Deanna Point of View
One Week Later . . . .
I woke up early para ihatid si Jema sa CMS-Asia. Sa june twenty pa dapat ang training niya but pinayagan na siya ngayon kaya back to training na siya.
Makakalaro pa siya this pvl reinforced conference but depende pa rin sa coaches. Second round palang naman kaya makakalaro pa talaga siya.
"Mag-iingat ka." Bilin ko.
She nodded. "Yeah, cge na baka malate ka pa."
"I love you, Bb." I kissed her forehead. "I'm leaving."
Nag-flying kiss pa ko dito bago sumakay sa kotse at pinaandar papunta sa airport. after a few minutes of driving nakarating na din ako, nakita ko si mom and dad na kausap si Peter.
"Mom, dad?"
"Deanna, nandito ka na pala." Dad said and smiled.
"Peter maging good boy ka sa ate mo, lagi mo siyang susundin ah." Naiiyak na sabi ni mom kay Peter.
Inakbayan ako ni Dad at tumalikod kami kila mom and Peter. "Anak ipinagkatiwala ko sayo ang kapatid mo, sana walang mangyaring masama. Mababantayan mo ba ang kapatid mo? Maipapangako mo ba na walang mangyayari sa kanyang masama?"
"Pangako dad, hindi ko papabayaan si Peter, pangako."
"Maraming salamat, Sachi."
"Anak si Peter." Humarap ako. "Ingatan mo siya, mahal na mahal ko kayo." Kinuha ko ang bag ni Peter.
"Mom . . . ." Umiiyak si Peter.
Kinuha ko na ito kay mom. Habang papasok sila mom and dad sa airport, lalong umiyak si Peter.
"Shhh . . . Everything will be okay."
"Mom . . . Mom is . . . leaving" Umiiyak niyang sabi.
Hanggang makasakay kami sa kotse ay umiiyak pa rin ito. Kinuha ko ang bottled water at pinainom kay Peter.
"Tahan na . . ." Hinagod ko ang likod nito.
Dinala ko siya sa mall para naman maaliw muna ito at mawaglit sa isipan sila mom and dad kahit saglit lang.
"Ate unti lang yung clothes ko tsaka underwear na dala."
"Bibili nalang tayo. Kain muna tayo bago mamili at maglaro."
"Ate gusto ko sea foods."
Kumain kami sa Mesa Restaurant. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang may tumawag sakin.
"Hello Sachi?"
"Why Ditchie?"
"San kayo? Si Peter?" She asked.
"Kumakain, nasa Ayala mall."
"Sakto! Nandito din kami. Saan kayo?"
"Mesa Restaurant third floor." I ended the call.
Maya't-maya dumating na din ito kasama si ate Miya. "Ikaw siraulo ka! Bakit binabaan mo ko?" Naupo sila sa harap namin.
"Kumakain kami eh. Hi ate Miya."
"Tsk! Ako ang ate mo, dapat ako ang una mo binabati." Ditchie said at umismid.
"Kumain ka nalang." Tinawag ko ang waiter para maka-order silang dalawa.
"Saan kayo pagtapos?" Ate Miya asked.
"Mamimili, unti lang daw yung dalang damit ni Peter eh."
"Sama kami." Ditchie said.
"Sure." Nang matapos kami kumain ay tumungo na nga kami sa department store, pumunta kami sa kids section.
"Uhm . . Peter sasamahan kita mamili. Halika." Aya ni ate Miya dito.
Naupo naman kami ni Ditchie. "Nasan si Jema?"
"Nasa CMS-Asia."
"Back to training na siya?"
"Yeah. Maglalaro pa siya this reinforced but depende pa rin sa mga coaches." I said.
"Ah . . "
Jema Point of View
Nang matapos ang training ko, kumain kami sa labas nila Coach Karlo tsaka ate Jia. Yung iba ay nagsi-uwian na sa dorm.
"Kamusta Jema? Masakit pa ba ang paa mo?"
"Hindi na coach."
"Mabilis gagaling yan, alagaan ba naman ng isang Deanna Wong." Sabi ni ate Jia.
"Nga pala nagtext sakin yung kapatid ko, nakita niya daw si Deanna sa ayala mall, may kasama na babae at bata."
"Ah kapatid niya yun coach."
"Nandito yung kapatid niya?" Tanong ni ate Jia.
"Oo si Nicole tsaka Peter."
"Anong ginagawa nila dito?" Tanong ni coach Karlo.
"Hindi ko alam kay Nicole pero si Peter mula ngayon kay Deanna na titira. Umalis ang mom and dad ni Deanna at iniwan sa kanya si Peter."
"Huh? Walang naikwento sakin si Deanna." Ate Jia said.
"Baka nakalimutan niya lang po."
"By the way Jema, kailan ka babalik ng dorm?" Coach Karlo asked.
"Siguro kapag nagsimula na pumasok si Deanna, tutulungan ko kasi si Deanna sa pag-aalaga kay Peter."
"Ilang araw ba mawawala ang parents ni Deanna?" Ate Jia asked.
"Isang taon po. Nagkaron daw kasi ng problema ang business nila sa china kaya pansamantala nila na iiwan si Peter kay Deanna, si Deanna din ang lahat gagastos para sa pangangailangan ni Peter."
"Paano yun? Eh wala naman trabaho si Deanna." Sabi ni coach.
"Alam mo yung Wong Cars Corporation?"
Tumango si coach. "Oo, yung may ari nung ka-business partner ni Luigi."
"Tumpak! Si Luigi at Deanna ay magka-business partner. Si Deanna ang may ari ng kompanya na iyon." Ate Jia said.
Halatang nagulat ito sa nalaman niya, nanlaki pa ang mata kaya natawa ako. "Hindi nga?" He looked at me.
I nodded. "Totoo yun coach, hindi nagbibiro si ate Jia."
"Grabe, sobrang yaman pala nila Wong."
"Sinabi mo pa." I said.
Nang matapos kami kumain ay umuwi na ko sa condo. Pagdating ko wala pa si Deanna kaya nagbihis at natulog muna ako.
Deanna Point of View
Gabi na kami nakauwi sa condo dahil naglibot-libot pa kami nila ate sa ibang lugar, para rin maipasyal si Peter.
Pagpasok namin sa loob naabutan namin si Jema na nanonood. "Hi, Bb." Hahalikan ko sana ito pero bigla siyang yumuko at kiniss si Peter.
"Hi Peter."
"Hi ate Jema." Yumakap si Peter kay Jema.
Grabe! Si Peter talaga inuna, hindi man lang ako pinansin. "Ako walang kiss?"
She looked at me. "Wala." Sumimangot naman ako. "Joke lang." She kissed my cheek.
"Pisngi lang?"
"Manahimik ka, may bata." Pinanlakihan niya ko nang mata. "Kumain na kayo?"
"Hindi pa ate Jema, nagugutom na ko." Peter said.
"Cge magbihis ka muna at kumain na tayo, may niluto ako para sayo."
Tinuro ko kay Peter ang kwarto niya, may dalawang kwarto dito sa condo unit ko. Nagsasama naman kami ni Jema sa isang kwarto kaya yung kabila ang gagamitin ni Peter my baby boy.
"Anong niluto mo baby?" Inaya ko ito maupo sa couch. "Masarap ba yan?"
"Yeah, mas masarap pa sayo."
"No . . . Ako ang pinaka-masarap sa buong mundo, wala nang sasarap pa sakin."
"Hindi kaya, may mas masarap pa kaya sayo."
Kumunot ang aking noo. "Paano mo na sabi? Tumikim ka ba ng iba?" Sinapak niya ko sa braso. "Aray!"
"Ang bastos mo!"
"Ang sakit, nagtatanong lang eh. Pikon mo talaga."
"Bastos."
"Oo na." Sabi ko habang hinihimas ang aking braso na sinapak niya.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Peter. "Ate tapos na po ako magbihis. Pwede na ba tayo kumain?"
"Sure. Tara na." Iniwan nila ako dito mag-isa. Grabe! Ako yung girlfriend pero hindi man lang ako inaya.
Tulog na si Peter sa kabilang kwarto, habang kami ni Jema ay nanonood pa rin. "Deans?" She looked at me.
"Hmm?"
"Paano si Peter kapag pumasok ka na?" She asked.
"May kamag-anak akong tiga rito. May ipapadala daw silang isang katulong para magbantay kay Peter."
"Hindi ba't parang delikado? Mahirap magtiwala sa isang tao, Deans. Malay mo masamang tao pala yun, edi napahamak pa yung kapatid mo." She said.
"Matanda na yung katulong and almost thirty years na daw katulong yun nila kaya i'm sure mapagkakatiwalaan yun. Isa pa matanda na yun."
"Cge ikaw bahala."
Maya't-maya nakaramdam na ko nang antok. Inaya ko na siya matulog dahil may training din siya.
Hay! Nakakamiss mag-training, bukas tatawagan ko si coach para manghingi nang training kahit isang beses lang.
Katatapos ko lang maligo at tumawag kay coach O, pumayag ito mag-training kami kahit wala siya dahil nandyan naman daw si coach Vince at coach Mona.
"Peter sama ka sakin, magtra-training ako."
"Wala pa kayong training ah." Jema said.
"Nanghingi ako kay coach, naboboring na ko eh."
She nodded. "Okay."
Binihisan ko si Peter pagtapos ko magbihis, sabay kami bumaba ni Jema sa parking lot. "Mag-iingat ka."
"Yes baby." Tumingin siya kay Peter. "Aalis na ko, Peter. Mag-iingat kayo ng ate mo, isumbong mo sakin kapag nambabae yan ah?"
"Yes ate Jema." Sumaludo pa si Peter.
I laughed. "Grabe ka talaga sakin, Love."
"Cge na aalis na ko." Sumakay na ito sa kanyang kotse at pinasibad paalis.
Pinasakay ko na si Peter sa aking kotse at kinabitan ng seat belt saka umikot para sumakay sa driver seat.
Jema Point of View
Malapit na ko sa CMS-Asia nang biglang tumawag sakin si ate Ly, sinabi niya na sa ateneo kami magtra-training kaya inikot ko ang kotse.
Mabuti nalang medyo malapit lang ang CMS-Asia sa ateneo tsaka hindi masyado traffic sa dadaanan mo.
After a few minutes of driving nakarating na din ako sa harap ng BEG, pinarada ko ang kotse ko sa tabi ng kotse ni Deanna.
"Hi mareng Jema." Bati sakin ni Risa pagpasok ko sa loob.
"Hello." I sit on the bleacher. "Si Coach?"
"Hindi daw siya darating." Ate Ly said.
Hinanap ng mata ko si Deanna, nakita ko siyang nag-aayos nang net. Sunod na hinanap ng mata ko ay si Peter, nakita ko ito na nakaupo habang naglalaro ng tablet.
"Puntahan ko lang si Peter." Paalam ko sa kanila at tumayo para tumungo sa kinauupuan ni Peter. "Hi Peter."
He looked at me. "Ate Jema." He hugged me. "Bakit ka po nandito?"
"Dito rin ako magtra-training."
"Ah . . . Ayun po si ate oh." Sabay turo kay Deanna.
"Nabusog ka ba sa breakfast na niluto ko kanina?"
"Opo, sobra. Ang sarap niyo pala magluto, parang kayo si mommy." Biglang lumungkot ang mukha nito. "Miss ko na si mommy."
Hay! Naiintindihan ko, nasabi kasi sakin ni Deanna na hindi sanay si Peter na wala sa tabi niya si tita Judin.
"Shh . . ." Hinagod ko ang likod nito. "Ako muna ang mommy mo sa ngayon habang wala pa si tita Judin. Okay ba yun sayo?"
Ngumiti ito at tumango. "Opo, salamat ate Jema. Kahit papaano nawawala yung lungkot ko kasi kung ituring niyo ko, parang anak niyo po ako."
"Wala yun."
Nakakatuwa siya. Tuwing napapasaya ko ang batang ito, feeling ko napapasaya ko na din si Deanna.
"Nandito pala ang prinsesa." Sabi ni Deanna habang papalapit sakin. "Bakit ngayon ka lang dumating?"
"Malapit na ko sa CMS-Asia nung tumawag si ate Ly eh."
"Ah kaya pala. May tune up mamaya."
"Tune up? Sino Referee?" I asked.
"Luigi, kuya Rex tsaka si Ron."
I nodded. Maya't-maya nagsimula na kami mag-warm up, warm up muna bago drills. Nang matapos lahat ng kailangan gawin, pinag-water break kami nila ate Ly, habang sila Deanna ay patuloy pa rin.
Si Deanna na ang captain kaya si Deanna ang magde-desisyon kung magwa-water break sila o hindi.
******************