CHAPTER 9

843 Words
Chapter 9 "HE'S MY BOSS" Airah POV: Hindi ako pinatay. Pero ang kapalit ng pagiging buhay ko, sobrang hirap. Kailangan kong maging katulong ni Jutay at hindi lang 'yon, kailangan ko ring makuha ang loob nito at mabaling sa akin ang pagtingin niya. Hindi ko alam kung magagawa ko ito. Dahil sa pagkakaalam ko, masyado siyang inlove kay Sarah. At ilang araw na lang babalik na ito sa buhay ng binata. Lutang akong bumalik sa kwarto at minasdan ang mukha ng lalaking lolokohin ko. Sabi ng mom nito, 'wag ko raw sabihin sa iba ang plano naming dalawa tungkol sa pagpapa-ibig na gagawin ko. Ang unfair diba? Gustuhin ko mang umamin kay Jutay, hindi ko magawa dahil ako naman ang malalagot sa mom nito. "Oh? Buhay ka pa?" gulat na tanong nito nang magising siya. "Ay hindi. Kaluluwa ko lang to at nagpaparamdam na ako sayo." pilosopang saad ko sa kanya. Bahagya syang ngumiti dahil sa tinugon ko. "Kung ganon, may third eye na pala ako.", parang batang wika ng lalaki. "Tsk. Bobo." sambit ko na lamang at tumabi sa kanya. Naging seryoso na ulit ang mukha ni Jutay. "Ano bang pinag-usapan niyo ni mom? Ba't hindi ka nya pinatay? May ginawa ba sya sayo?", sunod-sunod nitong tanong habang chinicheck niya ang aking braso kung may mga pasa ba. "Ano ba. Wag kang OA. Nag-usap lang kami.", "Tungkol saan?", "Wag ako ang tanungin mo. Siya na lang.", sagot ko na lamang. Mas mabuting sa bibig ng mom nya manggaling ang sagot na maging katulong ako. Ayoko naman sumobra ang sagot ko at baka masabi ko ng wala sa oras ang tungkol sa pagpapa-ibig na gagawin ko sa kanya. Tumayo naman ito at ganon na lamang ang gulat ko nang hawakan niya ang aking kamay. "Hindi ka niya pinatay, so ibig sabihin non, malaya ka na. Halika na, at ilalabas na kita rito.", wika nito sa akin. Dahan-dahan ko namang inalis ang kamay ko sa kamay niya. "Hindi ako aalis Jutay. Dahil may misyon pa akong tatapusin sa mansion na 'to.", pilit na ngiting sabi ko. Bakas sa mukha niya na medyo naguguluhan siya sa sinabi ko. Kaya tumayo na rin ako at ako na mismo ang umaya sa kanya na lumabas para mag-almusal. Nadatnan namin sa may hapag-kainan ang mom at ate nito na masayang nagkekwentuhan. "Oh Son, Airah, goodmorning. Come here, at kumain na tayo ng sabay-sabay.", ayang sambit ng mom nito. "What do you want?", 'Yan agad ang tanong ni Jutay nang makalapit kami sa kanila. "Ano bang tanong 'yan Son. Kay aga-aga at naiinis ka na naman.", "Tsk. Kilala kita mom. Kaya kung may sasabihin ka, sabihin mo na.", "Brother, ano ba! Tumigil ka nga sa ugali mong 'yan! Galangin mo naman si mom!", saway naman ni Ate Leny rito. "It's okay Leny. Nasasanay na rin ako sa kapatid mo. So ayos lang. Ang totoo nyan, may sasabihin naman talaga ako sainyo. Hindi na matutuloy ang kasal ng dalawa dahil nalaman kong hindi talaga buntis si Airah." wika nito. "What?!", gulat na tanong ni Ate Leny sabay tingin sa akin. "Ano bang pinagsasabi mo mom?", muling tanong nito. "Niloko tayo ni Airah, pinaniwala niya tayo na buntis siya. Pero Leny, napag-usapan na namin 'yon na dalawa. At bilang kaparusahan, magiging katulong siya ng kapatid mo.", paliwanag ng mom ni Jutay. "Ano ba yan! Excited pa naman akong magkaroon ng pamangkin! Hindi naman pala totoo!" galit na saad ni ate Leny sabay tingin sa akin bago umalis. Napayuko na lamang ako dahil alam kong kasalanan ko. "Wag mo ng alalahanin si Leny, Airah. Lilipas rin ang galit no'n sayo. Pero sa ngayon, just do your job." wika nito sa akin. "Hindi ko kailangan ng katulong mom. Are you out of your mind? Malaki na ako. At kaya ko na ang sarili ko. Hayaan na lang natin si Airah na mabuhay ng malaya." , inis na sabi ni Jutay rito kasabay no'n, hinilaniya na ako palabas. "Aray ko naman jutay! Ano ba! Dahan-dahan naman.", hingal na sigaw ko sa kanya. Ang bilis niya kasing tumakbo at sa puntong ito, nasa labas na nga kami ng mansion. Hindi man lang ito nagsalita sa halip, pumara s'ya ng Jeep. "Here." abot nito sa akin ng isang libo. "Sumakay ka na. At umuwi ka na sa inyo.", patuloy na saad niya. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot sa sinabi ng binata. "Bilisan mo na. Umalis ka na, baka maabutan ka pa ni mom.", wika nito at s'ya na mismo ang kumuha ng kamay ko para kunin ang pera sa kanya. Wala na nga akong nasabi pa at sinunod ko na lamang ang gusto ni Jutay. Sumakay na ako ng jeep. At habang paalis na ang jeep, abot tingin ko na lamang ang lalaki. Siguro nga't ito na ang huling pagkikita naming dalawa. Pero ba't ganon? Ba't parang nalulungkot ako? Ba't parang may umuudyok sa damdamin ko na 'wag akong umalis? Ba't parang gusto ng puso ko na doon na lang ako sa mansion at manatiling kasama si Jutay? Hays. Ano bang nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD