Chapter 01: Ang Simula

1798 Words
Chapter 01 Malia Shanaya Torres HALOS magkadapa–dapa ako sa pagmamadali habang tinatakbo ang daan pauwi. Parang binibiyak ang dibdib ko sa bigat ng balitang dala ng katulong kanina sa akin sa botikang pinagtatrabahuan ko. Si Jhona, ibinibenta raw ni Tiya Imee sa mag-asawang Amerikano. Hindi ko alam kung paano ko nagawang huminga mula nang marinig ko 'yon. Ang tanging nasa isip ko lang, kailangan kong makarating bago mahuli ang lahat. Oo, mababait ang mag-asawang foreigner na iyon. Mga misyonaryo din sila. Ilang beses na rin nilang sinabi na gusto nilang ampunin si Jhona. Pero hindi. Hindi ko puwedeng ibigay ang kapatid ko. Nangako ako sa puntod nina Mama at Papa na aalagaan ko ang tatlo kong kapatid, kahit anong mangyari. Kinse anyos lang ako noon nang mamatay sila sa aksidente. Noon, lahat ng gusto namin ni Jhona at ng dalawa pa naming kapatid na lalaki, kayang ibigay ng mga magulang namin. May lending business kami, may paupahan, may komportableng buhay. Matatalino kaming dalawa ni Jhona, lagi kaming nasa honor list kaya proud na proud ang mga magulang namin sa amin. Pero lahat 'yon, nawala—naglaho parang bula—nang sumawsaw sa buhay namin si Tiya Imee at ang asawa niyang si Roldan na batugan. Mula noon, alipin na kami sa bahay na dapat ay amin. Pinaglilingkuran namin hindi lang sila kundi pati mga anak niyang mga batugan din. Lahat ng tira-tira sa hapag, sa amin isinusubo. At bawat kagat namin, lagi kong naririnig ang paulit-ulit nilang panunumbat: "Mga palamunin. Mga walang silbi." At si Roldan, Diyos ko, si Roldan na manyak. Lagi kong nararamdaman ang masamang tingin niya sa akin, at kay Jhona. Hindi ko kayang isipin kung anong pwedeng mangyari kung sakaling. Mariin akong napakagat sa pang–ibabang labi ko, pinilit patigasin ang loob ko. Binilisan ko pa ang hakbang ko, halos lumipad ang mga paa ko sa alikabok at bato. Kahit sugatan, kahit habol-hininga, wala akong pakialam. "Andiyan na ang Ate, Jhona...I'm coming." Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko, masakit, parang sasabog. Isang maling hakbang at baka mawala na siya sa akin. Pagliko ko sa kanto, bumungad agad ang bahay namin—hindi na tahanan kundi kulungan. At sa may balkonahe, nakita ko si Jhona. Umiiyak. Hawak siya ni Tiya Imee sa braso, kulang na lang pilipitin niya ang braso ni Jhona. Para akong tinusok sa dibdib. Sa sandaling iyon, wala na akong pakialam. Kung kailangan kong makipagpatayan, gagawin ko. Sa harap ng bahay may isang itim na sasakyan na nakaparada, nakabukas ang pinto nito, parang handa nang isakay si Jhona. Pag-angat muli ng mga mata ko halos manlaki ito. Sa balkonahe, nakita konh kinakaladkad na ni Tiya Imee si Jhona pababa ng hagdan. Ang dalawang kapatid kong lalaki, nakaluhod sa sahig, umiiyak, at nagmamakaawa. Sa likod nila, nakatayo si Roldan, nakangisi, habang ang tatlong anak nilang mga lalaki ring kasing-edad ko halos—nakasandal lang at walang pakialam. "BITAWAN MO SI JHONA!" sigaw ko, halos mabasag ang lalamunan ko. Napatigil si Tiya Imee. Lumingon siya sa akin, at sa iglap na iyon, kumawala si Jhona mula sa pagkakahawak. Tumakbo siya papunta sa akin at mahigpit na nagtago sa likod ko, halos nanginginig ang buong katawan niya. "Ate..." hingal niya, takot na takot. Humarap ako kay Tiya, mahigpit kong hinarang ang katawan ko kay Jhona. Para akong mababaliw sa galit habang nakatitig kay Tiya Imee. Pero ang sagot niya? Isang ngiti. Kalma, parang wala lang. "Oh, buti na lang nandito ka na, Malia," malumanay niyang sabi, parang natutuwa pa. "At least you can say goodbye to your sister properly. Huwag ka nang magtangka na pigilan ito. She will have a better life in America. And besides—" tumigil siya, saka ngumisi, "...kailangan ninyong magbayad ng utang." Halos matawa ako sa inis. "Utang?" Ulit ko sa sinabi niya, hindi na nakapigil. "Wala kaming utang sa inyo! Kayo ang sumamantala. Kayo ang kumain sa pinaghirapan nina Mama at Papa! You took everything from us, and now you dare call it debt?" Umangat ang kilay niya. Umakyat ang dugo sa mukha ko sa sobrang galit, pero siya, tumawa lang, isang mapait at nakakasukang tawa. "You ungrateful brat." Bago ko pa namalayan, dumapo ang palad niya sa pisngi ko, malakas, mainit, na parang apoy. Napatingin ako sa kanya, nanginginig ang panga ko, nanlilisik ang mata. "Ungrateful ka!" sigaw niya ulit, halos mabasag ang tenga ko. Hinila ko si Jhona palapit sa akin, mas lalo ko siyang tinakpan ng katawan ko. "If being ungrateful means fighting for my siblings, then fine," sagot ko, mababa pero nanginginig sa tindi ng emosyon. "Pero hinding-hindi ko ipapabenta ang kapatid ko. Not to you. Not to anyone." Pero hinila bigla ni Roldan si Jhona, halos mapunit ang blouse ko sa higpit ng kapit niya. "Ate! Ate, please!" sigaw ng kapatid ko, desperado, habang pilit na kumakapit sa akin. Pero mabilis din akong nahila palayo ni Tiya Imee, pinigilan ako, para akong binibiyak sa gitna. "Ate! Huwag kang papayag!" umiiyak si Jhona, halos mawalan ng boses. :Ayokong sumama! Dito lang ako sa tabi ninyo, Ate! Please, please..." Parang pinupunit ang puso ko sa bawat sigaw ng kapayid ko. Hindi ko mapigilan ang umiyak. Sa gilid, naririnig ko ang dalawang kapatid kong lalaki, humahagulhol, pilit kumakawala hawak sila ng tatlong pinsan kong lalaki na parang walang kaluluwa. Lalo akong nanghina nang makita ko silang pilit na kinakaladkad si Jhona palabas ng gate—wala akong magawa kundi umiyak nang umiyak. "Please, Tiya," hinabol ko si Tiyang at lumuhod ako sa harap niya, hinawakan ko ang laylayan ng damit niya. Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko, kahit kainin pa ako ng hiya. "Parang awa mo na, huwag mong ibigay si Jhona. Don't do this to us, please, nagmamakaawa ako." Pagsusumamo ko na halos isigaw ang bawat salita. Pero malamig lang ang tingin niya sa akin. Wala kahit isang pirasong awa. At sa harap ng mga luha ko, itinuloy nila ni Roldan ang pagkakaladkad kay Jhona papunta sa kotse. "ATE!" sigaw ni Jhona, halos bumasag ng tenga ko, pero wala akong nagawa kundi umiyak at lumuhod sa lupa. Nakita ko kung paano siya isinakay sa sasakyan, kung paano niya pilit na kumakapit sa gilid ng pinto. Nanginginig ang mga kamay niya, desperadong humahawak, umaasa na may milagro. "ATE! Huwag mo akong pabayaan!" Pero dumating ang mag-asawang Amerikano. Nakangiti, pero para sa akin parang halimaw ang anyo nila habang dahan-dahan nilang inaalis ang kamay ni Jhona mula sa pinto. Isa-isa, walang pakiramdam, hanggang tuluyang mabitawan ng kapatid ko ang kapit niya. At pinasok nila si Jhona sa loob at sumunod ang mag–asawang Amerikano. Bago tuluyang maisara ang pinto, tumama ang mga mata niya sa akin. Namumugto, puno ng takot. Ang sigaw niya, ang boses niya, parang tataga sa kaluluwa ko habambuhay. "ATEEEE!" Pagkasara ng pinto, para akong pinatay. Mabilis akong tumayo, wala na akong pakialam kung anong gawin nila sa akin. Tumakbo ako, hinabol ko ang kotse na dahan-dahan nang umaalis. Tuloy–tuloy sa pagtulo ang mga luha ko, sumasama ang hininga ko, pero hindi ko hininto ang mga paa ko, patuloy ako sa paghabol. Sa salamin ng sasakyan sa likod, nakita ko pa si Jhona—umiiyak, nakadikit ang mukha niya. "Jhona!" sigaw ko, halos mawalan ng boses. "Hahanapin kita! Susundan kita sa Amerika! I promise, Jhona, hahanapin kita!" Hanggang sa tuluyan na siyang nawala sa paningin ko. Naiwan akong humahabol sa alikabok ng gulong, umiiyak, basang-basa ng pawis at luha, habang pakiramdam ko ay nawasak ang buong mundo ko. NANG tuluyang nawala ang sasakyan sa paningin ko, parang gumuho ang buong katawan ko. Nanghina ang tuhod ko at kusa akong napaluhod sa gitna ng kalsada. Ramdam ko ang alikabok at init ng semento, pero wala na akong pakialam. "Jhona..." sambit ko, halos hindi na marinig ng iba. "Patawarin mo ang, Ate..." Bigla ko na lang naramdaman ang dalawang maliliit na bisig na yumakap sa akin. Ang dalawa kong kapatid na lalaki, parehong basang-basa ang mga pisngi sa luha, mahigpit na kumakapit sa akin na parang doon lang sila makakahinga. Niyakap ko rin sila pabalik, at sabay kaming tatlo, humagulgol sa gitna ng kalsada. Umiiyak kaming tatlo, wasak, habang sa gilid ng kalsada nakatayo si Tiya Imee—nakangiti. Para bang musika sa kanya ang paghihirap namin. "Tama na 'yang drama n'yo!" sigaw ni Roldan, malamig at malakas, parang walang nararamdamang tao. Ang tatlong anak nila, nakatayo lang, nanonood na parang walang nangyayari, tapos isa-isa silang pumasok sa loob ng bahay. Naririnig ko ang mga bulungan sa paligid. Mga kapitbahay na hindi makapaniwalang nangyayari ito sa amin. Kita ko sa mga mata nila ang awa, pero wala silang magawa. "Umalis nga kayo rito, mga tsismosa!" singhal ni Tiya Imee sa kanila. "Wala kayong pakialam! Pumasok kayo sa bahay ninyo!" Lumingon siya sa akin, matalim ang tingin. "Ikaw, Malia. Tumigil ka na sa kaartehan mo. Pumasok ka at magluto. Tigilan mo 'yang iyak-iyak dahil sigurado akong magiging maganda ang buhay ng kapatid mo sa ibang bansa." Nanginginig ang buong katawan ko. Halos magdilim ang paningin ko sa galit. Hindi ko na kayang pigilan. Napakuyom ako ng mga kamao ko, at bago ko pa namalayan, mabilis akong tumayo. Hinila ko ang buhok niya—isang malakas na sabunot—at natumba siya sa kalsada. "Wala kang hiya!" halos pasigaw kong bulyaw, nanginginig ang boses ko. "Wala kang kaluluwa! Hindi ka ba naawa sa kapatid ko? Kadugo mo rin siya! Walang hiya ka, Tiya!" Gigil na gigil kong bulyaw. Nagsisisigaw siya, pilit kumakawala sa akin, pero mas lalo akong nanggigil. Sinakyan ko siya, pinipigilan ang kamay niya, ramdam ko ang lahat ng taong nakapaligid na sumisigaw. "Sige pa, Malia! Sapakin mo!" "Ibagsak mo pa, wag mong tantanan!" Parang inuudyok ako ng mga boses nila, mas lalo akong nag-apoy. Ang lahat ng sakit, lahat ng galit na inipon ko mula pa noon, lumabas sa mga palad ko. Pero bago ko pa tuluyang mailabas ang lahat, biglang may malakas na humila sa akin. Si Roldan. Sa iglap na iyon, dumapo ang palad niya sa pisngi ko—isang malakas na sampal na halos ikataob ko sa kalsada. Natumba ako, ramdam ko ang init at sakit sa pisngi ko, parang binagsakan ako ng bato. "Walang utang na loob na bata!" sigaw ni Tiya Imee habang agad akong sinampal din. Tinadyakan pa niya ang binti ko, at bago ako makakilos, kinakaladkad na niya ako papasok ng bahay. "Makita ko lang ulit na sumagot ka sa amin, Malia," banta niya, malalim at malamig, "tatanggalan kita ng karapatang mabuhay sa ilalim ng bubong na ito." Hinila nila ako papasok, habang ang dalawang kapatid kong lalaki naiwan sa labas, humahagulgol, tinatawag ang pangalan ko. Awang–awa ako kina Asher at Atlas na parang hindi na makakahinga dahil sa mga luha nilang humahalo sa sipon nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD