"ewan ko ba kasi sa'yo bakit nag ampon kapa ng sakit sa ulo" sabat ni papa na agad namang tinapik ni mama para tumahimik na
"ampon?"
"Ma patigilin mona si papa please" Tugon ni kuya kay mama at tila ba iniiwasan nyang tumingin sa mga mata ko.
"Bakit? Hindi ba halata? Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ka magawang suportahan ng nanay mo sa mga balak mo sa buhay? Kasi nga hindi ka namin kadugo. . . Sampid ka lang sa pamilyang 'to" Patuloy na wika ni papa na pinipigilan naman ni mama
"Pa! Tigil na please" Sabi ni kuya
Nanlumo ang katawan ko at tuluyang tumulo ang mga luha ko. Para akong tangang walang alam kung ano ang nangyayari at kung ano pa ba ang paniniwalaan ko.
"Kuya? A-alam.. mo din 'to?" tanong ko kay kuya na panay lamang ang yuko.
"Hindi makasagot ang kuya mo. Kasi nga totoo.... Oo nakita ka lang ng nanay mo sa tapat ng bahay namin. Buti nga kinuha ka pa eh" Pagmamayabang na sambit ni papa
"Papa tama na please" Sambit ni kuya sabay na pinaakyat ni mama si papa sa taas.
Nabalot ng galit at pagtataka ang buong isipan ko sa mga nalaman kong katotohanan. Hindi nila ako tunay na kadugo. . . Ako ay isa lamang na hamak na ampon. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko bagama't nabalot na ng puot ang dibdib ko ay wala na akong ibang nagawa kung hindi ang ngumanga.
"Bunso. . . ma- magpapaliwanag ako please" Naluluhang sabi ni kuya habang dahan-dahang lumalapit sa akin.
Nang dahil sa galit ko, hindi ko na nagawang lumapit kay kuya at tumakbo ako papalayo ng bahay. Panay takbo na lang ang nagawa ko kasi wala akong maisip na ibang gawin. . . Alangan naman lumangoy o lumipad ako diba *_*, kung saan-saan ako dinala ng mga paa ko. Napakaraming buildings narin at mga bahay ang nadaanan ko. Saka ko na lang namalayang malayong malayo na ako sa bahay namin nang mapagod ako at nagsimulang maglakad ng marahan. Panay na lang ang buhos ng maalat-alat kong luha sa buong mukha ko. . . maalat talaga sya men, halatang puro pasakit ang dinanas sa loob ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko sa gitna ng tulay. Mapayapa at tahimik, parang walang problemang dinadala. Kung ako kaya tumalon dito magrereklamo 'to? Baka sabihin ng tagapagbantay ng ilog na to na isa nanamang pabigat sa buhay ang tumalon. . . Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak at sumigaw sa sobrang sakit.
"Arghhhhhhhhhhh!!! "
"Punyemas namang buhay to!"
"Puro pasakit na lang ang pinaparamdam nyo sa'kin mga p*tangina!"
"Wala na ba kayong ibang ma i suggest na kaganapan sa buhay ko? Nang ma iba naman sana context ng buhay ko Lord"
Umiyak ako ng umiyak hanggang sa maisipan ko ang isa sa pinakamagandang idea ng mga taong nalululong sa anxiety at depression. . . Ang tumalon sa tulay at magpatangay sa agos ng rumaragasang tubig sa ilog. Tumayo ako ng dahan dahan at nagsimulang umakyat sa gutter ng tulay. Nang akmang tatalon na'ko, biglang kumidlat at dumalugdog ang kalangitan na tila ba tumututol sa pagpapatiwakal ko. Maya-maya pa ay bumuhos ang ulan. Wala akong nagawa kung hindi ang bumaba at umupo ulit sa gilid ng tulay. Sinabayan ng luha ko ang nagngangalit na ulan.
"Ano ba?! Isa ka rin eh no"
"Pambihira naman talagang buhay to lahat na lang bawal!" Ani ko habang dumadabog sa putik na dulot ng ulan
"Sa pangarap ko tutol kayo, pati ba naman sa pag suicide ko tutol kayo? Lord naman hayaan mo na'kong tumahimik"
Heto ako. . . Basang-basa sa ulan. . . Walang masisilungan. . . Nanatili na lang ako sa pagkakaupo habang nakababad ang paa sa tubig bahang namumuo sa pwesto ko. Iyak ako ng iyak sa gitna ng tulay hanggang sa is ang sandaling hindi ko namalayan, isang puting payong ang ang nagsilbi kong pandong sa gitna ng malakas na ulan. Nagulat ako ng may masilayan akong paa na nakatayo sa gilid ko. Laking pagtataka kong may isang taong tutulong sa akin at sasagip sa akin sa kalagitnaan ng malakas na ulan sa kahabaan ng tulay na iyon. Huminto ako ng bahagya sa pag iyak at tumingala upang makita ang man under my umbrella ko.
"Tumigil kana sa kakahagugol gunggong, di bagay sa'yo" Ani ng lalaking ito
"Walang ya Yuri. . ." Ani ko sabay tapik ng binti nya
**********************************
ALEZANDER SZENRI LEE'S POV
While on my way home, na flatan ng gulong ang kotseng minamaneho ko. At the same time, rain suddenly flushed and covered the whole road. Good thing I have an umbrella, so I get out of my car to look for a nearest vulcanizing shop to help me with my car. I found a vulcanizing near the Maligaya bridge. . . While having a little conversation with the mechanic, I saw an illusion of a guy sitting at the side of the bridge. I thought something went wrong so binilin ko muna ang kotse ko sa mekaniko para puntahan sya.
I slowly approaches him until nung naaninag ko na kung sino tong taong tong walang sawang umiyak at sumabay sa buhos ng ulan. GD?. . .yeah. . . It's George Danielle Kwon. . . My friend's boyfriend, Christopher Choi's little boyfriend. Madaming tanong ang nabuo sa isipan ko the moment I saw him.
"Is he okay?"
"Nag break na kaya sila ni Tobi?"
Mga unang tanong na dumapo sa isipan ko. GD and I are elementary best friends, until now. . . So we're best of friends for more than 10 years. Well. . . we was. . . until he met Christopher. Tobi and I are classmates way back our high school freshmen year. Naging magkaibigan kami noon dahil sa isang certified basabulero itong si Tobi at ako ang naging tagapagtanggol nya sa lahat ng oras. My dream is to become a lawyer and until nung college, I take the course of Environmental Law. Kinda strange, mahiyain kasi ako kaya imbis na tao ang piliin kong ipaglaban, yung kapaligiran na lang tutal mas may pakinabang naman yun. So back to my story, I didn't knew that Tobi and GD already know each other. . . Actually matagal ko ng gusto si GD, nagkagusto na'ko sakanya sa umpisa pa lang. Ang ganda kasi ng ngiti nya, hindi lang yun. . . Maganda talaga sya. Well he maybe born as a man but I already saw his beauty inside. I'm not a gay, but I'm into him. Kaso hindi ko magawang masabi sakanya ang nararamdaman ko kasi baka maging hudyat pa iyon ng pagkakasira ng pagkakaibigan naming dalawa. So I kept my feelings for him until the day come, I have to go to the states to continue my study. Huli kong balita sakanya, sila na ni Christopher.
All the memories we've had and I missed flashes back into my mind that time. The first thing I gotta do is to comfort him from his pain. I just stared at him until he look up to see me. Hindi ka pa rin nagbabago, ikaw parin ang crybaby GD na nakilala ko, naging kaibigan ko, at minahal ko.
"Tumigil kana sa kakahagugol gunggong, di bagay sa'yo" Pabiro kong sabi sakanya
"Walang ya Yuri. . ." Sinuntok nya'ko ng mahinahon sa binti
I offered my hand to him, and he lend his hand to me. I miss this. . . I miss your touch GD. . . And I miss you so much. We shared and escaped from the rain under my umbrella and go back to the vulcanizing shop. Gladly, my car is already fixed and I offered him a drive to his house.
"Ayoko, tumakas lang ako sa'min eh" Maluha-luha pa nyang sagot
"Then where do you wanna go?" I uttered
"Wow big time kana talaga ah, spokening dollar na. . . Pero. . . Pwede bang sainyo na muna ako pansamantala?" Dinaan nya na lang sa pagtawa ang mga ito. Alam ko naman kasing masakit talaga pero nagagawa parin talaga nyang magbiro
"Alam mo ikaw, hindi ka parin nagbabago. . . You always have a joke inside you after everything happened" I uttered again while wrapping my arms on his shoulder
"Ehh wala kang magagawa, ako na to eh. . . Ano, payag ka dyan muna ako sainyo?" He asked for the second time
You're right, ikaw na yan eh. . . Alangan tumanggi pa'ko. Alam mo namang hindi kita matiis, kaya gagawin ko ang makakaya ko para lang matulungan ka
"Of course. . .after all, matagal naman na kitang hindi nakakasama kaya pambawi ko na sa'yo yan" Then I opened my arms to let him hug me. Matagal kong hinintay na mayakap ko sya ulit, kaya susulitin ko na ang pagkakataong ito para makilala ka ulit, makilala ang isang George Danielle Kwon na na-miss ko ng mahigit tatlong taon
—TO BE CONTINUED—
*******************************************
WARNING:
This part has some words that is not necessary for others to hear, please read at your own risk. Not because you read words that is not appropriate means that it reflects the author's personality or experience, please respect. Thank you
—SOL
author