SOL POV
"pa, di nyo naman po kailangan sigawan si bunso ng ganun" tugon ko kay papa pagkatapos umalis ni GD
"eh ano pala gusto mong gawin ng tatay mo? i baby yan? alam mo kaya di lumalaki utak nyang kapatid mo palagi mong ipinagtatanggol" sabat naman ni mama na noon ay pinupunasan ang katawan ni papa para mahimasmasan
"kaya nga sinasabi ko na wag mong pagsasalitaan ng ganon si GD pag bangag ka" pagtataray ko kay papa nang hindi ko mapigilan ang sarili ko
agad akong umakyat sa taas nang sinabi ko iyon. na guilt ako pero mas nangibabaw na yung sama ng loob ko eh.
Pag akyat ko sa kwarto, nakita kong nakahiga na si GD, hindi ko matiis na tumatangis ang kapatid ko kaya naman nilapitan ko sya para patahanin.
umupo ako sa tabi nya at tinapik sa balikat. . .
"GD... tahan na 'yaan mona si papa, lasing 'yun kaya napagsalitaan ka nya pero alam kong hindi nya sinasadya yun" mahinahong turan ko
biglang umupo ng bahagya si George para lang makatingin sa'kin. . .
"kahit naman hindi lasing 'yun... ganun parin naman, walang pinagbago" lumuluhang sagot nya
wala na'kong ibang nasagot noon kaya humiga na lang ako. Saka na lang ako ulit napa upo nang muling nagsalita si GD
"kuya... if ampon ako, ipagtatanggol mo pa ba ako kina mama at papa?" tanong nya
"ba't naman napunta sa pagiging ampon ang usapan?"
"wala feeling ko lang... kasi kung ituring nila 'ko parang hindi man lang kadugo eh"
"wag ka magsalita ng ganyan... nakakamatay"
"Kuya naman ihh"
"alam mo kahit ampon ka poprotektahan parin kita... ngayon nga na hindi mo pa alam, prinotektahan na kita eh pano kung malam mo na? edi paldo ka nyan"
Wala kaming ibang nagawa noon ni GD kundi ang magtawanan. At least nabawasan ko yung lungkot nya
"Pero alam mo-"
"Aray!! dahan dahan naman gago ka"
"Luh bakit napano ka?" gulat kong tanong matapos nya akong sikuhin. Nang umayos ako sa pagkaka upo, dun ko nalamang may sugat sya sa braso
"Hoy George napano yan?" diretsang tanong ko sabay hablot ng braso nya para tignan.
"Ahh...ehh...kuya" ngisi nya habang umaaray sa sakit. Umayo sya ng upon habang hawak-hawak ang braso nya
"Natamaan lang yan ng bubog kanina" sagot nya
"sorry.... hindi ko nakumbinsi sina papa kanina"
"sus, okay lang kuya... alam ko namang tutol naman talaga sila"
"wag ka mag alala kasi ako, suportado kita kahit anong mangyari"
"salamat talaga kuya"
"oh kelan ba simula ng training nyo?"
"well mag go grouping pa lang naman kuya, ni wala pa ngang gustong kumuha sakin bilang member nila eh"
"bakit gusto mo ba na hanggang member kana lang?"
"ano ibig mong sabihin?"
"I think and I believe you're not born just to be band member... alam mo kung ano tingin ko sa'yo? The Best Leader"
"luhh si kuya nasobrahan sa pagka oa"
"hindi yun oa ano kaba, ang hirap mo naman ipagtanggol palagi kang negapak"
"eh hindi naman talaga ako magaling eh... ikaw lang naman talaga naniniwalang magaling ako"
"kasi nga may tiwala ako sa'yo at alam kong kaya mo. . . ngayon, I need you to heal your wound para naman hindi kana mahirapan if magsimula na training nyo"
Inayos kona ang kumot ni George at inalalayan syang humiga
" aba kuya, hindi ako pilay para alalayan mopa ng ganyan. . . kaya kona promise" pagmamatigas pa nya
"che, matulog ka na lang" huling sabi ko sakanya bago ako lumabas at pumunta na rin sa sarili kong kwarto
KINABUKASAN
GD POV
As usual, dumarating ako sa school na may laging nakaabang. Okay sana kung away eh kaso hindi, palaging si Christoper Choi. Walang araw na hindi nya ako inaalalayan papunta sa room ko, kung anu-anong pakulo ang ginagawa para lang maipakita angpagmamahal nya. Napakaswerte ko naman at ako pa nakabingwit sa kumag na to.
76th Foundation day ng Yllbanio Gord University, and as usual of course maraming booth at mga palarong may iba't-ibang pakana sa buhay. Sa mga booth syempre di naman mawawala ang marriage booth, jail booth, horror booth, photo booth, confession booth at iba pa. Lahat ng course may entry like sa YGUENG (College of Engineering), they conducted a building bridge competition for all engineering students. In YGUS (College of Science), of course mga experiments and magic show. Sa YGUBEM (College of Business, Economics and Management), samu't-saring mga paninda at kung anu-anong mga pagkain din ang ibinibenta at meron ding mga souvenir sa foundation day. Poster, slogan, poem, essay making contest naman entry ng YGUCAL (College of Arts & Letters). Nag-ala sinehan din ang walong nakahilerang room sa third floor sa SineMall project ng YGUCE (College of Education) with the help of BPeA. . . at committee ko ang naka assign sa flow ng movies aside sa isa ako sa mga character na makikita nila sa big screen. Nakakahiya kaya yun! baka ma pangitan sila sa acting ko tapos pag nakita nila ako sa hallway or kung saan pang lupalop ng campus baka pagtawanan at pagchismisan nila ako omji aaaahhhh-
"hey chill. . . don't pressure yourself. alam kong pinaghirapan mo rin yan kay I'm sure it's beautiful. Kalmahan mo lang and I'm here for you" sabi ni Tobi nung nag book sya ng dalawang seats sa isang room
"Coffee Prince, are you sure? ayaw mo ba manood ng ibang film bal ha? ang oa mo" ewan ko kung anu-ano na rin pumasok sa kokote ko as in sobrang oa ko kasi dun sa film na yun eh
"It's fine bal. . . as long as it's you, I will always love it even when you're oa" pagpapakalma nya sa'kin
Sabay na kaming umupo sa bandang gilid ng room. Sinadya ko talagang dun umupo para makaiwas sa tingin ng mga tao. Gusto ko na ngang magpalamon agad sa lupa non kasi first time kaming manunuod ng film ko, and I don't know pa kung magugustuhan nya rin. Kahit pasmado at mainit na ang kamay kong tinago kona sa hoodie ko dahil sa kaba, dinukot nya sa bulsa at hinawakan nya pa rin ang kamay ko at ngumiti sya sa'kin. Nginitian ko na lang sya at sabay na naming sinimulan ang film.
*AT ONE SCENE*
—"I couldn't help but love you, and I want to stop it before they found out menn"— Eun Chan
*He shriek like a girl when Han Gyeol made Eun Chan faced him*
—"I don't care if you're a man or what kind, as long as I'm loving you too... and nothing's gonna stop us now"—Han Gyeol
*Han Gyeol suddenly pulled Eun Chan's collar and slowly kissed him*
"The heck" iyon na lamang ang naging bulong ko sa sarili ko. Halos balutin kona sa kamay ko ang buong pagkatao ko sa scene na iyon, sabay pa ng makita ko si Tobi na tulo laway na sa upuan nya habang nanonood ng bukas ang bibig dahil sa scene na yon. Nanlambot ako at bumaba sa chair at umupo na lang talaga ako sa sahig sa kahihiyan nun.
"hey fix yourself" ani nya naman habang tinatawanan ako
Naka yuko ako hanggang sa matapos ang movie at hinintay kong makalabas lahat ng tao sa room na yon bago kami lumabas. Nakahinga na lang ako nang nakaalis na kami sa SineMall at inexplore pa ang ibang booth sa campus. Halos maging someone else ako sa hiya kay Tobi, hindi ko alam kung galit ba sya or tumatawa or what dahil sa scene na yun. Na gi-guilty tuloy ako sa mga pinag gagagawa ko, wala naman akong magagawa kung ganon reaction nya kasi kagagawan ko naman talaga so yun. . . manunuyo ako for today's video. Huminto ako sa paglalakad at hinawakan ang kamay nya
"Christopher Choi galit ka ba? sorry na" malambing kong tanong sakanya
"no" yan lamang ang matipid na sagot nya.
"sus, hindi daw pero yung mukha parang bagong putok na mount fuji" pagbibiro ko sakanya
"do I look like kidding? huh? George Danielle Kwon? Seeing you in that—" sagot nya sabay kamot sa ulo. Oo nga, galit nga sya
"Sorry na nga, wag kana magalit eh para sa grades ko lang naman yun" paliwanag ko na halos gusto ng tumulo ng luha ko
"You know what huh. . ." at tuluyan na nga akong binalot ng hiya sa sumunod nyang sinabi
"I want to stop it before they found out menn" at ginaya pa nga kung pano ako tumili dun sa part na yun
"sige tawanan mopa, sakal abutin mo sa'kin" ani ko na medyo naiinis na rin
"I was just kidding, and I'm not mad HAHAHA you're so cute kaya" at inumpisahan nya na rin ang panunuyo
"hmp! bahala ka jan" ani ko sabay walk out
"Sorry na bal. I was just kidding" Aniya habang tumatawa
Naglakad kami ng naglakad hanggang sa mapunta kami sa isang sulok at tila may competition na nagaganap. Hinila ako ni Tobi hanggang sa makalapit kami. Ahhh, YGUSSP... rap battle pero about sa contemporary issues ang topic.
"mukhang nakanap na ng katapat ang kampeon ng IGOSP (pronunciation of YGUSSP)"
Sabi ng host sabay turo sa'kin
"luhh ba't ako?h-hindi ho ako kasali" tanggi ko pero tinutulak naman ako ni Tobi papalapit
"go bal kaya mo yan, when something gets off tell me ha. loveyou" bulong ni Tobi
Pinaakyat ako sa taas at nagsimula na ang patimpalak
"sa aking kanan, all the way from Igobem (pronunciation of YGUBEM). . . mag-ingay para Hanz Danielle Jung a.k.a Donny"
"sa kaliwa ko naman all the way from Igobepya (pronunciation for YGUBPeA). . .mag-ingay para kay George Danielle Kwon a.k.a GD"
"Unang banat, dalawang minuto para kay donny, battle"
Shit, eto na nga ba sinasabi ko mamamatay ako neto sa kahihiyan talaga
"Danielle? kapangalan pala kita. Pero sa pagkakaalam ko walang danielle na takot mukhang liyong katulad mo dahil alam ko sa kaloob looban mo'y isa ka lang kuting na gusto nang magtago sa saya ng nanay mo"
"aba bastos to ah, unang rebat nanay ko agad? di nga bagay yung danielle sa'yo eh mukha mo palang para nang tinabunan ng bato na binuksan pagtapos ng ilang araw, kunyare matapang pero nung napahiya nung intrams nakita kita nagsumbong kapa sa aso nyo. tsaka anong mukhang liyon? mas mukha kapang liyon sa akin tanga, baka dragon? ito ang dragong magpapabahag ng buntot mo kaya kahit pa magsumbong ka sa nanay mong mukhang lukban di yan makakatulong sa pag resolba ng mga problema ng bayan"
"aba mayabang ka ah"
Inambahan nya ako ng isang pang MMA championship na suntok. . .
—TO BE CONTINUED—