Chapter 56: Handa na pero huli na–01

1452 Words

Chapter 56–01 Malia Shanaya Torres TAHIMIK ang paligid. Tanging hampas ng alon at maliwanag na buwan ang kasama ko. Hiningi ko kay Sab at kay Nurse Joy na hayaan muna akong mag-isa kahit ngayong gabi lang. Hindi na nila ako tinanong kung bakit—siguro alam na nila. Kasi minsan, kapag sobrang sakit na, wala ka nang gustong marinig. Gusto mo lang maramdaman 'yung sakit hanggang sa maubos ka. Hindi ko alam kung bakit ganito ang mga tao. Bakit kapag wasak ka na, gusto mong mapag-isa? Siguro kasi ayaw mong may makakita kung paano ka gumuho. Ayaw mong marinig ng iba kung gaano ka kabasag 'pag wala ka nang pwedeng ipaglaban. Nakatayo ako sa dalampasigan, sa harap ng maliit na apoy. Ang hangin malamig, pero 'yung mga luha ko mainit. Ang bawat patak, parang sinisilaban 'yung balat ko. Sa kamay k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD