CHAPTER 3

1284 Words
SOL POV "Sol, paki deliver na daw 'to kay Mr. Lee sabi ni boss" Utos ni Dario "Sige pre lagay mo lang riyan at tapusin ko lang 'to" Sagot ko Lumapit sa akin si Dario na mukhang may pag-aalala sa mukha "Pre mainit ka ah.... Nilalagnat kaba?" Nag-aalalang tanong nya "Masakit lang ulo ko pero kaya naman" Sagot ko "Mukhang napapadalas na pagsakit ng ulo mo ah... Nagpa check up ka na ba?" "Hindi pre, binigay ko kay GD yung pera ko pang audition daw eh" "Dapat iniintindi mo rin yang sarili mo pre, pag lumala yan ikaw din mahihirapan" "Okay lang ako pre gagaling din 'to promise" I endure the pain I feel, para lang Hindi sila mag-alala sa'kin. Baka kasi kapag pinansin ko lalo lang lumala ang sitwasyon. I didn't go to the hospital either... Ayokong malaman na may kumplikasyon ako baka mataranta pa'ko. Inisip ko na lang na it's just temporary and gagaling din ako. I don't want anybody to worried just because of this little headache. ONE WEEK LATER GD POV I went on my locker to pick up books and saw a cute letter. Na intriga ako kaya binuksan ko I felt butterflies in my stomach the moment I read his letter... “Hi bal, Happy First Anniversary! sorry I can't give you a lot of gifts in front of the public like you wanted to. Hindi ako sanay sa mga love letter gaya nito pero naalala kong hindi ka nga pala mahilig sa mga mamahaling bagay. I wrote this letter para kahit papano hindi mona ako awayin everytime diba... Ang sakit na kaya ng mga kurot mo. Baka sa next anniv natin nasa korte na tayo nyan. Pero para sa'yo titiisin ko lahat ng kurot, suntok at sampal mo sa'kin... Ang mahalaga hindi ka nawawala sa tabi ko. Sorry if medyo nagiging corny at oa ako sa letter na'to. Wag mo ng I judge alam kong ginawa mo rin to dati. Good luck din pala... Sana makapasok ka sa auditions and manalo ka. I know marami kang pinagdadaanan ngayon and I hope this letter help to cheer you up. Don't worry nandito lang ako para suportahan ka sa hirap at ginhawa. Iharap man ako kay kamatayan I do parin isasagot ko. I love you Bal, ingat ka palagi” Love, Christopher Choi . HAHAHAHAHHAHA napaka OA! Kung paingatin naman ako daig pa nakapag abroad eh magkabilang blocks lang naman ang layo namin. Oo corny sya pakinggan pero ramdam na ramdam ko yung pagmamahal ni tobi sa'kin. Bagay hindi ko kailanman naramdaman sa ibang tao. */notif pops Tinignan ko ang phone ko at laking tuwa ko nang matanggap ang email ng agency na pinag-auditionan ko... Tanggap ako sa second round. Dali-dali akong umuwi ng bahay para sabihin kina kuya Sol ang tungkol dito DARIO POV Pagkatapos ko sa trabaho, niligpit ko na ang mga gamit ko at naghanda na papauwi. Pagdating ko sa elevator nakita ko na pumasok din si Sol kaya nagmadali na'ko para mahabol pa sya pero bago ako maka rating sa pintuan, nakarinig ako ng kalabog galing sa elevator at laking gulat ko ng makita kong bumagsak si Sol kaya nabitawan ko ang mga gamit ko at dali-dali kong inalalayan si Sol. Dinala ko si Sol sa pinakamalapit na clinic at sinamahan sya hanggang sa magising. "Doc kamusta naman po si Sol? Okay naman po ba sya?" Nag aalalang tanong ko "Okay naman sya. I've already checked his blood pressure pero normal naman. Maybe it's because of overworking himself... Hindi nya na namamalayan ang sarili nya. It's better for him to rest for a while to relax his mind and para mabawasan narin ang stress na dinadala nya" Paliwanag ng doktor "Sige doc salamat po" Sabi ko sabay upo katabi night Sol Hindi nagtagal, nagising si Sol. Tumayo sya agad pero malamang pinigilan ko. "Sol, pre... Wag mo naman madaliin ang buhay mo huminahon ka muna.... Sit ka muna jan pre sit" "Oa mo naman pre ginawa mo naman akong aso nyan.... Kutusan kita gusto mo" Naiinis nyang tugon "Hehe pinapatawa lang kita" Pag paumanhin ko "Ba't ba'ko nandito? Eh diba pauwi na'ko ng bahay? Ba't mo naman ako dinala dito?" Pagtataka nya "Siguro pre nahilo ka tapos natumba ka kaya kita dinala dito... Di ko sure ah pero parang ganon yata yung nangyari" Nagkamot na lang ng ulo si Sol sa g**o ng sinabi ko... Wala eh naghanap sya ng kaibigan na maluwag ang turnilyo kaya magtiis sya "Pre... Hindi yata dapat ako ang nandito, ikaw may kailangan sa doktor" "Sabi nga pala ng doktor magpahinga ka na lang daw muna kasi baka dahil sa stress yan pagka hilo hilo mo. Yaan mo ako na gagawa ng temporary leave mo nang makapagpahinga ka muna" Paliwanag ko "Hay nako Dario para saan pa 'yang leave leave na yan di ko kailangan yan pre. Ako lang inaasahan ng pamilya ko kaya kailangan ko magtrabaho dahil kung Hindi nganga ang mahahangganan namin" Pagtutol ni Sol "Jusko naman pre pano ka makakapagpahinga nyan kung puro pamilya mo inaatupag mo? Ano, Hindi mo sasabihin yang kalagayan mo? Pano kung nangyari ulit sa'yo to? Ano naman gagawin mo ha?" "Napaka OA mo talaga.... Syempre sa'kin na lang tong problema ko no. Ayoko naman na pati sina mama mag-alala pa sa'kin. At tsaka pre hilo lang to, baka dahil sa panahon lang tong nararamdaman ko wala to. Malayo sa bituka pre wag kang ano riyan" Pagmamatigas nya "Sol naman ih-" "Wag mo na akong intindihin pre... Kaya ko to promise. Nilalaro lang ako ng panahon....." Ang tigas talaga ng bungo netong lalaking to, ang hirap pakisamahan. Wala akong nagawa kung Hindi ang pakinggan sya kasi buhay nya naman iyon. Biglang nag ring ang phone ni Sol at nalaman kong si GD iyon. Dinampot ko ang phone nya at ako ang sumagot kay GD */ON THE PHONE GD: kuya? Nasan ka na? "Ah George, si Dario to kaibigan ng kuya mo" Sagot ko GD: ahh okay... Nasan ba si kuya Sol? Gusto ko syang makausap eh "Psst Da... Sino yan?" Tanong ni Sol nang marining nya "Kapatid mo pre anong sasabihin ko?" Aligagang sagot ko "Akin na... Ako sasagot" Sabi nya sabay hingi ng phone SOL POV Kahit kailan talaga pakialamero tong si Dario.....Kinuha ko ang phone ko kay Dario at ako na ang kumausap kay GD. "Hello bunso... Ba't napatawag ka?" Tanong ko GD: nasan ka ba kuya? hinahanap ka na ni mama eh "Ah pauwi na'ko, nag aantay lang kami ng masasakyan ni Dario" Pagsisinungaling ko GD: ah sige kuya bilisan mo ah may ikukwento kasi ako sa'yo "Eh ba't di mo ikwento ngayon?" tanong ko GD: ihh ayoko nga! Gusto ko harap harapan Kong sabihin sa'yo para mas exciting.... Bilisan mo na kuya naghihintay ako "Oo na heto na po pauwi na... Hintayin moko riyan bading ka" Natatawa Kong sagot sakanya Binabaan ko na ng telepono si GD at malambot parin ang tingin sa'kin ni Dario na may halo paring pag-aalala "Oh ayan, may dahilan na'ko para umuwi. Ikaw pre umuwi ka na rin" Tugon ko "Sigurado ka pre kaya mo? Mag iingat ka ha" Wika ni Dario "Oo ako na bahala sa sarili ko kapatid ko naman si Batman eh" Pagbibiro ko sakanya Naghintay na'ko ng masasakyang bus sa harap ng clinic at umuwi. May pag-aalala naman ako sa sarili kong kalagayan pero ayoko naman kasing ipakita kina mama na nanghihina ako. Inisip ko na lang na ngayon lang to, gagaling din ako. Para sa pamilya ko, hindi ako titigil sa pagtatrabaho hanggang sa matupad na ni GD ang mga pangarap nya, at nang mabigyan ko na rin si la ng magandang buhay —TO BE CONTINUED—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD