Chapter 03
Malia Shanaya Torres
PAGDATING namin sa eskwela, halos hindi na ako huminga nang maluwag. Diretso agad ako sa room ng kambal, kumatok lang saglit bago sumilip. Nasa harap silang upuan, busy sa coloring activity.
"Ma'am, excuse po. Kukunin ko muna sila, may pupuntahan kami saglit," mabilis kong sabi. Kita ko ang pagtataka sa mukha ng titser pero hindi na ako naghintay ng sagot.
Tumayo agad ang kambal, bitbit ang maliit nilang bag. "Ate, saan tayo pupunta?" halos sabay nilang tanong habang hawak ko ang kamay nila palabas ng gate.
"Wala nang tanong. Come on, mabilis," sagot ko, pilit pinapakalma ang boses kahit kumakabog ang dibdib ko.
Pagpasok sa tricycle, doon na nagsimula ang sunod-sunod nilang tanong.
"Bakit? Bakit nagmamadali tayo?" Tanong ni Atlas.
"Where are we going, Ate?" Tanong naman ni Asher.
Napapikit ako sandali, huminga nang malalim. "We're just playing hide and seek, okay? Tataguan lang natin sila."
"Who?" tanong ng isa, nakakunot ang noo.
"Bad guys," sagot ko agad.
Biglang nagsabay magsalita ang kambal, excited pa, "Like Roldan the...Titan! Ate, tataguan natin siya, di ba?"
Napakagat ako ng labi. Titan. Oo nga pala, mahilig silang manood ng Attack on Titan. Para sa kanila, si Roldan ang parang halimaw na kailangang iwasan.
"Yeah," mahina kong tugon. "Exactly like that. Kaya dapat tahimik lang kayo."
Nagkibit-balikat lang ang kambal at nagtinginan, para bang isang game lang talaga ang lahat ng ito. Kung alam lang nila.
Sakto namang umandar ang tricycle, at nakita ko mula sa salamin—si Tiyang Imee. Hindi siya mag-isa. May tatlong lalaking kasama, pawang mukhang tauhan sa sugalan. Mga malalaking braso, nakasumbrero, at may itsurang hindi mo gugustuhing makasalubong.
"s**t," mahina kong mura.
Napansin ng driver. Hindi ko na kailangang magsalita pa, mabilis niyang kinabig ang manibela at dumiretso sa kabilang kanto, halos muntik na kaming sumabit sa pedicab na paparating.
"Thanks," bulong ko sa kanya habang yakap ko ang kambal para hindi matumba.
Siguro mga goons sa pasugalan ang mga kasama ni Tiyang. Hindi rin naman ito makatawag ng mga pulis kahit gustuhin niya. Bad record din siya dahil sa kagagawan ng asawa niya.
Habang palayo kami, ramdam kong nanginginig ang kamay ko sa hawak sa backpack. Pero sa isip ko, isa lang ang malinaw, this is it. Walang atrasan.
---
Akala ko safe na kami. Ramdam ko na unti-unti nang humuhupa ang kaba sa dibdib ko, pero napasinghap ako nang marinig ko ang boses ng driver.
"Malia, may sumusunod sa atin."
Parang tumigil ang mundo ko. Mabilis akong lumingon at, tama siya, may isang itim na sasakyan ang nakabuntot sa amin. Hindi iyon basta sasakyan ng isang pamilya. Kilala ko ang sasakyan. Kay Tiya Imee iyon.
"God," mahina kong bulong.
"Please, you have to do something. Hindi kami puwedeng maabutan ng mga 'yon," nagmamadali kong pakiusap. Nanginginig ang mga kamay ko sa takot.
Tumingin siya saglit sa rearview, tapos sa akin. May kumpiyansa sa ngiti niya kahit tense ang sitwasyon. "Relax ka lang, ako bahala. Ililigaw ko sila.c
Napatingin ako nang mas maigi. Kilala ko siya, si Marco. Isa sa mga tricycle driver sa kanto na hilig magpa-cute sa akin. Tan skin, gwapo, tipikal na boy-next-door, pero never ko binigyan ng pansin. Wala akong time sa gano'n, hindi ngayon. Hindi habang nakataya ang buhay namin ng kambal.
"Marco,,please. Don't let them catch us," halos pakiusap na utos ko.
"Kapit kayo," seryoso niyang sagot.
Mabilis niyang kinabig ang manibela, halos muntik nang tumagilid ang tricycle. Napaigik ang kambal, sabay silang napahawak sa braso ko.
"Ate, parang rollercoaster!" tili ni Atlas, akala nag-eenjoy lang.
"Quiet! Just hold on to me," madiin kong sabi.
Naririnig ko ang ugong ng makina ng sasakyan sa likod. Bumibilis sila. Si Marco naman, parang sanay na sanay. Dumaan kami sa makikitid na eskinita, halos kumalabog ang tricycle sa mga lubak. Ang bigat ng kaba sa dibdib ko, parang anytime mahuhulog kami.
"Damn, ayaw bumitaw," bulong ni Marco habang mabilis na binabagtas ang madilim na shortcut.
"Just... keep going. Please...ihatid mo kami sa bus terminal, Marco," pakiusap ko, halos hindi na ako makahinga.
Naramdaman kong lalong bumilis ang tricycle, halos nanginginig na ang katawan ko sa takot. Pero kahit na gano'n, may parte ng utak ko na napansin kung gaano ka-focus si Marco. Walang halong biro ang mga mata niya, seryoso siya, determined na mailigtas kami.
"Marco!" sigaw ko nang muntik kaming sumabit sa poste.
Pero mabilis niyang naiwasan, saka dumiretso sa isang masikip na alley. Halos hindi na kasya ang tricycle, pero pinilit niyang ipasok.
Sa likod, rinig ko ang preno ng sasakyan—hindi sila makapasok.
Huminto si Marco, malalim ang hininga. "Ayan, safe muna tayo dito. Hindi sila kasya."
Saglit akong napapikit, halos mabagsak ang ulo ko sa pagod. Pero mahigpit pa rin ang hawak ko sa kambal.
"Thank you..." bulong ko, mahina pero tapat.
Narinig kong umubo siya, parang nagpipigil ng ngiti. "Anything for you, Malia."
"Salamat, Marco, sa tulong mo sa amin."
"Dito na muna kayo, bago pa sila umikot sa kabila," sabi ni Marco, hinihintak ang preno ng tricycle. Palinga-linga siya, para bang inaamoy ang peligro sa hangin. "Umalis na kayo, Malia. Mag-ingat kayo sa pupuntahan niyo. Maganda na makalayo kayo sa Tiyahin mo." Huminga siya nang malalim, saka ngumiti ng mapait. "Sana... magkita pa tayo uli."
Parang may kung anong kumirot sa dibdib ko pero wala na akong oras para mag-isip. Hindi ako tumugon, baka lalo pang bumigat ang loob ko. Imbes, hinawakan ko na agad ang mga kamay ng kambal. "Tayo na," sabi ko, halos hatakin ko na sila palabas ng makipot na daan.
Sa paglabas namin sa alley, ramdam ko ang pawis na kumakapit sa batok ko. Mainit ang tanghali, pero mas mainit ang kaba sa loob ko. Agad akong nakakita ng isa pang tricycle sa kanto at halos pasugod ko itong pinara.
"Boss, bus station po. Bilisan niyo, please!" halos nanginginig ang boses ko.
Agad kaming pinasakay. Hawak ko ng mahigpit ang kambal, na tila wala pang kaalam-alam sa bigat ng sitwasyon. Nagbubulungan sila, parang laro lang ang nangyayari.
"Ate, are we still playing hide and seek?" tanong ni Asher, may ngiti pa sa labi.
"Yes. We are hiding from the bad guys," mabilis kong sagot, pilit pinapakalma ang sarili.
Tahimik akong tumingin sa kalsada, sinusundan ng mata ang bawat sasakyang dumadaan. Para bang bawat tao, bawat kotse, banta para sa amin.
Pagdating namin sa bus station, halos madapa ako sa pagmamadali. Pinara ko ang bus na papalabas na sa terminal. Pumagitna ako para makatiyak akong hihinto ito.
"Wait! Sandali lang!" sigaw ko.
Bumukas ang pinto. Buti na lang pinapasok kami. Hinila ko ang dalawang bata papasok at nakahanap kami ng upuan sa bandang gitna. Naupo ako, hingal na hingal, habang nakapulupot ang braso ko sa kambal.
Paglingon ko sa bintana, muntik na akong mapatili. Doon, sa gilid ng terminal, nakita ko ang tatlong lalaking kasama ng Tiya Imee ko kanina. Nakatayo sila, parang mga buwitre na naghihintay ng tamang oras para umatake.
"Oh my God!" bulong ko, agad kong ibinaba ang kurtina ng bintana, halos punitin ko sa pagmamadali. Pinagdikit ko ang mga bata sa akin, itinago ang kanilang mga ulo sa balikat ko.
"Shh...wag kayong tumingin sa labas ng binatana," mahina kong utos.
Nararamdaman ko ang mabilis na t***k ng puso ko, parang sasabog na sa kaba. Ang utak ko, sunod-sunod ang dasal. Please, Lord. Huwag sana silang umakyat sa bus na ito. Please. Not now. Not here.
"Are the bad guys here?" bulong ni Atlas, halos pabulong na parang natutunugan niya ang tensyon ko.
"No, just stay quiet. We'll be okay," sagot ko, kahit ako mismo hindi sigurado.
Naririnig ko ang mabigat na yabag sa labas, ang mga boses ng mga lalaking nag-uusap. Hindi ko marinig nang buo pero ramdam ko ang banta. Hinawakan ko ang kamay ng kambal nang mas mahigpit.
Nagsimula nang umandar muli ang bus. Mabagal sa una, para bang nang-aasar, pero dahan-dahang bumibilis. Bawat segundo, parang isang oras na pinapasan ko.
Nang tuluyan kaming makalayo sa terminal, doon lang ako nakahinga ng malalim. Pero hindi pa tapos ang kaba, alam kong hindi ganoon kadaling tumigil ang Tiya Imee ko. Kung gusto niyang ipahabol kami, kaya niya.
Pero sa ngayon, ang tanging importante ay isa lang: nakasakay kami, nakalayo. At habang mahigpit kong niyayakap ang kambal, pinilit kong paniwalain ang sarili na kahit paano...safe muna kami.
----
Habang patuloy sa pag-andar ang bus. Mahigpit kong yakap ang kambal, parang baka maagaw pa sila sa akin kahit nakasara na ang pinto ng bus at nakalayo na kami. Doon na rin nagsimulang bumigat ang dibdib ko, at kahit pilit kong pigilan, tumulo na lang bigla ang mga luha ko.
Hindi ko mapigilang isipin si Jhona. Dapat kasama siya rito. Dapat kaming apat ang magkakasama ngayon, nagtatawanan, nagtatago sa likod ng kurtina habang umaalis. Pero wala siya.
Kung noon pa sana kami tumakas... baka hindi siya nawala. Baka hindi siya ginawang pambayad ni Tiyang Imee sa mag–asawang iyon. Baka hindi siya kinuha sa amin.
Pinikit ko ang mga mata ko, mahigpit na yumakap sa kambal, at halos hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Ate..." mahinang tawag ni Atlas. Napaangat ako ng ulo at nakita ko ang maliliit niyang mata, puno ng tanong. "Why are you crying?"
Umiling ako agad, pilit na ngumiti kahit basang-basa na ng luha ang pisngi ko. "Nothing... Ate's just... just tired," pabulong kong sagot, pero alam kong hindi siya naniniwala.
Inangat ni Atlas ang kamay niya, marahang pinunasan ang luha sa pisngi ko gamit ang kanyang maliit na palad. "Don"t cry, Ate. We're safe now. You have us."
Pakiramdam ko nanigas ako sa kinauupoan ko. Sa murang edad, kaya niyang magsalita ng gano'n, mas matatag pa siya kaysa sa akin, silang dalawa ni Asher.
Sumiksik naman si Asher sa kabilang gilid ko, niyakap ang bewang ko at tumingin din sa akin. "We'll find Ate Jhona, right? You promised we'll always be together."
Muli nalaglag ang mga luha ko lalo. "Yes. I promise. One day, we'll find her. Hindi ko kayo susukuan. Never."
Pareho silang yumakap sa akin, mahigpit, para bang sila ang nagpapalakas ng loob ko.
"It's okay, Ate," bulong ni Asher habang nakadikit ang ulo niya sa dibdib ko. "Wag ka na iyak, Ate. You'tre the strongest. You always protect us. So...we'll protect you too."
Dahil sa sinabi ni Asher. Hindi ko na mapigil ang mapaghagulhol habang nakayakap ako sa kanilang dalawa. Sa loob ng bus na puno ng estranghero, pakiramdam ko kami lang ang lumaban sa magulong mundong ito.
At habang tumatakbo ang bus papalayo, humigpit lang lalo ang yakap ko sa kambal. Dasal ko sa Diyos, kahit saan man dinala si Jhona...sana ligtas siya. Sana dumating ang araw na magkita kaming muli, at wala nang makakapaghihiwalay sa amin.