Chapter 10 "HE'S MY BOSS" Airah POV: Nang makauwi ako sa totoo kong bahay, wala akong ganang humiga sa aking maliit na kama.Namiss ko agad 'yong malambot at malaking kama nila . Buong araw, laman ng isip ko si Jutay. Kumusta na kaya siya? Siguro nag-away na naman sila ng mama niya. O 'di kaya nagkasigawan lang? Lutang ang aking isip sa mga oras na 'to. Maging pagluluto ko ng itlog, natutong pa. "Ano bang nangyayari sayo Airah? Focus ka nga." kausap ko sa aking sarili habang sinasampal-sampal ko ang magkabilang pisngi. Kahit tutong ang luto ko, kinain ko pa rin iyon.Wala eh, wala akong budget. Tipid-tipid muna ako. Napatigil naman ako sa pagkain nang marinig ko ang katok mula sa pinto ng bahay ko. Binuksan ko ito at bumungad sa akin ang mga kaibigan kong baliw. "Oh my gosh! Bum

