"CHAPTER 11" HE'S MY BOSS JUTAY POV: Tanaw na tanaw ko ngayon ang maraming guards na nakabantay at nakapalibot sa bawat sulok ng mansion namin. Mas nadagdagan yata ang bilang ng guards dito dahil ako na mismo ang binabantayan nila para hindi makalabas. Ito ang naging kaparusahan ko nang tulungan ko si Airah na makaalis sa kamay ni mom. Kaya halos dalawang araw na akong nanatiling nasa loob ng mansion at hindi man lang nakakatapak sa labas. Simula kasi nang tulungan ko ang dalaga, mas lalong naging strikta si mom pagdating sa akin. Kinuha niya lahat ng credit cards ko at maging ang kotse na binigay niya sa akin. Tumunog naman bigla ang aking cellphone, kung saan nakita ko mismo sa screen na si Sarah ang tumatawag. Agad ko itong sinagot at tila ba nawala ang lungkot sa aking mukha

