Chapter 58 Malia Shanaya Torres PARANG may nakapatong na malaking bato sa dibdib ko habang unti–unting sumisiksik sa tenga ko ang samu't saring tinig. "Malia..." "Gumising ka na, ate..." "Please, wake up..." Mga boses nina Adler. Atlas. Si Joy. Lahat sila naririnig ko. Paulit-ulit. Minsan pabulong, minsan parang sigaw. At may isa pang boses—lalaki—malalim, may halong pag-aalala. Pero hindi ko maaninag kung kanino. I tried to move my fingers, pero parang may mabigat na humihila sa buong katawan ko. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero ayaw nilang sumunod. Para akong nakakulong sa loob ng sarili kong ulo. Then came the pain. Isang iglap lang, parang pinunit ang dibdib ko. Mga alaala ang pumasok—mabilis, magulo, at masakit. Si Mckenzie, ang lalaking pinili kong mahalin pero siya ri

