Chapter 56–02 THIRD PERSON POV TUMAKBO si Malia papalayo, habol-habol ang hininga, habang ang boses ni Roldan ay umaalingawngaw sa likod niya, nakakayanig, parang halakhak ng isang demonyo. "Akala mo seseryosohin ka ng doktor na 'yon?!" sigaw nito. "He'll never fight for you, Malia! Duwag siya! Mas mahalaga sa kanya ang pangalan niya kaysa sa'yo!" Parang napana ang puso niya sa mga salitang iyon, pero hindi siya lumingon. Hindi na niya kailangang marinig pa. Hindi na mahalaga kung tama o mali si Roldan, alam niyang may katotohanan sa mga salita nito. Sino ba siya para piliin ni McKenzie? Sino ba siya para ipaglaban? Patuloy siyang tumatakbo, hanggang sa bigla siyang matapilok. Bumagsak siya sa buhangin, nasamid sa sariling paghinga. Bago pa siya makabangon, isang kamay ang marahas na

