CHRISTOHPER's POV
Everything went well. . . the battle went well. . . until GD was punched by that YGUBEM student. My reaction was blank for a while, I just regain my reflex when he was already surrounded by other students . Danielle Jung was sent to the principal's office and got suspension. Sinugod ko si GD sa clinic but the doctor only applied first aid and bandages on his swollen eye. The assigned doctor said he's fine but I think he's not that's why I brought him to the nearest hospital. The doctors run some diagnostics on him and I just wait until the doctor comes back. Maya-maya pa, GD's brother came and I fixed myself to talk to him.
"Si GD? kamusta?" he asked
"Uhm the doctors are still checkin' on him" I uttered
"pambihira inglisero pala to eh. . ." he said while scratching his head
"ahh hehe sorry po" I humbly answered
"Nga pala kaanu-ano ka ba ni George? barkada nya? ka banda" he curiously asked again
I got blanked for a moment, I can't find exact words to tell. I suddenly remembered GD told me that none of his family know that I'm his boyfriend. I don't want to lie, but I also don't want his brother to judge us that way. We just stared at each other while my hands are on the back of my head.
**************************************
SOL's POV
Sinasabi ko na nga ba. . . may hindi sinasabi sa'kin si George Danielle Kwon. Parang may naamoy na nga akong malangsa dito sa lalaking to eh. Sa tingin at mga pakamot pa lang sa ulo parang alam ko na kung ano relasyon nito sa kapatid ko. Kung magkataon mang tama ang hinala ko dito sa lalaking to, ihanda mona ang sarili mo George. . .
Hindi sya makasagot kaya ako na ang lumapit. Kita ko naman ang gulat sa mga mata nya nang nilapitan ko sya pero hindi sya gumalaw ni kaunti, galing boi ah. . .
"tapatin mo nga ako. . . mag- ano kayo ng kapatid ko?" diretsahang tanong ko sakanya
"uhm. . . . uhh. . .ehh. . ."
"ahh. . . ehh. . . ihh. . . ohh. . . uhh. . . wag ka nang magsalita, alam kona" sabi ko kahit hindi ko naman talaga alam. Nag-isip na lang ako ng dahilan, baka sakaling mabuko ko pa kapatid ko
"uhh. . . huh?" tanong nya na parang 'di makapaniwala
"isa ka sa mga kasama nyang mag cutting class para makapag audition no?" tanong ko ng walang halong pag iisip
"huh no. . . I'm his boyfriend and we didn't skip classes, maaga lang po talaga uwian namin because of that audition" diretsang sagot nya.
tumatawa na sana ako dahil sa sinabi ko nung bigla akong napatingin ulit sakanya. hindi ko alam kung napasukan lang ng hangin 'tong tenga ko o tama talaga yung narinig ko
"B-boyfriend? ni GD?" pag uulit ko
"yeah . . . oh" sambit nya sabay takip sa bibig nang mapagtanto ang nasabi nya
Si GD? bading si GD? HAHAHAHAHAHAAHAHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHHHAHAHHAHAAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAAHHAHAAAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAAHHAHA sabi ko na nga ba eh bading yung kumag na yun eh. wala akong ibang reaksyon kundi ang tumawa hanggang sa dumating yung doktor. Agad naman kaming lumapit ng boyfriend daw ni bunso
"Doc kapatid po ako ni Mr. Kwon, kamusta na po sya?" diretsahang tanong ko
"Okay naman na po si Mr. Kwon, wala naman po kaming nakitang internal bleeding inside his head. We already gave him medicines too to prevent the pain. He just have to rest a little then you can bring him home after" paliwanag ng doktor
Pagkaalis ng doktor agad kaming pumasok para makita si GD. Naka upo sya sa kama nang pumasok kami kaya umupo na ako agad sa gilid nya para kamustahin sya
*****************************************
GD's POV
I was unconscious simula nang suntukin ako ng hambog na igobem na yun. First I noticed nasa clinic pa lang ako then when I woke up again nasa hospital na'ko. Puno akong bandage sa ulo ang kakati pa naman. Maya-maya pa ay dumating na si kuya at kasama nya si. . . Tobi? kasama nya si Tobi. . . magkasama silang pumasok. Nakita ko si kuya nag aalalang lumapit sa'kin, nakasunod naman sakanya si Tobi na panay kamot sa ulo. Tinignan lang ako ni Tobi and he winked at me.
"kamusta ka na? may masakit pa ba sa'yo? sabihin mo" nag aalalang tanong ni kuya
"okay naman na ako kuya, wala naman daw akong komplikasyon sabi ng doktor. Buti na lang tinulungan nya'ko" sagot ko sabay tingin ka Tobi
"eh sino ba kasing nagsabi sa'yo na sumali sali ka riyan sa rap battle na yan eh pahambugan lang naman ang labanan dyan" tanong ulit ni kuya. Napatingin ako kay Tobi, nang tumingin si kuya sakanya napayuko na lang ako bigla
biglang tumingin si kuya kay Tobi sabay sabing. . . "Kala ko ba syota mo to? ba't dinadala mo naman yata sa kapahamakan tong kapatid ko?"
"k-kuya?" nauutal kong sambit
"Oo alam ko na. Alam ko ng bakla ka kaya akin na yung panalo ko haha" tumatawa nyang sabi habang nakahawak sa kamay ko
"hindi ka galit kuya?" mangiyak ngiyak ko ng tanong kay kuya
"hindi no, bakit naman ako magagalit?. . . alam mo, masaya ako kapag nakikita kitang masaya kaya bakit ko naman ipagkakait sa'yo ang kaligayahan mo? kaya nga sinusuportahan kita sa lahat ng bagay diba" malumanay na pagpapaliwanag ni kuya
Nakaramdam ako ng ginhawa ng sambitin iyon ni kuya. Si kuya ang kauna-unahang tumanggap sa pagkatao ko sa pamilya namin. Mahigpit kong niyakap si kuya, napaka laki ng pasasalamat ko sa binibigay nyang suporta saakin. Makalipas ang dalawang oras, pinayagan na kaming umuwi ng hospital. Si Tobi na ang nagbayad ng bill ko at sya na rin ang naghatid saamin ni kuya pauwi. Pagdating namin sa bahay, nasa sala sina mama at papa naghihintay. Si Tobi pa ang nag lagay ng bag ko sa loob kahit sabi ko na huwag a kasi baka kung ano pa ang masabi nina mama, at hindi nga ako nagkamali.
"Ba't ginabi na kayo ng uwi? sa'n kayo galing?" bungad na tanong ni mama saaming tatlo
"at sino naman tong kasama nyo?" dagdag ni papa
"ahh kaibigan ko po si—" hindi na'ko pintapos ni mama
"Kaya ka nalalagay sa pahamak eh kakasama mo sa mga walang kwentang tao" sabi ni mama. nandilim na noon ang paningin ko pero si kuya na ang sumagot
"sya pa nga tumulong kay GD na dalhin sa ospital para ipatingin eh. kung wala yan dun baka mas malala pa inabot ni bunso riyan" sagot ni kuya
"Uhm tita—" sabat naman ni Tobi na agad pinigilan ni mama
"hoy wag mo'kong matawag-tawag na tita 'di kita kamag-anak. At dapat talaga pinabayaan mona yang lalaking yan na mabugbog para matauhan yan" wika ni mama
"mama naman. . . wag mo naman ipahiya si GD sa kaibigan nya" sabat ni kuya sabay assist kay Tobi palabas ng bahay. Sumenyas na lang ang nagawa ko ng umalis si Tobi
"aba bakit bawal ba? ng dahil sa impluwensya ng mga barkada na yan napapariwara kana GD" panenermon ni mama
"ewan ko ba kasi sa'yo bakit nag ampon kapa ng sakit sa ulo" sabat ni papa na agad namang tinapik ni mama para tumahimik na
"ampon?"
—TO BE CONTINUED—