Jema Point of View
Kami ang nautusan dalawa ni Deanna mag-grocery, magluluto mamaya si mama ng masarap na pagkain kaya kailangan namin mamalengke.
Ang laki ng problema ko. Mukhang mahihirapan ako hatakin si Deanna papasok sa wet market.
"Deans alam mo ba yung wet market?" I asked her.
Nakasakay kami ng tricycle, hindi na kami nag-kotse kasi mata-traffic lang kaming dalawa.
"Yeah. Kadiri yung lapag dun eh. Diba?"
I nodded. "Doon tayo pupunta."
"What? Papasok tayo dun?"
"Oo." Sagot ko.
"No way! Jema sa supermarket nalang tayo mamili, mas malinis pa."
"Malinis din naman yung sa wet market."
"Malinis? Ang dami na kayang bacteria ng mga fish at meat nila na binebenta." She said.
"Hindi noh. Mas fresh pa nga ang binebenta nila kesa sa binebenta ng supermarket."
"Ah basta hindi ako pupunta dun. Kung gusto mo maghihintay nalang ako sa labas, hindi ako papasok sa loob."
"Hindi pwede, baka mawala ka." Sabi ko.
Nang makarating kami sa tapat ng wet market, halos kaladkarin ko si Deanna papasok.
Pinagtitinginan na nga kami ng ibang tao, iniisip ata nila na kinidnap ko si Deanna.
"Ah yuck!" Nakita kong natuluan ng tubig ang paa niya. "s**t! Sino ba kasi nag-imbento ng wet market? Nakakabadtrip."
Tinawanan ko nalang siya. Isda at baboy lang ang binili namin sa wet market, sa supermarket nalang yung gulay. Hindi na kasi kaya ni Deanna, nasusuka na siya sa amoy.
Nang makauwi kami sa bahay, agad naligo si Deanna. Pakiramdam niya daw kasi yung amoy ng wet market nakadikit sa kanya. Baliw talaga yung jowa ko.
"Nasan si Deanna anak?" Tanong ni mama.
Nandito kami sa kitchen, nagluluto ng makakain para sa dinner. "Nasa cr po, naliligo."
"Bakit? Kakaligo niya lang nung umalis kayo ah."
"Feeling daw po niya nakadikit sa kanya yung amoy nung wet market." Sabi ko.
"Ah . . hindi sanay, laki talaga sa yaman ang fiance mo anak."
"Oo nga po. Ma, nasan pala si Mafe at Donna? Hindi ko sila nakita sa itaas."
"Ay na kila tita Chadeng mo, nakikipaglaro kay Ysa tsaka dun kay blue at red. Nandun din si ate Jovi mo." Sabi nito.
Nang matapos kami magluto, pinuntahan ko na si Deanna sa itaas. Naabutan ko siyang sinusuklay ang buhok niyang basa.
"Hey." I kissed her head. "Bango mo ah."
"Mas mabango ka." Hinawakan niya ang bewang ko at humarap sakin. "Tapos na kayo?"
"Oo. Gutom ka na? Gusto mo kumain na tayo?" I asked her.
"Mamaya na. Wala pa yung tatlo mong kapatid."
"Pwede naman tayo mauna."
"Maya na, hindi pa naman ako masyadong gutom."
"Okay." Umupo ako sa lap niya at sinubsob ang aking mukha sa kanyang leeg. "Bango."
Last day na namin dito sa laguna kaya I decided na bumisita sa dati kong school. Nandito pa rin pala yung dati kong coach na si ma'am Janeth.
Pinaki-usapan ako nito na pwede daw ba ako magturo, pumayag naman ako tutal mamaya pang hapon kami uuwi.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Deanna sakin.
Nakauwi na ko sa bahay bandang five o clock.
"Nagturo ako ng volleyball."
"Tumalon ka?" She asked seriously.
Umiling ako. "Hindi."
"Good. Cge magbihis ka na, aalis na tayo."
Hindi na ko naligo, nagpalit nalang ako ng damit. Pag naligo ako baka mapasma pa ko. Alas otso na kami nakarating sa condo, hinatid pa kasi namin yung dalawa sa UST.
"Nagugutom ka na? Sa baba nalang tayo kumain. Magre-request ako sa chef para makain mo yung gusto mo." Sabi ni Deanna.
"Pahinga muna tayo."
"Okay." Nahiga kami sa bed.
Dahil sa pag-higa namin, hindi namin namalayan na nakatulog na kami. Nagising kami bandang twelve o clock.
"Nakatulog pala tayo. Gutom ka na? Luto nalang ako."
Umiling siya. "Kain na lang tayo sa 7/11." Nagbihis kami, sinuotan pa niya ako ng jacket. "Let's go love."
Hindi na kami nag-kotse dahil sa harap mismo ng building ng blue residences, may 7/11.
I decided na pumunta sa CMS para bisitahin ang teammates ko. "Uy si mareng Jema nandito." Risa said.
Napahinto sila sa kani-kanilang ginagawa at napatingin sa gawi ko. "JEMA!!" Unang yumakap sakin ay si ate Jia.
"Namiss kita." Ate Jia said.
"Oo nga Jema, ilang araw ka namin hindi nakita." Celine said.
"Umuwi kasi kami ng laguna eh." Sabi ko.
"Umuwi sila ng laguna ni Deanna para lang gumawa ng milagro." Natatawang sabi ni Coleen kaya binato ko ito ng knee pads na nakakalat sa lapag.
Saglit lang ako dun dahil nagtra-training sila, naiistorbo ko sila. Pumunta ako sa bahay nila Cy, naabutan ko itong naglalaro ng PS4.
"Hi madam. Mabuti naman napapunta ka dito."
"Syempre." Naupo ako sa tabi niya. "May good news ako."
"Ano yun?" Tinigil niya ang paglaro ng PS4 at humarap sa akin. "Tungkol ba yan sa inyo ni lodicakes?"
Tumango ako at kinagat ang pang-ibabang labi ko. Shet! Kinikilig ako. "Engaged na kami ni DEANNA!" Pinakita ko ang singsing ko dito.
Nanlaki ang mata niya, mukhang hindi makapaniwala. "Talaga? Congrats." Hinigit at niyakap ako nito ng mahigpit. "Sobrang saya ko para sa inyo." He whispered.
"Thank you."
Kumain kami sa labas, tinawagan din namin si Deanna para tatlo kami mag-Celebrate.
Medyo natagalan si Deanna sa pagdating dahil nanggaling ito sa office niya, dun sa company niya.
"Hey, sorry i'm late."
"It's okay love." I said.
"Lodicakes congrats sa inyo." Sabi ni Cy pagkaupo ni Deanna sa tabi ko.
"Salamat. Naka-order na ba kayo?"
"Hindi pa." Sagot ko.
"Waiter!" Tinawag ni Cy ang waiter.
Ako na ang umorder kay Deanna, ako daw gusto niya umorder para sa kanya eh. Naglalambing ang bata.
Nang matapos kami kumain, nag-decide kami lumibot saglit. "Uhm . . Cy mauna na kami ni Jema."
"Sure. Cge mag-iingat kayo." Cy said.
Niyakap kaming dalawa ni Cy. Lumakad na kaming dalawa patungo sa parking lot. "Punta tayo sa office ko."
"Anong gagawin natin dun?"
"May aayusin lang akong papers tsaka may pipirmahan ako then pwede na tayo umuwi." She said.
After fourty five minutes nakarating na din kami sa company niya. Ang laki pala ng building nila.
"Ikaw ang nagmamay-ari ng building na yan?" Tanong ko habang namamangha sa kagandahan.
"Yeah. Pasok tayo." Bumaba kami ng kotse. "Here." Inabot niya sa isang valet ang susi ng kotse niya, tapos ay hinila niya na ko papasok.
"Good afternoon ms. Deanna."
"Hello po ms. Deanna."
Tanging tango lang ang ginagawa ni Deanna. Ang sungit naman niya sa mga employee niya.
Pinagtitinginan kami ng mga tao kaya medyo nailang ako, napansin naman ni Deanna iyon.
"Wag mo sila pansinin, first time ko kasi pumunta dito na may kasamang iba."
"Hindi pa nakakapunta dito yung family mo?" I asked.
Sumakay kami sa elevator. "Nope. Kahit mga friends ko hindi pa, ikaw ang kauna-unahan kong dinala dito." She winked at me.
Shet! Hilig talaga magpakilig ng batang 'to.
"Hi ms. Deanna." Nag-bow ang isang babae kay Deanna. "Hello po." Binati din niya ko.
"Gina si Jema, girlfriend ko. Jema si Gina, assistant ko siya."
"Hi." I smiled.
"Gina nasa loob na ba yung mga papers na kailangan ko?" Tanong ni Deanna.
Tumango naman ang babae. "Opo, nandun na po lahat sa table niyo."
"Mabuti naman. Kapag may naghanap sakin, wag niyo sasabihin na nandito ako. Ayoko maistorbo."
Pumasok na kami ni Deanna sa loob ng office niya. "Wow."
"Maganda ba?" Pinaupo niya ko sa solo couch.
"Yeah. Ang linis sobra, hindi katulad ng kwarto mo sa condo."
"Grabe ka naman." Naupo siya sa swivel chair. "Gawin mo lahat ng gusto mo, may laruan sa library room. Pwede mo gamitin."
I nodded. Kumuha ako ng isang libro sa library room niya. Ang ganda dito, i'm sure ang mamahal ng mga gamit dito.
Seven o clock na ng gabi pero hindi pa din tapos si Deanna sa ginagawa niya. Nakakagutom at nakakaboring, hindi ba siya nagugutom?
"Love, hindi ka pa ba tapos?"
"Hindi pa." Tumigil ito sa pagsusulat. "Bakit? Are you hungry?"
"Yeah."
"Wait lang." Pinindot nito ang intercom. "Gina tumawag ka sa restaurant, umorder ka ng makakain namin."
"Hm . . Matagal muna siyang assistant?"
"Nope, two years palang naman 'tong business ko." She said.
"What? Two years palang? Ang bilis naman ata lumago."
"Tinulungan ako ni dad, si Gina dating assistant ni dad kaya sa kanya ko lahat ipinagkakatiwala." She said.
"Ah . . Okay."
Babalik na sana ako sa pagkakaupo kaso bigla niya akong hinila, hinila niya ko paupo sa lap niya.
Pinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. "Bukas ang flight natin."
"Anong oras?"
"Two o clock. Nag-impake ka na ba?" Tanong niya.
"Oo. Kanina bago ako umalis."
"Hindi pa ko nag-iimpake."
"Naipag-impake na kita." Sabi ko.
"Hm kailan? Parang hindi ko nakita."
"Kanina din, busy ka kasi kakalaro kaya hindi mo napansin."
"Ah okay." Sabi niya.
Pinagpatuloy niya ang pagsusulat kahit nakaupo ako sa lap niya. Dapat aalis na nga ako eh kasi baka nahihirapan siya kaso ayaw ako paalisin. Okay lang daw.
****************