Chapter 04: Unang Kita

1841 Words
Chapter 04 Malia Shanaya Torres PAGKALIPAS ng mahaba-habang biyahe, dalawa, tatlong oras siguro—sa wakas nakarating din kami sa Batangas Port. Doon na kami sasakay ng Roro papuntang Masbate. Hawak ko pa rin ang papel na binigay ni Lani, nakasulat doon na sa Masbate matatagpuan ang bahay ampunan. Paulit-ulit kong binabasa ang pangalan. Sister Catalina. Para bang kumakapit ako sa pangalan na iyon, sana siya nga ang maging sagot sa lahat ng paghihirap namin. Kumuha agad ako ng ticket naming tatlo. Habang hinihintay ang biyahe, pinilit kong huminga ng malalim kahit ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Kailangan kong lumaban. Hindi puwedeng bumigay. Para sa kambal. Para kay Jhona. Nilingon ko ang kambal. Nakatulog sila sa bangko. Ang payapa ng mukha nila, para bang wala silang alam sa bigat ng mundo. Napangiti ako kahit may luha sa gilid ng mata ko. Pero natigil ang lahat nang mapansin ko. Ang tatlong lalaki. Pamilyar ang mga mukha—sila yung nakasunod sa amin kanina pa. Pati ba naman dito? Hindi talaga nila kami tinantanan. Parang biglang lumamig ang hangin sa paligid. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko, pero agad kong tinapik ang balikat ng kambal. "Hey...wake up," mahinahon kong sabi habang pinupunasan ang mga mata nilang antok pa. Dahan-dahan silang dumilat. "Ate...are we there yet?" garalgal na tanong ni Atlas, yumakap sa braso ko. Umiling ako at pinilit ngumiti. "Not yet, baby. But we need to play hide and seek again." Nagkatinginan silang dalawa, agad na nagising sa narinig. "The Titans?” tanong ni Adler, bumaba ang boses na parang natatakot pero excited. Tumango ako, kahit nanginginig ang labi ko. "Yes. They're here again. So we have to hide, okay? Stay close to me. Don't let go, kahit anong mangyari." Mahigpit silang kumapit sa kamay ko, ramdam ko ang maliliit nilang daliri na halos bumaon sa balat ko. Parang doon ko lang naramdaman kung gaano ako kahalaga sa kanila, ako ang tanging sandalan nila. Habang papalapit ang tatlong lalaki, pinilit kong itago ang kaba ko. Nilunok ko ang takot at iniangat ang baba ko. Hindi pwedeng makita nilang natatakot ako. Kailangan makita ng kambal na matapang ako. "Ready?" bulong ko sa kambal. "Ready, Ate," sagot nila sabay, mahigpit pa rin ang kapit. At habang mas lumalapit ang mga anino ng mga lalaking iyon, ramdam ko na parang sasabog ang puso ko. Pero kahit nanginginig ako sa loob, pinangako ko sa sarili ko, hindi nila maaagaw ang kambal sa akin. Hindi habang buhay pa ako. Palinga–linga ako sa paligid habang mahigpit na nakahawak sa maliliit na kamay ng kambal. Ang dami ng sasakyan sa paligid, pila–pila, karamihan ay naghihintay na maisakay sa Roro. Napakagat labi ako nang makita kong may isang lalaki na biglang tumuro sa direksiyon namin. "Ayon ang magkapatid!" malakas nitong sigaw, sabay kalabit sa kasama niya. Diyos ko po... "Takbo!" bulong ko, halos hindi na makahinga sa kaba. Agad akong tumakbo, halos hila–hila ko ang mga kapatid ko. Maiwan na ang lahat, pera, gamit, kahit ang sarili ko—huwag lang silang dalawa. Mahigpit ang kapit nila sa akin, pero maririnig ko ang halakhak ng kambal, akala nila laro lang ang lahat. "Adler, ang bilis natin!" natatawang sigaw ni Atlas, parang hindi man lang ramdam ang bigat ng sitwasyon. "Hide and seek ulit?" dagdag ni Atlas, hingal pero masaya. Napakagat ako sa labi ko, pinipigilan ang luha. Oo, hide and seek...pero this time, stakes are higher. Mabilis kaming nagtago sa gilid ng isang bus. Humahabol pa rin ang mga lalaki sa amin, maririnig ko ang yabag nila, ang malalakas na tinig na nag–uusap. Tumigil ako sandali, pinatong ang isang daliri sa labi ko. "Shhh," bulong ko. Ginaya ako ng kambal, sabay yumuko rin sila, parang mga sisiw na nagtatago. Ramdam ko ang pintig ng puso ko, mabilis, parang sasabog. Paglingon ko, doon ko napansin ang isang pick–up truck na nakaparada. Bukas ang likod, puno ng mga kahon na may nakasulat na Medical Supplies. Mula sa kabila, may narinig akong malalim na boses, baritono, authoritative. "Maayos na ba ang pagkakalagay ng gamot? Kailangan makarating ito sa bahay ampunan bago maghating–gabi. Siguraduhin n'yong safe, walang delay." Nanlaki ang mga mata ko. Dahan–dahan akong sumilip, at doon ko siya nakita. Nakatayo, nakatalikod, matangkad, broad shoulders, matitigas na muscles na bumabakat kahit sa simpleng rugged shirt. Para siyang isang sundalong sanay sa laban, every movement full of quiet strength. Nang unti–unti siyang lumingon, para bang bumagal ang lahat sa paligid ko. Tall. Dark. Handsome. Too handsome. Ang lalaking ngayon ko lang nakita pero parang matagal nang nakatatak sa utak ko. Matangos ang ilong, matalim ang tingin, at may kakaibang aura, hindi lang siya gwapo, he was dangerous in the most magnetic way. "Doc Medrano!" tawag ng isang kasama niya. "Doc Medrano..." mahina kong nasambit, halos hindi makapaniwala. Pero bago ko pa maproseso ang lahat, biglang narinig ko ulit ang sigaw ng mga lalaking humahabol sa amin. "Diyan sila! Bilisan!" Parang natanggalan ako ng hangin. No choice. Hindi ko pwedeng hayaang mahuli kami. Mabilis kong inalalayan ang kambal. "Climb! Hurry!" "Ay, Atlas, laro ulit?" tuwang–tuwa si Adler habang tinutulungan kong makasampa sa likod ng pick–up. "Yes, laro...pero don't make a sound, okay?" halos pakiusap na ang tono ko. Pinangunahan ko silang ipasok sa pagitan ng mga kahon, halos isiksik ko na lang sila. Pagkatapos, ako ang sumampa, nanginginig ang tuhod, at agad akong sumiksik sa tabi nila. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko, para akong sasabog. Pinipigilan kong umiyak, pinipilit na huwag bumigay. Kahit nanginginig ang buong katawan ko, niyakap ko ang kambal at itinakip ang kamay ko sa bibig nila, baka makagawa sila ng ingay. Please, God...please keep us safe. Napasubsob ako lalo sa kahon,,yakap ang kambal habang humihigpit ang t***k ng dibdib ko. Huminto sa mismong tapat namin ang tatlong lalaki. Rinig ko ang boses nila, garalgal, puno ng inis at takot. "Kung hindi natin makita 'yung tatlo, patay tayo kay Imee," sabi ng isa, halos bulong pero ramdam ko ang tensiyon. "Tangina niyo kasi, kanina ko pa sinasabi. Dapat hinuli na natin agad bago pa nakatakas." "Anong palusot ang gagawin natin? Sabihin nating nakalusot? Tayo ang una niyang ipapapatay nito." Lalong nanginig ang kamay ko. Hindi puwedeng marinig kami. Hindi puwedeng mahuli. Hinigpitan ko ang takip ko sa bibig ni Atlas. Pero naramdaman kong pumupumiglas siya, parang naiirita. Napalingon ako, halos mapamura nang maramdaman kong pilit niyang tinatanggal ang kamay ko. Wala akong choice kaya niluwagan ko ng konti. At doon, sumalubong sa akin ang amoy na halos ikamatay ko. Napapikit ako, halos mabilaukan. God, no...not now. Atlas. Umalingasaw ang utot niya, sobrang baho, parang bulok na itlog na nakulong sa loob ng jeep sa tanghaling tapat. Kinagat ko ang labi ko,mpinipigilan ang pag-ubo, pinipigilan ang pagtawa at inis na maghalo. Worst timing ever. At mas lalong lumala nang biglang tinukod ng isa sa mga lalaki ang kamay niya sa gilid ng truck. Eksakto. Mismong sa tapat namin. Ramdam ko ang bigat ng kamay niya sa bakal, parang ilang pulgada na lang at mahuhuli niya kami. Nanatili kaming nakayuko, halos walang hininga. Seconds felt like hours. Nag-aaway pa rin ang tatlo. "Hindi, sigurado ako dito sila dumaan." "Eh bakit hindi mo makita?" "Baka nakasakay sa bus!" Hindi ko na alam kung saan ako lulugar. Any moment, puwedeng tapusin na lahat. Hanggang sa may narinig kaming papalapit na boses. "Ready na tayo, Doc." Parang na-freeze ang mga lalaki. Nagmura ang isa. "Tsk. Mamaya na ito. Tara." Isa-isa silang naglakad palayo. Hindi ko pa rin inalis ang kamay ko sa bibig ng kambal hangga't hindi ko naririnig na tuluyang wala na sila. Pagkatapos ng ilang segundo, dahan-dahan kong inalis. Malakas ang hingal ko, pawis na pawis. Agad akong napahawak sa ilong ko. "Atlas...sobra na 'yung utot mo. Mabaho!" bulong ko, may halong inis at relief. Natawa si Atlas, halos mapahigik pa, tapos sinundan pa ni Adler, sabay silang tumatawa, walang pakialam na muntik na kaming mamatay sa kaba. "Shhh!" Sinaway ko sila agad. "Quiet, please... baka bumalik sila." Saktong gano'n, narinig ko ang pagbukas ng pinto sa driver's seat. May bumagsak na tunog ng seatbelt. Sunod, ang passenger seat. At bago pa kami makapaghanda, ramdam ko ang biglang pag-uga ng truck. Umandar na. Napatingin ako sa kambal. Pinisil ko ang kamay nila, pinilit ngumiti kahit nanginginig pa ako. Walang alam kung saan kami dadalhin. Pero isa lang sigurado, wala nang atrasan. Pero naalala ko ang narinig ko kanina—bahay–ampunan ang direksiyon nila baka ito rin ang bahay–ampunan na pupuntahan namin. ------ Dahil sa sobrang pagod, halos wala na akong lakas. Sumandal ako sa malamig na gilid ng truck, habang sina Atlas at Adler ay nakahiga sa hita ko, parang mga anghel na tulog. Naramdaman ko ang bigat nila, pero mas ramdam ko ang bigat ng sitwasyon namin. Kahit papaano, may kaunting ginhawa akong naramdaman, safe kami sa ngayon. Maya-maya, bumagal ang andar ng truck. Hanggang sa tuluyang huminto. Ramdam ko ang pag-uga. Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa driver's seat at passenger seat, mga yabag, ingay ng makina sa paligid. Dahan-dahan akong sumilip sa maliit na siwang. Napasinghap ako. Ang daming sasakyan, nakapila, maingay ang tunog ng bakal at makina. Walang duda, nasa loob na kami ng Roro. My chest tightened, isang maling galaw, isang maling ingay, tapos kami. Hindi muna ako gagalaw. Hindi muna ako bababa. Mas ligtas kung dito lang kami, maghihintay ako hanggang tuluyang kumagat ang dilim. Hanggang sa siguro makalabas na rin ang truck. I closed my eyes. Kahit ilang minuto lang. God, please. Ang bigat na ng katawan ko, halos ayaw na gumalaw. Nakakaawa na ang dalawa, pawis na pawis, pagod na pagod. Sabi ko sa sarili ko, magpapahinga lang ako saglit. Just a short nap. Hindi ko namalayan ang oras. Napatulog ako nang mahimbing. Bigla akong nagising nang may tumama sa mukha ko, matinding liwanag. Napakislot ako at agad iminulat ang mga mata, pero halos mabulag ako. Napasinghap ako, parang nalunod sa sariling hininga. My hand instinctively covered my face, nanginginig ang mga daliri ko. "Ahh..." halos walang lumabas na boses sa bibig ko. Ang t***k ng puso ko, parang kidlat, mabilis at walang patid. Nang tuluyan kong mabuksan ang mga mata ko, muli ko siyang nakita. Ang lalaki kanina. Matangkad. Dark, commanding presence. Matatalim ang mga mata na tila kayang lumusot sa kaluluwa ko. At kahit nakasilaw pa ang flashlight, kitang-kita ko ang mukha niya. Hindi ko alam kung bakit parang bumagal ang paligid, kung bakit parang huminto ang lahat ng ingay sa paligid nang tumama sa akin ang titig niya. "Doc...Medrano..." halos bulong ang lumabas sa labi ko. Para akong nakuryente. Hindi ko alam kung guni-guni lang ng utak kong pagod, o totoo ngang siya ang nakatuklas sa amin. Nanginginig ako habang hawak ang magkabilang balikat ng kambal. Ang mga bata, nagsisimula nang gumalaw, nag-iinat, walang alam na may panganib na sa harap namin. Tapos ako? Hindi ko alam kung iiyak ako, sisigaw, o magmakaawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD