CHAPTER 4

1543 Words
GD POV Pagtapos kong malaman na nakapasok ako sa audition, dali-dali akong umuwi ng bahay para sabihin iyon kina mama lalo na kay kuya. Tiyak kong matutuwa siya dahil pera nya naman ang pinanggagastos ko, dapat lang na makapasok ako. Sumakay na'ko ng tricycle at dumiretso pauwi ng bahay. Pagdating ko sa bahay ay si mama lamang ang nadatnan kong nag-aayos ng lamesa namin sa may sala. "Ma? Si kuya?" Tanong ko kay mama pagdating ko sa pinto. Inalis ko ang suot kong sapatos at nagpagpag na ng paa. "Oh masayang masaya ka riyan ah tumatalon talon ka pa pag ikaw nadulas aba'y ewan ko lang... Anong ganap ba?" Tanong ni mama ng may mga ngiti sa labi "Maya ko na sasabihin ma... Pag uwi ni kuya" Masaya kong turan habang nakaupo sa sofa. "Eh si kuya Sol mo nasan na? Mag aalas syete na wala pa" Tanong ni mama "Tawagan ko ma baka na traffic lang" Sagot ko naman sabay kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si kuya. Nag ring ang phone ko at hinintay na sagutin ni kuya ang tawag ko... "kuya? Nasan ka na?" Nakangiti kong sabi habang yakap yakap ang unan sa sofa Dario: Ah George, si Dario to kaibigan ng kuya mo "ahh okay... Nasan ba si kuya Sol? Gusto ko syang makausap eh" Napawi ang ngiti ko ng very slight... Kala ko kasi si kuya na eh Bumalik ang ngiti sa labi ko ng sumunod ay boses na ni kuya ang narinig ko Sol: hello bunso... Ba't napatawag ka? "nasan ka ba kuya? hinahanap ka na ni mama eh" Sol: Ah pauwi na'ko, nag aantay lang kami ng masasakyan ni Dario "ah sige kuya bilisan mo ah may ikukwento kasi ako sa'yo" Nagagalak na sabi ko kay kuya Sol: Eh ba't di mo ikwento ngayon? "ihh ayoko nga! Gusto ko harap harapan Kong sabihin sa'yo para mas exciting.... Bilisan mo na kuya naghihintay ako" Wika ko habang kumukumpay ang mga paa sa sofa "hoy GD baka naman malusot kana sa sofa nyan kakakumpay mong bata ka umayos ka nga" Natatawang sabi ni mama habang naghahanda ng hapunan namin Tumingin ako kay mama ng may galak sa mata at binalik ko ang lingon sa cellphone para kausapin pa si kuya Sol: Oo na heto na po pauwi na... Hintayin moko riyan bading ka Bading? Bading daw o... Humanda ka sa'kin pag uwi mo jujumbagin kita "Umuwi kana! Baka sabunutan pa kita...tang-" Naiinis na wika ko sabay naman ng pag baba ni kuya ng phone dahilan para maputol ang sinasabi ko Tignan mo 'tong taong to Hindi pa nga tapos magsalita bababaan na ng phone "Ano sabi ng kuya mo?" Tanong ni mama habang naglalagay ng mga plato sa lamesa "Pa uwi na raw po si kuya ma... Naghihintay na lang daw ng sasakyan" Sagot ko naman Maya-maya pa'y dumating na si kuya galing sa pinagtatrabahuhan nya. Iba ang mukha ni kuya ngayon, para bang pagod na pagod. Maputla din sya ng konti na ani mo'y nag iiskin care na... sheesh "Ma, mano po" Salubong ni kuya "Oh... Anong oras na? Hindi naman ganitong oras ang uwi mo ah" Tanong ni mama "At tsaka maputla ka kuya... May nangyari ba?" Dagdag kopa "Wala... Pagod lang siguro to" Matipid na sagot ni kuya "Kuya kuya kuya kuya!" Paulit ulit kong sambit sakanya habang hinihila ang ka may papunta sa lamesa "Ano ba kasi yun" Naiinis na tanong nya Umupo na kami nina mama at kuya sa lamesa at nagsandok na ng makakain "Ma... Kuya...." Sambit ko habang hinihintay na tumingin sila sa akin. . . . . . . . . . "Hoy!! Ano na? Kelan mo balak ituloy yan? Gutom na kami oh" Ani kuya Sol sabay pitik ng daliri sa mukha ko Napabuntong hininga naman si mama at nanliit ang mga mata ng mainip sa sasabihin ko "Kung katarantaduhan yan tigilan mo'ko George Danielle Kwon sinasabi ko sa'yo oras ng hapagkainan" "Nakapasok po ako sa audition... " Sabi ko ng mahinahon sabay ng paghihintay ko sa reaksyon nila "Talaga ba? Aba mabuti yan bunso" Nagagalak na sabi ni kuya habang si mama naman ay binibigyan lamang ako ng blangkong tingin. Sabay naming tinignan si mama at hinintay syang magsalita "Tinuloy mo parin ang lintik na audition na yan?" Wika ni papa na galing noon sa inuman. Iyon ang unang beses na umuwi si papa ng lasing. Hindi naman kasi lasinggero si papa. Ang alam ko, umiinom lang sya kapag may okasyon "Pa... Mano po" Ani ko sabay abot ng kamay ni papa. Hinayaan ni papa na mag mano sakanya si kuya ngunit kumawala sya sa hawak ko nang akmang ako naman ang magmamano sakanya. Sinubukan kong alalayan sya dahil paika ika na sya sa paglalakad at tila umiikot narin ang paningin nya ngunit ayaw nya talagang magpahawak sa akin. Si mama at si kuya na lamang ang umalalay sakanya habang ako.... Halos wala nakong gana nang umupo ako sa pwesto ko at iniisip kung ano ang nangyayari "Anong kasalanan ko?" "Bakit sa'kin yata ibinubuntong ni papa ang galit nya?" Iyan ang mga tanong na agad pumasok sa utak ko ng gabing iyon. "Uminom ka nanaman? Ilang beses kona sinabi sa'yo na masama sa kalusugan mo ang alak alam mo yan... Ano bang problema mo at lasing kang umuwi ha? " Nag aalalang turan ni mama "Problema.... Pwe! Nariyan sa harapan mo ang problema! Kaisa isang pinag aaral hindi magawang umayos sa pag eskwela, kung anu-ano pa ang inaatupag" Sabi ni papa habang umiikot ang ulo sa pagkalasing "Eh pa nag-aaral naman po ng mabuti eh... Sa makalawa na nga ho release ng report card namin" Kinakabahan na'ko habang sinasabi ang mga salitang binubuo ng bibig ko. Hindi ko talaga alam bakit nasabi iyon ni papa "Bakit di mo gayahin yang kapatid mo? Dala-dalawang trabaho ang pinapasukan mapag-aral ka lang... Sinakripisyo pa nya pag aaral nya ng dahil sa'yo" Pasigaw na wika ni papa habang si mama naman ay pinapakalma ito Bumuo na ang mga luha sa mga mata ko ng sabihin iyon ni papa. Okay na sana kung yun lang, kaso ang mga sumunod na sinabi ni papa ang tuluyang nagpabagsak ng mga luha ko "Dapat kasi si Sol na lang pinag-aral namin eh..." "Baka ngayon engineer na yan" "Bakit kasi si Sol pa pinaghinto natin sa pag-aaral?" "Nagsasayang lang yata tayo ng pera para sa wala eh" May tumutulo.... Ay luha ko pala. Hindi ko na namalayang tumulo ang luha ko sa mga pisngi ko.... Hindi ko rin namalayan ang mga sunod na nagawa ko dahil sa naramdaman kong sakit. "Pa, wag naman ho kayong ganyan kay GD... Hindi ho ba kayo masaya? Nakapasok po sya sa audition... Eh pag makapasok pa sya, may anak ka nang soon to be popstar" Pagmamalaki ni kuya. Ramdam ko rin ang sakit sa loob ni kuya. Nakikita ko sa maluha-luha nyang mata. Gusto nya akong ipagtanggol... Wala akong magawa kundi ang lumuha? Naramdaman ko na lang ang pagsakit ng dibdib ko sabay ng paghigpit ng kamao ko na para bang gusto kong manakit "GD naman kasi, alam mo ng hirap na ang kuya mo sa pagtatrabaho pinilit mo parin yang gusto mo" Nagsimulang manermon si mama dahil utal utal na si papa "Ma, hindi po si GD... Ako na po nagkusa. Kinumbinsi ko sya na ipagpatuloy yun... Ako ho" Pagtatanggol ni kuya "Isa ka pa! Ba't mo ipinagtatanggol yang kapatid mo?" Galit nang sabi ni mama "Ma... Hindi ko po ipinagtatanggol si bunso, sinasabi ko lang na ako nga ang kumumbinsi sakanya na sumali don kasi nga alam kong pangarap nya yun" Patuloy na pagsagot ni kuya Tinignan ni mama si kuya ngunit sa akin nanaman nabaling ng huli ang titig ni mama "Hoy ikaw GD, Hindi porket sunod sunuran sayo si Sol ay pwede mo na syang abusuhin ha... Matuto ka namang mahiya sa sarili mo" Patuloy parin ang panenermon ni mama "Hindi ko sya inaabuso okay!" Pasigaw kong turan kay mama dahil Hindi ko na napigilan ang sarili ko "Gusto ko lang naman na matupad ang pangarap ko ah masama ba yon?" Umiiyak kong sambit sa harap nina kuya "Aba sasagot ka pa" Sigaw ni papa sabay tapon sa sahig ng boteng dala dala nya Malakas ang impact na nagawa ng boteng tinapon ni papa. Kumalat ang mga bubog ni to sa buong sala. Bigla akong nagising sa katotohanan ng making ko ang pagbagsak ng bote sa sahig "H-hindi po...." Nauutal kong turan "Magpasalamat ka nga at pinag aaral ka pa kahit kapos na tayo sa buhay!" "Anong karapatan mong sagut sagutin kami ha?" "Kami na nagkakanda Luna na makapagtapos ka lang" "H-hi-hindi ko naman si-sinasadya ma" Mangiyak ngiyak ko ng sabi kay mama sabay akyat ko sa kwarto Pagdating ko sa pintuan ay may bigla na lang sumakit sa kaliwang braso ko. Paglingon ko, tumatagas ang dugo mula sa itaas ng siko ko hanggang sa pinky finger ko Shucks natamaan pala ako ng bubog na tinapon ni papa kanina Dali-dali akong nagtungo ng CR para hugasan ang sugat ko. Nakita kong nakabaon ang thumb like na kalaki ng bubog sa braso ko. Kahit masakit, pinilit kong Hindi makagawa ng ingay at tinanggal ang bubog na nakabaon sa braso ko —TO BE CONTINUED—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD