Chapter 05: Unang Kirot

1998 Words
Chapter 05 Malia Shanaya Torres "WHO are you?" Wika nito. Parang tinusok ng karayom ang balat ko nang marinig ko ang boses niya, mababa, baritono, pero matalim. Dahan-dahan akong napalunok, pakiramdam ko'y bumara ang laway ko sa lalamunan. His face as cold and aggressively masculine as any I'd ever seen. Hindi basta ordinaryong tingin—parang sinisilip niya ang buong pagkatao ko. Para akong natutunaw sa ilalim ng kanyang mga mata. "Speak." Utos niya malamig ang boses kasing lamig ng mukha niya. Mas lalo akong nanigas. Gusto kong sumagot pero hindi ko magawa—ang dila ko parang naumid, ang isip ko nag-blanko. Ramdam ko ang paggalaw sa hita ko. Nagising sina Atlas at Adler. Halos sabay silang dumilat, at nang makita ang liwanag ng flashlight, agad silang kumapit sa akin. Yumakap nang mahigpit, parang natatakot na mawala ako. "Ate..." mahinang tawag ni Adler, habang ang mukha niya nakalubog sa braso ko. Si Atlas naman, mariing hinawakan ang damit ko, halos punitin. Hindi ako makapagsalita, pero ramdam ko ang bigat ng responsibilidad sa dibdib ko. Hindi ko pwedeng ipakita na nanginginig ako, na gusto kong sumuko. Kailangan kong maging matatag, para sa kanila. Pero ang totoo? Nanginginig ang buong katawan ko. Ang kaba, parang malalakas na alon na dumadagundong sa loob ng dibdib ko. "Call security. Baka magnanakaw ang mga ito." Parang sinampal ako ng salita niya. Magnanakaw? Iyon agad ang tingin niya sa amin? Gusto kong sumigaw ng galit, gusto kong ipamukha sa kanya na wala siyang alam sa pinagdadaanan namin. Bago pa makaalis ang kasama niyang mukhang jejemon, suot ay polo shirt na makintab, buhok na parang bagong gel, tapos ang yabang ng lakad—agad akong nagsalita. "H–Hindi kami magnanakaw!" halos pasigaw kong depensa. Ramdam ko ang panginginig ng boses ko, pero tinapangan ko pa rin. "Ate is right!" sabat bigla ni Atlas, medyo nanginginig pero matapang pa rin ang boses. "Nag–hide and seek lang kami! Kasi hinahabol kami ng mga Titans!" Sumegunda si Adler, nakayakap pa sa braso ko. "It's true! Three Titans are chasing us. They're trying to hurt our Ate...and us!" Nanlumo ako saglit. Kung hindi lang totoo, baka natawa na ako sa paraan ng depensa ng kambal. Pero ngayon, mas lalo akong nadudurog. Ang inosente nilang paliwanag, parang mas matapang pa kaysa sa akin. Kahit nauutal, nagsalita ulit ako. "T–tama sila. Hindi kami magnanakaw. May humahabol sa amin... please, maniwala kayo." Pero hindi nagbago ang ekspresyon ng lalaki. Nakatitig lang siya sa akin, nakakunot ang noo, para bang sinusuri kung may butil ng kasinungalingan sa bawat salita ko. Biglang tumunog ang tiyan ni Atlas. Narinig naming lahat, pati ako, at sabay hawak niya sa tiyan niya. "Ate...gutom na ako," mahina niyang reklamo habang hinihila ang laylayan ng damit ko. "Ano, Doc..." sabat ng jejemon na kasama niya, napakamot pa ng ulo. "Hindi mukhang magnanakaw itong mga ito. Mukhang gutom lang." Halos mapaluha ako sa awa sa kambal. Pero bago pa ako makapagsalita, agad sumabat si Atlas, seryosong mukha, halos nagpipigil ng luha. "We're not thieves! The Titans are chasing us...that's why we hide here." Muli niyang depensa. Napabuntong-hininga nang malalim ang lalaki, halos nag-echo sa likod ng pick up truck. Ang bigat ng hangin. "Fine." Tumingin siya diretso sa mga mata ko, malamig pero may kakaibang lalim. "Pero tandaan ninyo...kapag nalaman kong nagsisinungaling kayo, I'll throw you straight into the sea." He warned. Parang kinapitan ng lamig ang buong katawan ko. Napasiksik ang kambal sa tabi ko, mas mahigpit pa ang yakap. Ramdam ko ang takot nila, pero ako... iba. Kumakabog ang puso ko, hindi lang dahil sa takot. Para akong hinihigop ng presensya niya, ng titig niya. Hindi ko alam kung bakit, pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang lalaki. At iyon ang mas nakakatakot. Akala ko tapos na siya, pero hindi pa pala. Akala ko lalayo na siya, para makababa na kami, pero bigla siyang yumuko at tumitig nang diretso sa kambal. Para bang binabasa niya ang kaluluwa ng mga ito, "Do you know me?" mababa at matalim ang tanong niya. Narinig ko ang mabilis na paghinga nina Atlas at Adler. Agad silang kumapit sa akin, halos itago ang mga mukha sa gilid ng braso ko. "A-Ate, who is he?" bulong ni Atlas, ramdam ko ang panginginig ng boses niya. Napakagat ako ng labi. God, what do I say? "Speak," utos ulit ng lalaki, this time mas madiin, parang hindi siya sanay na hindi sinusunod. "I-I don't know you," sagot ni Atlas, mahina pero malinaw. Kita ko ang kaba sa mga mata niya, pero pilit siyang nagtatapang-tapangan. "First time namin makita ka." Tumigil ang lalaki. Sandaling katahimikan na parang hinihigop ang hangin sa paligid. Nakatingin lang siya sa kambal, expressionless, pero mas lalo kaming kabado dahil hindi namin alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. "First time, huh?" ulit niya, halos bulong pero may bigat. Unti-unti niyang iniangat ang kamay, at ramdam kong napakapit ako agad sa balikat ng kambal, handang hadlangan kung sakali. Pero hindi niya sila sinaktan, sa halip, dahan-dahan niyang inilapat ang kamay sa buhok ni Atlas, halos parang sinusubukang tiyakin kung totoo silang naroon. "Scared?" tanong niya, mababa ang boses, diretso sa tenga ng bata. "Yes," mabilis na sagot ni Atlas, nanginginig na, halos umiiyak. Parang kumirot ang dibdib ko. Hindi ko na kinaya at nagsalita na ako, kahit nanunuyo ang lalamunan ko. "Please, stop... they're just kids. You're scaring them." Unti-unti niyang inalis ang kamay, saka tumingin sa akin. That stare—sharp, unrelenting—parang sinasabi niyang hindi ako pwedeng magtago sa mga salita ko. At sa loob-loob ko, hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot, 'yung titig niya o 'yung posibilidad na baka hindi pa ito ang huli niyang gagawin. Lumanghap ako ng hangin, pilit kong pinipigil ang panginginig ng dibdib ko. Kailangan kong magsalita. Hindi puwedeng puro katahimikan lang, alo na at ramdam kong unti-unting nawawala ang pasensya niya. "H-hindi kami magnanakaw," halos pabulong pero buo ang sinabi ko. "It's true—may humahabol sa amin. We're on our way to Masbate...sa isang bahay-ampunan." Mabilis kong dinukot ang papel sa bulsa ng pantalon ko. Nanginginig ang mga kamay ko, pero wala na akong pakialam. Inabot ko iyon sa kanya, sa nanginginig pa rin na kamay ko. "Here...kahit basahin mo pa, nakasulat lahat diyan." Tinitigan niya ako sandali, bago dahan-dahang kinuha ang papel. Binuklat niya iyon at binasa, mabagal, seryoso, para bang sinisiyasat ang bawat letra. Nakapako lang ang mga mata ko sa kanya habang unti-unting kumakabog ang puso ko nang mas mabilis. Bigla siyang napakunot-noo. "Sister Catalina?" sambit niya, mababa pero malinaw. Sunod-sunod akong tumango, halos mapatid ang leeg ko sa bilis. "Yes. Oo...siya po. Kilala niyo?" tanong ko agad, umaasang may kahit anong koneksyon na makakapagligtas sa amin. Tahimik siya ng ilang segundo, parang nag-iisip. At napansin ko—unti-unting nagbago ang mukha niya. 'Yung malamig niyang titig kanina 'yung matigas na panga, bahagyang lumuwag. Hindi na ganoon kasakit sa dibdib ang tingin niya, hindi na parang hinuhusgahan ako. Binalik niya sa akin ang papel, dahan-dahan, hindi na tulad kanina na parang anumang oras itatapon niya kami. "Keep this," mahina niyang sabi, halos may laman na ibang tono, hindi na puro yabang o panghuhusga. Napasapo ako sa dibdib ko para pigilan ang malakas na kabog. At doon ko lang na-realize... he wasn't just scary anymore. For some reason, may kakaibang bigat ang mga mata niya, parang alam niya ang hindi niya sinasabi. "ADRIAN Medrano," maikli niyang sabi habang nakatingin diretso sa akin. Parang natigilan ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong isasagot, pero pinilit kong ngumiti kahit ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko. "Zaldy," sabat naman ng kasama niya, nakataas pa ang dalawang daliri na parang peace sign. "Kasama ni Doc." Tumango lang ako, mahigpit pa ring hawak ang mga kamay ng kambal. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o makaramdam ng takot dahil walang warm ang pagpapakilala niya. Pero bago pa ako makapag-isip ng kung ano pa, muling nagsalita si Adrian. "Sumunod kayo." Hindi ko alam kung bakit pero may bigat yung boses niya na nakakapanghina ng tuhod. Kaya kahit nanginginig pa rin ako, bumaba kami sa likod ng pick–up dinala ko ang kambal at sumunod kami. Pag-akyat namin sa taas, binuksan nila ang isang kwarto. Malinis, malamig ang hangin mula sa aircon, at may mesa na puno ng pagkain. "Sit. Kumain muna kayo," utos ni Adrian, pero hindi siya tumingin sa amin. Agad namang umupo sina Atlas at Adler, walang alinlangan. Tulad ng mga batang gutom nang hindi kumakain ng maayos, sumubsob sila sa plato at halos hindi na nagsalita. Tahimik lang akong nakatingin sa kambal, ramdam ang kirot sa dibdib ko. Nakakaawa ang mga kapatid ko. "Dahan-dahan lang, mga bata," mahinang paalala ni Zaldy habang nilalagyan pa ulit ng pagkain sa plato nila. Nakangiti siya, halatang naaawa rin. Hindi ko alam kung paano ko siya ipagpapasalamat, pero isang tingin lang sa kanya, alam kong mabuti siyang tao. Napasulyap ako kay Adrian. Nasa gilid siya,,hawak ang phone, at may kausap. Ang tono ng boses niya—sobrang lambing. Hindi ko man gustuhin, hindi ko maiwasang makinig. Parang bawat salita niya ay may halong init at lambing, at hindi ko alam kung bakit ang sakit pakinggan. "Girlfriend niya 'yon," biglang sabi ni Zaldy, parang nahuli niya ang mga mata kong nakatingin kay Adrian. "Anak ng Governor sa amin." Parang may malamig na hangin na dumaan sa loob ko. Napayuko ako agad at ibinalik ang tingin sa plato ko. Kahit hindi ko tinanong, ang sakit ng sagot. Parang hindi ko pa man siya lubos na kilala, pero ngayon pa lang, nasaktan na ako. Ngayon lang ako humanga sa isang lalaki... tapos may sabit pa. Ang tanga mo naman, Malia. Pinilit kong ngumiti,,pinilit kong ipagpatuloy ang pagkain. Pero habang dinidikdik ko ng kutsara ang kanin sa plato ko, ramdam ko ang kirot sa puso ko, maliit lang, pero totoo. ---- Pagkatapos naming kumain, halos hindi na makagalaw ang kambal. Sobrang busog, parang gusto na lang nilang mahiga agad. Tinulungan ko silang mag-ayos, at nang makakita ako ng double deck sa sulok ng kwarto, parang gumaan ang dibdib ko. Pwede kaya sila dito? "Diyan na kayo matulog," sabi ni Zaldy habang naghikab. "Mahaba-haba pa ang biyahe ng roro. Mga umaga na bago tayo makarating sa Masbate." Nagpasalamat ako sa kanya at inalalayan ang kambal paakyat. Mabilis silang nakatulog, nakayakap pa rin sa isa't isa, parang ayaw maghiwalay. Napatingin ako sa kanila, at sa sobrang awa, hindi ko namalayan na ngumiti ako kahit ang bigat ng sitwasyon namin. Tahimik lang si Adrian sa kabilang dulo ng kwarto. Nakaupo sa sofa, nakayuko habang may binabasang libro. Cold. Distant. Parang hindi siya abot ng kahit sino. "Alam mo," bulong ni Zaldy, umupo sa tabi ko, "si Doc, isa 'yan sa pinaka-hinahangaan sa amin. Hematologist. Successful na doktor, kahit bata pa. Daming natutulungan. Kaya minsan, ganyan 'yan—laging seryoso." Muli akong napatingin kay Adrian. Hindi ko alam kung anong naramdaman ko, parang may kakaibang hatak. Hindi naman ako madaling humanga sa lalaki, pero iba talaga siya. "Pero siyempre," dugtong ni Zaldy, sinadyang pinahaba ang tono, "may girlfriend na. May mahal ng iba." Para akong tinusok sa dibdib. Pilit kong tinago sa isang ngiti kunwari hindi affected, pero ramdam ko ang kirot. Hindi ko alam kung bakit, wala naman akong karapatan. Kakakilala ko lang sa kanya, pero bakit parang may kung anong parte sa akin ang nalulungkot? Sumandal ako sa dingding. Hinila ko ang tuhod ko palapit at niyakap iyon habang nakatingin sa mga kapatid kong mahimbing na natutulog. Focus, Malia. Huwag kang magpakatanga. Para sa kanila ka lumalaban, hindi para sa ibang bagay. Pero kahit anong pilit kong iwas, nanatili ang imahe ni Adrian sa isip ko, ang malamig niyang tingin,,ang boses niyang mabigat pero buo, at ang paraan ng pagtayo niya na parang hindi natitinag kahit anong bagyo. At napagtanto ko, mas delikado pala ang nararamdaman ko ngayon kaysa sa mga taong humahabol sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD