Chapter 24 Malia Shanaya Torres LUPAYPAY akong lumabas ng clinic. Parang may nakapatong na mabigat na bato sa balikat ko habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Doc Bustamante—brain tumor...operation...aabutin ng kalahating milyon... Kalahating milyon. Saan ko kukunin yon? Wala nga akong ipon, ni hindi ko nga pera itong hawak kong sampung libo—lahat galing pa ito kay Mckenzie. Ramdam ko ang pamamanhid ng mga paa ko habang naglalakad sa hallway ng ospital. Parang kahit saan ako tumingin, umiikot lang ang mundo pero hindi ako nakakausad. Gusto kong umiyak, sumigaw, pero ni luha ko parang takot lumabas. Biglang hinawakan ni Nurse Joy ang kamay ko. Napatigil ako at napatingin sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang awa at pag-unawa. 'Yung tingin na parang gusto niyang ak

