"Nay! Tay!" Tawag ko kila nanay at tatay pag-kapasok ko pa lang sa gate namin.
"Oh?!" Sagot ni nanay na narinig kong galing sa sari-sari store.
Pagkatapos no'ng interview kanina sa kompanya nila ni Kyla ay nag-apply pa rin ako sa iba't-ibang mga companies. Buti na lang at pumayag si Kyla na i-sama ko siya kasi kung hindi naging si Elsa na ako.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto ko upang mag-palit nang mas komportableng damit; which is 'yong mga pam-bahay.
Nag-luto na rin ako nang pancit canton dahil nagutom ako sa rami no'ng tanong no'ng mga nag-i-interview. Akala mo na naman nasa isang variety show na utak ang labanan. Kulang na nga lang 'yong mga itanong nila ay: 'bakit tao ka?', 'bakit may ulo ang manok?', bakit ang tagalog ng sunday ay linggo e dapat nga araw-araw 'yon?'.
Gusto ko na nga lang sagutin na: 'ikaw ate, ba't ka humihinga?', 'bakit ka pinanganak ng nanay mo?', 'bakit ka pa nabuhay?', 'bakit kamukha mo 'yong nandoon sa Venom na movie? Hindi si spiderman kineme, ah... si Venom mismo.'
Pagkatapos kong kumain ay pinalitan ko muna si nanay doon sa tindahan kasi hapon na. 'Pag mga ganitong oras lilipad na ang balita, e. Na sa labas na rin si nanay na kunwari ay winawalisan 'yong harapan namin e halata namang sumasagap na ng chismis.
Syempre ako naman nakikinig lang sa kwento nitong lider ng baranggay. Hindi si Capitan, ah... si Aling Marites the great.
Dito sa harap nang tindahan namin ang opisina nang mga 'to. Araw-araw may dalang balita. Minsan nga na-chismis pa 'ko nang mga 'to, e. Sinabi ba namang manananggal daw ako?! Reason daw ay hindi raw ako pala-labas nang bahay at may nakita raw silang hating katawan na nasa tapat no'ng bintana ng kwarto ko, e saktong gabi no'n kaya naging anino na 'yong mannequin na pinagkamalan nilang katawan ko daw. E ginagamit 'yon ni Joy na kaibigan ko, para sa pang-mine-mine na damit, kineme. Ewan! Nag-explain pa tuloy ako sa kanila ng wala sa oras!
Maisasatula mo pa tuloy buhay mo sa mga ganitong tao.
After ng ilang oras ay nag-si-uwian na rin sila since dumating na 'yong mga asawa nila. Marami na ring bumibili 'pag ganitong mga oras kasi ang daming batang naglalaro sa lansangan. 'Yong isang 5 years old nga nakita ko nag-TWERK!
Ay, teka! Twerk ba 'yon o otso-otso?
Habang nag-hihintay kung may bibili ba at pinapanood iyong mga batang naglalaro ay biglang nag-vibrate ang phone ko. Chat sa GC naming mga mag-kakaibigan. Original friends kumbaga. Friends ko sila since elem. kami.
Hazel: mga marecakes, nakita niyo 'yong t****k ni Lovely? amp. bulateng binuhusan ng asin!
Chris: gago HAHAHAHAHA!
Sol: hoy grabe kayo HAHAHAHA
Me: tingin nga ng sa 'yo, Hazel
Hazel: @Shane kaya kong mag-twerk ng naka-higa
Me:HAHAHAHAHA gago
Hindi na ako nag-reply pagkatapos no'n dahil alam ko na ang isusunod na topic no'n ni Hazel; puro green.
Tama nga ang sinabi ko, ang dami nang bumibili ngayon. Puro ice water at soft drinks nga lang.
Sumapit ang alas-nuwebe ay isinara ko na rin ang tindahan.
"Mga nong at neng," pag-tawag ko sa mga batang nag-co-computer pa rin hanggang ngayon. "Bukas na 'yan at mag-sasara na ako. Pustahan 'di niyo pa nagagawa 'yong mga assignments niyo, ano?" Napamewang ako habang nag-hihintay sa pintuan nang computer shop na matapos itong mga bata.
"Ay, hindi po ate. Wala po kaming assignments," pag-tatanggol sa sarili no'ng isang bata.
"Sure?" Pang-sisigurado ko.
"Opo nga po, ate." Sagot ulit no'ng bata.
"Ay, ate!" Pag-tawag no'ng isang bata na nasa malapit sa akin.
"Oh?" Nag-cross arms ako at itinaas ang isang kilay habang sumasandal sa pintuan.
"Crush ka po no'ng kuya ko." Ngiting-ngiting pagkakasabi niya.
Mas itinaas ko pa iyong kilay ko, "anong crush-crush? Ilang taon na ba 'yan? Mamaya makasuhan pa 'ko ng child a***e, e." Pag-susungit ko roon sa bata.
"20 po ate." Sagot niya. 20? E, mag-bebente tres na 'ko! Ano 'yon?
"Sabihin mo d'yan sa kuya mong may crush sa 'kin ay hindi ako pumapatol sa bata. Mas bet ko 'yong 2-3 years ang agwat namin-- syempre siya dapat 'yong mas matanda, 'no!" Umirap ako do'n sa bata. "I-adjust niya 'yang taon niya kung gusto niya 'ka mo!" Hmph!
Bakit ba sa panahon ngayon maaga ng lumalandi ang mga kabataan? Iyong isang 11 years old na kapatid no'ng college friend ko may boyfriend na! Nakita ko pa 'yong ka-chat niya no'n sa cellphone niya nakalagay, 'i love you, babe ????❤️❤️,' hindi ko naman sinasadyang basahin, e. Syempre katabi ko siya noon kasi sinama siya no'ng college friend ko kasi wala raw kasama sa bahay.
Tsaka mas alam niya 'yong sugar level sa milktea! No'ng ako 'yong tinanong ang sinagot ko level 2, e. E siya 50%. O, 'di talo agad ako roon.
"Ate 'yong kuya ko po 25 years old po, crush ka rin po niya." Sabi no'ng isang bata na nasa bandang kanan ko.
"Sabihin mo sa kaniya ay required ang house and lot kapag mag-papakilala sa 'kin!" Pinanlakihan ko nang mata iyong bata. Umiwas naman ito ng tingin. "Bilisan niyo na d'yan. Isusumbong ko kayo sa mga nanay niyo, bilis!" Wala pa ring gumagalaw sa kanila ni isa. "Ah, gano'n, ah? Sandali tatawag na 'ko ng tanod." Pananakot ko sa kanila na ikinatakbo nila palabas.
Umay! Iniwan lang na naka-bukas itong mga computer!
Inisa-isa kong pinatay ang mga iyon at pinatay na rin ang ilaw. Pumunta na ako sa loob ng bahay pagkatapos no'n at nag-pahinga. Since kumain na rin naman ako no'ng hapon ay hindi na ako nag-hapunan. Kaya tinulog ko na lang.
Kinabukasan ay late na akong nagising. Pag-baba ko ay naka-ready na iyong almusal na sa tingin ko ay naka-reserve na para sa akin. Malamig na nga, e.
Buong araw akong naka-tambay doon sa sari-sari store namin at nanood lang ng k-drama habang wala pang bumibili. Pag-sapit ng hapon ay may biglang tumawag sa akin na unknown number, edi syempre sinagot ko naman.
"Hello po? Sino po sila?" Tanong ko agad pagkatapos kong sagutin.
[Yes, hello. Uhm... This is Sandoval Group of Companies. Are you perhaps Miss Shakira Shane Santos?]
"Yes, ma'am."
[Okay... I just want to inform you Miss Santos that you got hired by our company as one of our new engineers. You can start next week Miss Santos. And you can fix your things tomorrow here in the company.]
Engineer na nga ako!
"Ah... Y-yes ma'am. Thank you. I will really do my best for this position of mine. Thank you, again, ma'am."
Pagkatapos no'n ay may sinabi pa siyang mga importanteng details sa akin para makapag-simula na ako next week.
Pumasok ako sa loob ng bahay at sinabi kila nanay at tatay na official na talaga akong engineer!
Kinabukasan ay maaga akong gumising dahil excited na akong mag-ayos ng gamit. Tinawagan ko na rin ulit si Kyla para samahan niya ako. Baka kasi ang sungit no'ng mga makakasama ko roon, e. Mabuti nang nandiyan si Kyla.
Nag-dala na ako no'ng mga gagamitin kong gamit for next week. Kaunti lang naman, iyong mga importante lang. Hindi na ako nag-dala no'ng mga picture picture na iyan, saka na lang.
"Shane," tawag sa akin ni Kyla. Nandito na kami ngayon sa engineering department nitong company nila. "May mga gwapo kang makaka-trabaho, o. Siguradong gaganahan ka talagang pumasok dito araw-araw. Walang sick-leave na mangyayari." Sabi niya habang pinapa-ikot-ikot iyong upuan ko.
"Pera muna ang habol ko sa ngayon sismars at hindi ang mga gwapong lalaki." Sagot ko naman sa kaniya habang nag-aayos pa rin nitong cubicle ko.
Nanahimik naman na siya dahil baka may maka-rinig pa sa amin dito.
Next week pa nila kami ipapakilala sa kanila. Pero iyong iba ay nakipag-kilala na sa akin. Mababait naman sila. Mas marami ngang lalaki rito. Kaya siguro naman hindi masyadong toxic.
Natapos na akong mag-ayos ng gamit at sakto namang tinawag si Kyla no'ng mama niya, kaya nag-paalam na lang muna ako kasi kikitain ko pa sila Hazel.
Habang naglalakad ako ay may naka-salubong akong familiar na tao.
"Felix?" Nag-aalangang tanong ko sa lalaking naka-white shirt at pantalon.
Nilingon niya ako at inaaral ang mukha ko. Nakaka-offend bhie!
"Shane?" Sa wakas na-recognize niya rin ako!
"Hello." Bati ko. "Long time no see." Nginitian ko siya.
Ngumiti rin siya sa akin, "oo nga, e. Nagtra-trabaho ka rito?" Tanong niya. May dala-dala siyang box.
"Next week pa 'ko mag-sisimula, e. Ikaw ba? Engineering ka rin ba?"
"Engineering ka rin? Omg, same!" At napa-hampas pa sa braso ko.
Omg, same?!
"Next week rin ako mag-sisimula, sis." Ibinalik niya ang kamay doon sa kahong hawak niya. "Ay, sige. Need ko pang mag-ayos sa cubicle ko, e. Bye bye. Take care." Tinapik niya ang braso ko bago tuluyang umalis.
"..."
Hindi ako makapaniwala. Si Felix na ba 'yon? Napa-statwa na lang ako sa kinaroroonan ko bago mai-process sa utak ko iyong mga nangyari.
Si Felix! Siya iyong crush ko noong na sa grade six kami! Siya 'yon, sure ako.
Habang nag-lalakad ay unti-unti nang lumiliwanag sa isipan ko iyong mga nangyari. Si Felix na ex-crush ko na straight noon, ngayon ay katulad ko na rin!
Woman in heart.
---