Chapter 57 THIRD PERSON POV BINUKSAN ni Joy ang bintana, at agad pumasok ang malambot na sikat ng araw sa silid. Dahan-dahan niyang hinawi ang kurtina, para kahit papaano ay magkaroon ng liwanag ang madilim na kwarto. Ramdam niya ang lamig ng hangin na pumasok, pero mas malamig pa rin ang pakiramdam niya habang nakatingin kay Malia—nakahiga pa rin, mapayapa, at walang malay. Sa gilid ng kama, magkatabing nakaupo sina Atlas at Adler. Mahigpit nilang hawak ang kamay ng kanilang ate, para bang baka tuluyang mawala ito kapag binitiwan nila. Isa na namang araw ng paghihintay. Isang araw na puno ng tahimik na pagdarasal. It's been one month. One month of uncertainty. One month of hoping. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin nagigising si Malia. Ayon sa Doctor na sumuri kay Malia, "It's not a

