CHAPTER 2

1226 Words
"Ang mahalaga maranasan mong tuparin ang pangarap mo. At tsaka ano yung sinabi mo kaninang para ma ipakita mo yung tunay na ikaw eh kilalang kilalang na kita" Sabi ni kuya Napatigil ako bigla at tumingin sakanya "H-huh?" Halos Hindi ako makagalaw, kinabahan talaga ako sa sinabi ni kuya Sol. Alam nya kaya?... Maya maya ay tumayo sya at tinapik ako sa balikat sabay sabing... "Sige tulog na bading" Nanlaki ang mata ko... Bading? Hindi kaya binibiro lang ako ni kuya. Binato ko na lang sya ng unan dahil sa inis ko. Humiga na lang ako sa kama ko at na tulog na. KINABUKASAN Nagising ako dahil naramdaman Kong may kumakapa sa bulsa ko. Naalimpungatan ako ng makita si kuya na kinakapa ang bulsa ko habang naka ngisi "Kuya naman magkapatid tayo!" Sigaw ko sabay kusot ng mata ko Bigla akong binatukan ni kuya habang tumatawa "Gago ka ba? Wala akong masamang ginagawa sa'yo. Hindi kita pinagnanasaan tanga" Natatawang tugon ni kuya at sabay na tumayo "Ano ba kasing ginagawa mo, anong kinakapa mo sa bulsa ko. Sa mukha mo kanina para kang m******s tol" Naiinis na tanong ko "Anong m******s? Ako m******s? Gusto mo suntukin kita?" Depensa ni kuya "Eto... Dagdag mo sa binigay ko kagabi" Sabi nya sabay abot ng pera "Kuya, sobra na to. Tabi mo na lang to para kina mama" Pagtanggi ko "Hindi, sa'yo talaga yan. Pang audition mo... Galingan mo dun ah. At nga pala, wag mo ng sabihin kay mama na binigyan kita... magagalit yun baka bawiin pa sa'yo yung pera" Sabi nya Kinuha ni Sol ang bag nya at nagsimulang umalis. Sinundan ko si kuya pababa ng hagdan at naririnig kona ang mala alarm clock ni mama na boses Dahan dahan akong bumababa para mapakinggan ng mabuti ang mga sinasabi ni mama kay kuya "Oh anak ingat ka trabaho ah wag ka magpapakapagod dun nako iba kapa naman kapag nagkakasakit" Pag aalalang tugon ni mama "Ma, di na'ko bata at tsaka kaya kona sarili ko. Si GD..." sagot ni kuya "Hay na'ko, yung kapatid mo ng yun... Kaya nya na sarili nya, malaki na yun" Ani mama Natigilan ako sa paghakbang dahil sa mga sinabi ni mama. Nagawa ko na lang na umupo sa hagdan at makinig sa usapan nila. "Ma... Wag naman kayong ganyan kay bunso, kahit may sapak ang ulo nun mahal na mahal ko yun" Paliwanag ni kuya "Alam kong mahal mo ang kapatid mo... Pero Hindi parin maalis sa isip ko ang kalagayan mo. Nagtatrabaho ka habang nag aaral, binubuhay mo kami mag-isa, pinag-aaral mo kapatid mo... Baka sa sobrang pagmamahal mo sa'min ay buhay mo naman ang mapabayaan mo ha" Pag-aalala ni mama "Ma, kaya kona po ang sarili ko. Ginagawa ko po ito para sainyo, para kay GD. Ma gusto kong tuparin nya yung pangarap nya na maging isang rapper" Ani kuya "Eto nanaman tayo eh... Kaya lumalaki ang ulo nyang kapatid mo eh kinukunsinti mo naman" "Ma, Hindi ko kinukunsinti si George okay... Ayoko naman na tuparin nya yung pangarap na never nya naman ginusto diba. Isa syang magaling na rapper, balang araw makakatulong na rin sya sa pamilya natin ma. Hindi mo naman kailangan I pressure si bunso na matulungan tayo agad diba" Ilang minuto pa ang lumipas ng pag-uusap nina mama at kuya Sol. Maraming bagay ang agad na tumakbo sa isip ko nun. Pabigat na kaya ako kay kuya? Ba't Hindi man lang ako magawang suportahan ni mama? Ba't... "Oh anak anong ginagawa mo riyan?" Tanong ni papa na galing noon sa kusina Nagbalik ang turan ko sa katotohanan ng kausapin ko ni papa. Bigla akong tumayo at bumaba na ng hagdan na parang walang nangyari "Wala po pa" Sabi ko "Sige ma alis na din ako" Paalam ni kuya SA SCHOOL Dumating ako ng school dala ang bag at gitara ko. Pumunta ako sa locker ko para kunin ang mga libro ko ng may biglang nag takip ng mga mata ko... "How's my prince?" Tanong nya habang pansin sa mga mga mata nya ang galak "Arghh Tobi naman ihh" Naiinis kong tugon "HAHAHA cute mo talaga pag naiinis. Btw, akin na bag mo" Pag alok nya "Wag na kaya kona to mauna ka na sa room susunod ako promise" Sabi ko "No.... I'll wait for you na lang" Sagot nya "Anong no? Sapakin kita riyan eh. Mauna ka na dun, baka mamaya may makakita pa sa atin yari ako neto" Naiinis kong turan "No... I'm not leaving here until you let me take your bag and escort you to the room. Baka ako na to" Pagpupumilit nya " 'Baka ako na to' sige na nga po na ikaw na yan... Oh eto bitbitin mo tutal dyan ka naman magaling" Sabi ko sabay bigay sakanya ng bag ko Sabay kaming pumunta ng room. Natatawa na lang ako habang tinitignan siyang naglalakad. Grabe naman ang atake! Nagpapaka green flag ata tong taong ito. Siya nga pala si Christopher Choi, isa syang rapper. Pogi, matangkad, singkit na may mataray na kilay at higit sa lahat sweet. Para sa akin, ewan ko lang sa iba. Boyfriend ko sya... at oo is a akong bading. Sa 2 years nyang panliligaw sa'kin, marami na'kong na realize tungkol sa sarili ko. In a low key relationship lang kami pero masaya naman. Natatakot lang kasi ako na baka pag nalaman ng iba, kung anu-ano nanamang mga masasakit na salita ang ibato sa'kin ng ibang tao... Pero sya, Hindi nya ako ikinakahiya on public. Gusto nyang laging magkahawak ang mga kamay namin tuning lumalabas kami kaya medyo nasasanay narin ako. Audition day na at nasa pilahan na'ko ng mga kalahok. Kinakabahan ako ng mga oras na iyon dahil baka masayang ang perang binigay ni kuya sa akin makapag audition lang. Nung ako na ang sasalang, napanghinaan ako ng loob at nahilo ako ng konti dahil sa sobrang kaba ngunit Hindi ko ito ipinakita sa mga judges dahil ginusto ko to. Nakita ko si Tobi sa gilid na may hawak na Hindi kalakihang fan sign para I cheer ako. Ng makita ko iyon, lumakas ang loob ko at nagsimula na akong magpakilala "Hi, good day. My name is George Danielle Kwon, 18" Pakilala ko Natapos ang audition laking saya ko ng malamang nakapasok ako sa next round at sinabi ng judges na maghintay na lang daw ako sa tawag nila. Pinuntahan ko si Tobi na panay parin ang cheer sa gilid kahit pawis na. "Tobi naman nakakahiya ka" Sabi ko "Anong nakakahiya dun eh gusto kitang I cheer pake ba nila" Depensa nya sabay wagayway ng fan sign na ginawa nya "At nag effort kapa riyan ah" Natatawa Kong turan "Aba syempre naman" Ngumiti sya sa akin sabay lapit sa may tainga ko at sabing "mahal na mahal kita eh" Agad naman akong nag blush nung sinabi nya yon kaya agad kong tinapik tapik ang pisngi ko. Napansin kong parang balisa sya at panay tingin kung meron bang taong nakatingin banda sa'min. "May problema ba? Ano tinitingin tingin mo jan?" Sabi ko ng may kyuryosidad Tumingin ulit sya kaliwa't kanan sabay halik sa pisngi ko malapit sa labi. Agad syang tumingin papalayo na parang walang nangyari habang ako ay naninigas pa sa gulat "Yaan mo na minsan lang to mangyari" Naka ngisi nyang sabi ng may pang aasar sa mata —TO BE CONTINUED—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD