Chapter 02
Malia Shanaya Torres
MAAGA akong nagising kinabukasan. Masakit pa rin ang buong katawan ko, parang bawat galaw ay may hapdi, pero kailangan kong kumilos. Walang ibang aasahan ang kambal kundi ako.
Nagsimula akong magluto para sa mga demonyong kasama namin sa dito sa bahay. Kung alam ko lang kung saan itinago ng mga magulang ko ang titulo ng bahay at lupa, matagal ko nang binenta at iniwan sila. Sila buhay hari at reyna. Sa halip kami ang naging alipin sa sarili naming tahanan.
Habang naglalagay ako ng ulam sa mesa, napasinghap ako sa sakit sa tadyang. Hinigpitan ko na lang ang hawak sa mangkok. Hindi ako puwedeng tumigil. Hindi ako puwedeng magpahinga.
Pagkatapos kong ayusin ang mesa, inayos ko na rin ang baonan ng kambal. Pareho silang seven years old, parehong inosente pero ramdam kong naiintindihan na nila ang bigat ng sitwasyon namin. Hindi ko sila pinapauwi tuwing tanghali—binabaonan ko sila ng kanin at ako na lang ang bumibili ng ulam sa karenderya para dalhin sa kanila. At least sa school, kahit paano, ligtas sila.
Tinawag ko ang mga walang kwentang nakatira rito, at isa-isa silang nagsilabasan, parang mga aso na naghihintay lang na tawagin ko. Napailing na lang ako. Bumalik ako sa kwarto, bitbit ang baunan ng kambal. Nakatayo na sila roon, suot na ang malinis na uniporme, maaga ko silang pinakain kanina. De baleng ako ang walang makain. Basta mabusog lang sila, sapat na.
Napansin ko ang lungkot sa mga mata nila, parehong nakatitig sa uniform ni Jhona na nakasabit sa dingding. Parang nakikita nila ang kakulangan. Wala akong ibang nagawa kundi aluin sila.
"Don't worry...magiging okay si Ate Jhona n'yo. Babalik din siya." Alam kong kasinungalingan iyon, pero kailangan nilang marinig 'yon.
At kahit papano, gumaan ang mukha ng dalawa. Kumapit sila sa akin at ngumiti bago tuluyang sumigla para pumasok.
Pagkalabas namin sa kwarto, rinig ko ang tawanan nila sa kusina—'yong klase ng tawa na parang walang awa, mga walang puso mga walang malasakit. Sana mabulonan silang lahat. Dumiretso na kami sa labas ng gate.
Pinara ko ang isang tricycle at pinasakay ang kambal. Ingat kayo, ha? Be good. Remember what I told you—study well." Tumango silang dalawa at kumaway pa bago umalis ang tricycle. Kahit paano, nakahinga ako nang kaunti.
Pagbalik ko sa bahay, agad kong hinugasan ang mga pinagkainan, tapos naglinis ng sala. Kailangan malinis ko ito bago ako papasok sa botika. Kung hindi, baka may dahilan na naman sila para pagalitan ako.
After kong maglinis, naligo na ako sa labas, wala akong choice kundi sa labas—kasi pinagbawalan nila akong gumamit ng banyo sa loob. Habang dumadaloy ang malamig na tubig sa katawan ko, napansin ko ang isang anino. May pares ng mata, sumusilip sa maliit na butas sa dingding na gawa lang sa pawid.
Napakuyom ang mga kamao ko. Hindi ko na kailangang hulaan kung sino. Si Roldan.
Umigting ang panga ko. Tangina kang manyakes ka. Hindi na ako matatakot. Hindi na ako magpapaalipusta.
Kumuha ako ng tingting na nakasandal sa gilid at walang pag-aalinlangan, sinaksak ko sa mismong butas.
Malakas siyang napasigaw mula sa kabila. Sunod-sunod ang mura at hiyaw habang narinig kong kumalabog siya sa pader.
Ngumiti ako ng mapait. Para sa akin satisfaction iyon. "That's what you get, you pervert," bulong ko habang pinapatuloy ang buhos ng tubig sa ulo ko.
Narinig ko pa ang yabag niya papalayo, nagmumura at humahagulgol sa sakit. Pero ako? Tahimik lang. Parang may kaunting katarungan na naganap sa araw na ito.
----
Paglabas ko ng bahay, pakiramdam ko may dalang sumpa ang hangin. Hindi ko rin nakita si Roldan, kaya't ang dasal ko lang habang naglalakad ako, sana mabulag ka na, sana hindi ka na makakita kahit kailan.
Pagkasakay ko ng tricycle, mahigpit kong niyakap ang bag na dala ko, parang iyon na lang ang tanging sandalan ko. Sampung minuto lang ang biyahe pero para sa akin parang isang oras na papahirap. Puno ng ingay ang paligid, pero sa loob ko tahimik, mabigat, at puno ng galit.
Pagdating ko sa botika, bumungad agad si Lani, sabay yakap sa braso ko. "Kumusta ka? You look like hell, Malia," sabi niya, halatang nag–aalala pero may halong biro rin.
Napabuntong–hininga ako. CKung alam mo lang, Lani. Hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas."
Nagkibit-balikat siya, tapos bumuntong–hininga. "Alam mo, minsan naiisip ko... bakit hindi mo na lang lasunin ang mga demonyo na 'yon? Para tapos na. End game na."
Napangiti ako, pero mapait. "Kung pwede lang. Kung wala lang akong kapatid, baka ginawa ko na."
Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko, seryoso na ang tono. "Kung gusto mo talagang makawala, may way. May kilala ako...bahay ampunan. Pwede kayong tumakbo roon ng mga kapatid mo. Safe kayo, may tutulong sa inyo."
Kumurot ang dibdib ko, halong takot at pag-asa. "Lani...totoo ba 'yan?"
Ngumiti siya ng kaunti, sabay inilabas mula sa bulsa ang isang maliit na sachet. "Ito. Pampatulog. Gamitin mo mamaya. Isahog mo sa inumin nila, siguradong bagsak sila. Pag tulog na tulog na sila, tumakas na kayo. May ibibigay akong address... doon ka dumiretso."
Tinignan ko ang maliit na sachet na parang kasagutan sa lahat ng dasal ko. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ko iyon. "Lan, baka...baka magising sila? Baka mahuli kami?"
Umiling siya, hawak ang kamay ko para pakalmahin ako. "Trust me, Malia. This is your only chance. Do it for your siblings. Huwag kang mag–alala, tutulungan kita hanggang kaya ko."
Napapikit ako sandali, at ang imahe ni Jhona agad na pumasok sa isip ko—yung mukha niyang umiiyak kagabi habang hinahatak papalayo. Kung may tsansa kaming makaalis, kahit gaano ka–delikado...kakapitan ko ito.
"Fine," bulong ko, mahina pero buo ang loob. "We'll do it tonight."
At naramdaman ko, sa unang pagkakataon na baka may liwanag pa sa dilim na kinalulubogan namin.
----
Halos mapaiyak ako sa sobrang pasasalamat kay Lani. Siya agad ang nalalapitan ko kapag kinakapos ako sa pera, lagi siyang andiyan para makinig. Kung tutuosin, assistant lang ako rito sa botika, siya ang lisensyadong pharmacist. Pero hindi niya ako tinrato na mababa. Kaya siguro kahit imposible, pinangarap ko rin maging nurse balang araw. Maybe someday...baka kaya ko rin. Pero sa ngayon, pangarap lang iyon. Wala akong pera para sa tuition, at lahat ng kinikita ko, deretso sa pagkain at pangangailangan ng mga kapatid ko.
"Here," sabi ni Lani sabay abot ng papel na nakatupi at ilang pera. "Nandiyan ang address. Hanapin mo si Sister Catalina, ang Mother Superior ng ampunan. She'll help you, Malia. Siya ang tumulong sa akin noon, kaya ako nakapagtapos. Baka siya rin ang sagot sa pangarap mo."
Hindi na ako nagdalawang isip pa, mabilis kong isinuksok sa bulsa ng pantalon ko ang papel at pera, para bang hawak ko na ang mismong pag-asa naming makalaya. Napalunok ako, pinilit ngumiti kahit nangingilid na naman ang luha ko. Balang araw, magiging nurse din ako. At ilalabas ko ang mga kapatid ko sa impyernong kinakasadlakan namin.
Pero bago pa man ako makapagsimula ng trabaho, biglang narinig ko ang malakas na boses mula sa labas.
"MALIA! Labas ka riyan kung ayaw mong masaktan!" sigaw ng tiyahin kong parang demonyo ang boses, umaalingawngaw sa kalsada.
Napasinghap ako at napatingin sa pinto. Kinilabutan ako sa bawat salita niya. Pakiramdam ko, anumang oras papasukin niya ako rito.
"Wait!" Pigil sa akin ni Lani, mahigpit ang kapit sa braso ko. "Don't go out, Malia. Please. Baka kung ano ang gawin niya sa'yo. Bakit, ano ang ginawa mo?"
Pero nanginginig ako sa galit at kaba. "Si Roldan. I... I poked his eye with a stick kanina. Sinilipan na naman ako. I had to do it. Siguro nagsumbong na siya."
Lalong lumakas ang sigaw sa labas. Naririnig ko ang mga taong nagkukumpulan, pabulong na pinag-uusapan kami. Parang gusto kong lamunin ng lupa sa hiya at takot, pero higit pa roon, nangingibabaw ang galit.
Hinawakan ni Lani ang magkabilang balikat ko, forcing me to look at her. "Listen to me. Huwag kang lalabas. Hindi mo siya haharapin ngayon. Hindi dito, Malia. You need to think smart. You need to survive—for your siblings."
Mariin akong napakagat sa labi, ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Gusto kong sugurin ang tiyahin ko at sigawan siya na wala siyang karapatang gawin ito sa akin. Pero totoo ang sinabi ni Lani—kung lumabas ako ngayon, baka kung ano ang gawin niya sa akin.
Pero sa isip ko. Hindi ako pwede magtago. Hindi puwede. Kung magtatago ako, mas lalo lang akong magiging alipin nila. Kaya kahit pigil na pigil si Lani sa braso ko, hinila ko ito at lumabas ng botika.
Pagkalabas ko sa botika, halos sumabog sa tenga ko ang sigaw ni Tiyang. Dinuduro niya ako na parang wala na akong mukha, parang wala na akong karapatang huminga.
"Anong ginawa mo kay Roldan, ha?!" sigaw niya, nanginginig ang boses sa galit. "Kung nabulag siya, mananagot ka! Hindi mo alam kung sino ang kinalaban mo, Malia. Mata mo lang ang walang latay!"
Nanikip ang dibdib ko, pero hindi na ako natakot. Ramdam kong tumayo ang lahat ng balahibo ko, hindi dahil sa kaba, kundi sa galit na hindi ko na kayang pigilan.
Akmang sasampalin niya ako, mabilis kong nasalag ang kamay niya. At bago ko pa napigilan sarili ko, itinulak ko siya ng buong lakas. Napaatras siya, muntik pang mabuwal.
Napapikit ako, pinipigilan ang luhang gustong kumawala. Hindi ko alam kung paano ko ililigtas ang sarili ko at ang mga kapatid ko, pero isang bagay ang malinaw—hindi na ako uurong. Kahit buhay ko pa ang kapalit.
"Dapat lang!" sigaw ko, hindi ko na kinaya. "Dapat lang iyon sa asawa mo. Ilang beses na bang nilalapastangan ang dangal ko? Ilang beses na siyang nag-busybody sa kwarto ko? He was a pervert. Kung mabulag man siya tama lang yon sa kanya, sana nga, para wala na siyang mga mata na magamit sa pangbubuso niya."
Nanlisik ang mga mata ni Tiyang, parang mababangis na hayop. Akmang susugod na siya ulit, handa nang sakmalin ako, pero biglang pumagitna si Lani. Hinawakan niya ako at itinulak palayo.
"Malia, go! Sundin mo 'yung sinabi ko. Ako na ang bahala rito," madiin na bulong ni Lani.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin, at doon ako natauhan. Wala na akong oras para makipagtalo. Dali-dali akong kumaripas, halos madapa sa pagmamadali.
Hindi ako tumingin pabalik. Humakbang ako patungo sa kalsada, at bago sumakay ng tricycle, hinarap ko pa si Tiyang, "Sana hindi na siya makakita — ever." Hindi ako nagsisi sa ginawa ko, buti nga sa kanya. Buong tapang nasabi ko."
Narinig ko ang malakas na pagtilaok ng boses niya, mga katagang puno ng poot at hamon. "walang utang na loob" at "huwag magmalaki," at kumuha pa siya ng simpatya sa mga tao, nagpapa-drama sa harap ng mga ito.
Pero hindi ko na siya pinansin. Sumakay na ako sa tricycle at umalingawngaw pa rin sa tenga ko ang mga sigaw niya, puno ng pagbabanta at pananakot. Pero may isang bagay akong alam nang malinaw: aalis na kami ngayon.
----
Pagbaba ko ng tricycle, mabilis kong tinakbo ang gate. The whole place felt too quiet—masyadong. Alam kong nasa school sila, ang mga pinsan ko, at si Tiya...tiyak na nasa ospital, nasa tabi ni Roldan.
Pumasok ako at diretso sa kwarto. Hindi ko na pinansin kung makalat, basta ang importante makuha ko agad ang mga kailangan. Binuksan ko ang lumang cabinet at isa-isa kong hinila ang ilang damit namin ng mga kapatid ko. Hindi marami pero sapat na para sa mga susunod na araw.
Dinukot ko rin ang sobre na nakatago sa ilalim ng kahon ng sapatos—ang maliit na ipon ko. Maliit na halaga lang ito. Still, it's something.
Huminga ako nang malalim bago ko kinuha ang brown envelope kung saan nakalagay ang diploma at school records ko. This is my lifeline. Kung mawala ito, parang wala na rin akong kinabukasan.
Mabilis kong isiniksik lahat sa backpack. Tumigil ako sandali, pinakinggan ang paligid. Walang yabag, walang ingay, pero iba 'yung kaba na dumadagundong sa dibdib ko.
"Focus, Malia," bulong ko sa sarili. "Walang dapat maiwan."
Paglabas ko ng bahay, sinukbit ko ang backpack sa balikat at huminga nang malalim. Nandoon pa rin ang tricycle driver, nakasandal habang may hawak na yosi. Tumayo siya agad nang makita ako.
"Ready ka na?" tanong niya.
Tumango lang ako. "Dumaan muna tayo sa school. Kukunin ko lang ang kambal."
Habang umaandar ang tricycle, hindi ko maiwasang sulyapan ang paligid. Parang bawat kanto may matang nakamasid. Parang anumang oras may susulpot para pigilan ako. Pero this time, I won't stop. No one can stop me. Hindi na ako papayag na muling makulong sa sitwasyong ito.
I gripped my bag tighter. After today, everything changes.