanna? Kasi ayoko isipin ng ibang tao na pera lang ang habol ko sayo!"
I looked at her. "Hihingi ka lang sakin ng tulong, mukhang pera na agad?"
"Deanna napaka-judgemental ng mga tao ngayon!"
"Bakit malalaman ba nila?"
"Hindi pe-----"
"Nahihiya ka? Mygod Jema! Engaged na tayo pero ganyan ka pa rin. Paano kung mag-asawa na tayo? Ganyan ka pa rin?!"
"Tama na Deanna, napapagod na ko."
"Pagod ka na? Makikipag-hiwalay ka na?!"
Isang sampal ang inabot ko dito pero ang kasunod nun ay hindi ko inaasahan. Hinila niya lamang ang mukha ko at naramdaman ko nalang na nakadampi na ang labi niya sa labi ko.
Let's read their story!